Tumatahak sa hindi kasiguraduhan ang pandaigdigang ekonomiya, at noong nakaraang linggo, nakaranas ito ng pagtaas-baba sa iba’t-ibang sektor. Bumagsak ang market dahil sa datos sa ekonomiya na inilabas noong Lunes, pero halos nakabawi ito pagdating ng Huwebes. Mula sa paglago ng mga serbisyo sa US at maingat na kilos ng mga bangko sentral, hanggang sa pagbabago sa imbentaryo ng langis at magkahalong kita ng mga kumpanya, nakakapagbigay ang mga naturang pangyayari at tagapaghiwatig sa ekonomiya ng pangkabuuang sektor ng pananalapi. Heto ang buod ng mga pangyayari na nakaimpluwensya sa mga market.
Pagtaya sa Malalaking Tagapaghiwatig at Kaganapan sa Ekonomiya
Lunes, Agosto 5
ISM Services PMI (USD)
Noong Hulyo 2024, lumawak ang aktibidad sa sektor ng mga serbisyo. Tumaas ang Services PMI® patungong 51.4% mula sa 48.8% noong Hunyo, na nagmamarka sa ika-47 paglago nito sa loob ng 50 buwan. Tumaas patungong 54.5% ang Business Activity Index, ang New Orders ng 52.4%, at ang Employment Index ay tumaas ng 51.1%, na nagpapahiwatig ng positibong trend. Bumagsak naman ang Supplier Deliveries Index patungong 47.6%, na nagpapakita ng mas mabilis na mga delivery. Nagtapos ang araw na 0.4% na mas mataas ang EUR/USD kumpara sa nakaraang araw.
Martes, Agosto 6
Desisyon sa Interest Rate ng RBA (AUD)
Nagdesisyon ang Board na panatilihin ang cash rate target na 4.35%, kasabay ng interest rate sa Exchange Settlement balances sa 4.25%. Sa kabila ng matinding pagbagsak mula sa peak noong 2022, nananatiling mas mataas ang inflation kumpara sa target, kung saan tumaas ang kaakibat na CPI ng 3.9% sa loob ng isang taon hanggang sa quarter na nagtapos nitong Hunyo. Nanatili ang inflation sa itaas ng 2–3% na target sa loob ng 11 magkakasunod na quarter. Nananatiling hindi sigurado ang pananaw sa ekonomiya, at mabagal ang landas patungo sa panunumbalik sa target na inflation. Tumaas ang AUDUSD ng 0.4% kumpara sa nakaraang araw.
Retail Sales (EUR)
Ayon sa Eurostat, bumagsak ng 0.3% ang volume ng retail sales sa eurozone na binago ayon sa panahon, at tumaas ito ng 0.1% sa EU nitong Hunyo 2024 kumpara nooong Mayo 2024. Nagtapos ang araw na bahagyang tumaas ang EURUSD ng 0.2%.
Pagbabago sa mga Trabaho QoQ (NZD)
Sa quarter ng Hunyo 2024, tumaas ang unemployment rate ng New Zealand mula 4.4% patungong 4.6%, at tumaas ang underutilization rate mula 11.2% papuntang 11.8%. Dumami ng 0.4% ang mga trabaho, na lagpas sa inaasahan ng mga analyst na -0.2%. Sumipa ng 0.2% ang NZDUSD sa pagtatapos ng araw.
Miyerkules, Agosto 7
Ivey PMI (CAD)
Ang Ivey Purchasing Managers Index (PMI), na isang buwan-buwang index na sumusukat sa pagbabago sa aktibidad sa ekonomiya ng Canada batay sa datos ng mga purchasing manager, ay nagtala ng 57.6, na mas mataas sa inaasahan ng mga ekonomista pero mas mahina kumpara sa 62.5 noong nakaraang buwan.
Nagtala ng pagbaba ng 0.2% ang presyo ng palitan sa pagitan ng US at Canadian dollar.
Biyernes, Agosto 9
Pagbabago sa mga Trabaho (CAD)
Nitong Hulyo, nabawasan ng 2,800 trabaho ang Canada, na nagpanatili sa unemployment rate sa 6.4%, ang pinakamataas sa loob ng dalawang taon. Sa kabila ng inaasahang pagdami ng mga trabaho, umurong ang job market sa unang pagkakataon simula noong Setyembre 2022. Dahil dito, malaki ang tyansa na humantong ito sa higit pang interest rate cuts mula sa Bank of Canada. Nananatiling hindi nagbago ang presyo ng USDCAD, na nagpapakita ng pagbawas na -0.02%.
