Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Makasaysayang Pagtaas o Pag-urong? Nasa Kritikal na Resistance Zone ang USDJPY
27 Marso 2024 | FXGT.com

Makasaysayang Pagtaas o Pag-urong? Nasa Kritikal na Resistance Zone ang USDJPY

  • Papalapit ang USDJPY sa Pinakamatindi nitong Resistance: Lubhang tumaas ang USDJPY papalapit sa kritikal na lebel na ¥152, isang resistance na hindi pa nalalagpasan mula noong 1990s. Dati nang sinusubok ang lebel na ito, kung saan hindi naabot ng USDJPY ang threshold na ito noong Oktubre 2022 at Nobyembre 2023.
  • Pag-aalala sa Panghihimasok ng mga Awtoridad sa Japan: Ang paglapit ng yen sa ¥152 na lebel ay nagpukaw ng pag-aalala sa potensyal na panghihimasok ng mga awtoridad sa Japan. Ang komento ng finance minister ng Japan tungkol sa “matibay na aksyon” ay sumasalamin sa mga nakaraang patakaran sa pagsuporta sa yen.
  • Epekto ng Babala o Panghihimasok ng BOJ: Maaaring makaapekto sa direksyon ng market ang mga dagdag na babala o direktang panghihimasok ng Bank of Japan, na pwedeng bumaliktad sa bullish na trend kung bumagsak ang market sa ilalim ng mahahalagang support level.
  • Bullish na Trend na Pwede pang Tumaas: Sa kabila ng uptrend, hindi nagpapahiwatig ng overbought na kondisyon ang RSI indicators, kaya may posibilidad pa ng patuloy pang pagtaas. Nananatiling malaking hadlang ang resistance level na ¥152, habang ang market ay kasalukuyang gumagalaw sa sideways na consolidation sa panandalian.
  • Potensyal na Bagong Highs: Kung wala nang pagbabago o panghihimasok sa patakaran, ang paglagpas sa ¥152 na lebel ay maaaring maghudyat ng bagong highs, kung saan natukoy ang susunod na target sa ¥153.50 na lebel.
  • Panandaliang Support sa ¥151: Nagsilbi ang lebel na ito bilang pundasyon sa nakaraang consolidation phase. Ang pagbagsak sa ilalim ng puntong ito ay maaaring magpahiwatig ng lumalakas na paghina sa kasalukuyang bullish na momentum, na magsisilbing kritikal na punto sa mga traders na sumusubaybay sa mga panandaliang paggalaw.
  • Maagang Paghina ng USDJPY: Nagpapakita ng senyales ng maagang paghina ang pair, na binibigyang-diin ng kapansin-pansing pagtaas-baba at ang pagkakaroon ng malaking bearish candle sa oras-oras na chart. Nagpapahiwatig ito na ang retest sa support level na ¥151 ay magiging mahalaga sa pagtukoy ng susunod na directional wave.
  • Kritikal na Arawang Trend Support sa ¥150.30: Nakaposisyon bilang mahalagang support para sa arawang trend, ang pagbagsak sa ilalim ng ¥150.30 ay maaaring maghudyat ng pagbaliktad ng sentimyento ng market, at posibleng magsimula ng pinalawig na corrective wave.
  • Maselang Market at Pagbalanse ng Patakaran: Ipinapakita ng sitwasyon sa USDJPY na maselan ang balanse sa pagitan ng mga pwersa sa market at panghihimasok sa patakaran sa pagtukoy ng halaga ng yen. May potensyal na bumaliktad ang takbo ng currency batay sa aksyon ng mga awtoridad sa Japan.

4 na Oras na Chart ng USDJPY

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.