Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Tumataas ang Pag-asang Magpapatupad ng Rate Cut ang Bank of Canada
4 June 2024 | FXGT.com

Tumataas ang Pag-asang Magpapatupad ng Rate Cut ang Bank of Canada

Nasa Sideways na Consolidation ang USD/CAD: Tinututukan ang USD/CAD pair pagkatapos bumaliktad ang tatlong-araw nitong pagbaba. Sa kabila ng consolidation pattern mula noong Mayo, lumakas ito sa bandang $1.37 noong Martes. Nangyari ito sa gitna ng mahinang datos sa manufacturing ng parehong Canada at US. Bukod dito, lubhang nakapagpabigat sa CAD ang bumabagsak na presyo ng langis dahil sa papel ng Canada bilang isa sa mga pangunahing taga-export ng langis sa US.

Paparating na Kritikal na Linggo: Kritikal ang linggong ito dahil may dalawang malaking pangyayari na pupukaw ng atensyon: ang desisyon ng Bank of Canada (BoC) sa Miyerkules tungkol sa interest rate at ang ilalabas sa Biyernes na datos sa US Nonfarm Payrolls. Makakaapekto ang mga naturang pangyayari sa halaga ng parehong currency, kaya maiimpluwensyahan nito sa huli ang presyo ng palitan.

Pagkakaiba ng mga Bangko Sentral: Isang mahalagang aspeto na magpapagalaw sa USD/CAD ay ang inaasahang pagkakaiba sa patakaran ng mga bangko sentral. Inaasahang bababaan ng BoC ang interest rates sa Miyerkules, habang inaasahan naman na hindi ito babaguhin ng Fed, kaya posibleng tumaas ang USD kumpara sa CAD dahil sa pagkakaiba ng pamamalakad sa pananalapi.

Inaasahang Rate Cut ng BoC: Malawakang inaabangan ng mga ekonomista ang kauna-unahang pagkakataon na bababaan ng BoC ang interest rate nito sa loob ng ilang taon. Naglalayon itong pasiglahin ang bumabagal na ekonomiya ng Canada, na sinuportahan ng bagong datos na nagpapakita ng bumababang inflation, tumaas na unemployment, at pagbagal ng paglago ng GDP. Masusing susubaybayan ng mga investor ang desisyon ng BoC at anumang gabay tungkol sa magiging rate cuts pagkatapos ng Hunyo. Kapag sorpresa itong nagdesisyon na panatilihin ang rates, pwede nitong pansamantalang palakasin ang CAD, pero malamang na magkaroon pa rin ng rate cuts sa hinaharap.

Bumabagal na Ekonomiya ng Canada: Ang inaasahang rate cut ng BoC ay sinusuportahan ng kamakailang datos sa ekonomiya ng Canada. Bumagsak nang husto ang core inflation, kung saan bumaba ito ng 1.6% nitong Abril mula sa pinakamataas na lebel na 6.2% noong 2022. Bukod dito, iniulat na lumago ang ekonomiya ng 0.4% nitong Q1 2024, na nagpapahiwatig ng bumabagal na ekonomiya, na pwedeng makinabang sa mas maluwag na pamamalakad sa pananalapi.

Paghina ng Manufacturing sa US: Humina kamakailan ang US dollar kumpara sa mga pangunahing currency dahil napwersa ito sa huminang aktibidad sa manufacturing sa US at espekulasyon na magpatupad ng rate cuts ang Federal Reserve. Inaabangan na ngayon ng investors ang datos sa services PMI ng US na ilalabas sa Miyerkules para sa iba pang senyales tungkol sa kalusugan ng ekonomiya ng US.

Ulat sa mga Trabaho sa US: Kritikal na datos para sa USD ang ilalabas na ulat tungkol sa Nonfarm Payrolls sa Biyernes. Kapag mas malakas ito kaysa sa inaasahan, pwedeng tumibay ang USD dahil mababawasan ang pag-aalala sa potensyal na recession, at posible nitong maantala ang inaasahang rate cuts ng Fed. Sa kabilang banda, kapag mas mahina ang ilalabas na datos sa buong linggo, pwedeng bumagsak nang husto ang USD.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. ¬†Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk¬†dito.