Mga Commodity
Krudo
Sa linggong nagtapos noong Agosto 2, bumagsak ng 3.7 milyong bariles ang imbentaryo ng komersyal na krudo sa US, habang tumaas ang produksyon ng gas sa 10.0 milyong bariles kada araw. 6.2 milyong bariles kada araw ang average na in-import na krudo, na nagpapakita ng pagbaba ng 729,000 bariles kumpara noong nakaraang linggo. Nagtala ng 1.2 milyong bariles na dagdag na imbentaryo sa komersyal na petrolyo. Bukod dito, tumaas din ng 2.5% ang presyo ng krudo kumpara sa nakaraang linggo.
Gold
Tumaas ng mahigit-kumulang 33% ang presyo ng XAUUSD simula noong umpisa ng 2023 at mahigit 17% sa taong ito. Ang bagong pagtaas ay resulta sa pag-asang sisimulan ng US Federal Reserve ang pagbabawas ng interest rates sa Setyembre, kasabay ng lumalalang geopolitical na tensyon na nakapagpataas sa demand nitong safe-haven asset.
Nagtapos ang linggo noong Biyernes kung saan bumaba ng 0.5% ang presyo ng precious metal na Gold (XAUUSD).
Stock Market
- Bumaba ng 0.13% ang S&P 500
- Bumagsak ng 0.3% ang DJIA
- Tumaas ng mahigit 0.6% ang NASDAQ 100
Kita ng mga Kumpanya
Tumaas ang stock ng Devon Energy (DEV) pagkatapos ng magandang resulta ngayong Q2. Inanunsyo ng kumpanya ang EPS na $1.41, na lagpas sa inaasahang $1.26, at nagtala ito ng kita na $3.917B, na nagmamarka ng 13.4% pagtaas sa loob ng nakaraang taon. Bukod dito, nakamit ng kumpanya ang pinakamataas nitong produksyon ng langis at pinalawak nito ang share repurchase program. Tinaas din ng Devon ng 5% ang produksyon nito ng langis sa buong taon at itinakda ang Q3 capex sa pagitan ng $870M hanggang $930M. Nakakita ng 5% lingguhang pagtaas ang presyo ng stock.
Inaasahan ng Caterpillar Inc. (CAT) ang mas mataas na taunang kita ngayong 2024 dahil sa mas mababang singil sa manufacturing as mas magandang presyuhan sa kabila ng inaasahang mas kaunting bentahan. Iniulat ng kumpanya ang malakas na kita ngayong Q2, kung saan nalagpasan nito ang target na profit margin. Bagamat bahagyang bumaba ang bentahan sa konstruksyon at resources, nakapagtala naman ng 20% na mas mataas na kita ang sektor ng enerhiya at transportasyon. Nananatiling maganda ang pagtingin ng Caterpillar sa sektor ng pagmimina, sa kabila ng mas maingat na pananaw para sa ikalawang parte ng taon. Tumaas ng mahigit 5% ang shares kumpara noong nakaraang linggo.
Iniulat ng Disney (DIS) ang kauna-unahan nitong kita sa streaming na $47M simula noong inilunsad ang Disney+ noong 2019, kaya nabawi ang mahinang kita mula sa theme park. Nahigitan ang inaasahang pangkabuuang kita, at nakapagtala ng $254M na kita ang film studio. Plano ng Disney na taasan ang presyo ng streaming at magbayad ng hanggang $5B para sa parte ng Comcast sa Hulu, kung saan matatapos sa 2025 ang negosasyon dito. Bumagsak ang presyo ng stock ng mahigit 4% noong nakaraang linggo.
Pangkalahatan
Noong nakaraang linggo, nasilip natin ang lagay ng pandaigdigang ekonomiya, na nagbibigay-diin sa katatagan at umuusbong na hamon dito. Habang pinapakiramdaman pa ng market ang mga naturang pagbabago, di maikakaila na maiimpluwensyahan nitong mga trend ang mga istratehiya ang paggalaw na makikita sa mga darating na linggo. Patuloy na magbabago-bago ang katayuan ng ekonomiya, at tunay na nakakaintriga ang mga papalapit na araw.