Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nananatiling Matatag ang AUD sa Gitna ng Mas Mahinang Kumpiyansa ng mga Konsyumer at Malakas na Sentimyento sa Negosyo
11 July 2024 | FXGT.com

Nananatiling Matatag ang AUD sa Gitna ng Mas Mahinang Kumpiyansa ng mga Konsyumer at Malakas na Sentimyento sa Negosyo

  • Naging Matatag ang Australian Dollar: Nananatiling nasa range ang Australian dollar sa bandang $0.6750 habang pinag-aaralan ng investors ang pananaw sa magiging pamamalakad ng Reserve Bank of Australia (RBA) sa gitna ng magkahalong ulat sa ekonomiya.
  • Kumpiyansa ng mga Konsyumer: Humina nitong Hulyo ang kumpiyansa ng mga konsyumer sa Australia, kung saan bumaba ng 1.1% ang Westpac Consumer Confidence, na kabaligtaran ng 1.7% na pagtaas noong Hunyo. Ito na ang nagmamarka sa ikalimang pagbaba ngayong 2024 dahil sa pag-aalala sa mataas na inflation at mataas na interest rates.
  • Sentimyento sa Negosyo: Sa kabilang banda, tumaas patungo sa 17-buwang high nitong Hunyo ang sentimyento sa negosyo, kung saan nakabawi sa 4 ang NAB Business Confidence index, ang pinakamataas na lebel simula noong Enero 2023. Nagtala ng pagtaas ang karamihan sa mga industriya, kabilang ang manufacturing, bagamat bumaba ang kondisyon ng negosyo at mga trabaho, na sumasalamin sa bumabagal na ekonomiya.
  • Papalapit na Inaasahang Inflation: Inaabangan na ng investors sa katapusan ng linggo ang ilalabas na inflation ngayong Hulyo para sa higit pang gabay sa magiging direksyon sa pamamalakad ng RBA.
  • Inaasahang Rate Hike ng RBA: Binabaan ng market ang taya nito sa magiging rate hike ng RBA, kung saan may 20% tyansa na lang na ipatupad ito sa Agosto. Sa kabila nito, nanatiling malakas ang AUD kumpara sa mga kalebel nito dahil sa pag-asa na pwedeng mahuli ang RBA sa pandaigdigang siklo ng pagbabawas ng rates, o pwede rin nitong taasan ulit ang rates dahil sa malakas na inflation noong Mayo.
  • Epekto ng CPI ng China: Nagigipit ang AUD dahil sa nakakadismayang datos sa inflation ng China, na isang malapit na partner ng Australia sa pangangalakal. Tumaas ang CPI ng China sa taunang rate na 0.2% nitong Hunyo, na mas mababa mula sa 0.3% noong Mayo, at mas mahina sa inaasahang 0.4% pagtaas. Buwan-buwan naman, bumaba ng 0.2% nitong Hunyo ang CPI inflation sa China, kumpara sa 0.1% pagbaba noong Mayo, kaya hindi naabot ang inaasahang pagbagsak na 0.1%.
  • Epekto ng Testimonya ni Powell: Binigyang-diin ng Fed Chair na si Jerome Powell na hindi pa napapanahon ang pagkakaroon ng rate cut hangga’t hindi pa mataas ang kumpiyansa na gumagalaw ang inflation patungo sa target na 2%. Bagamat kinikilala niya na gumaganda ang inflation, nananatili pa ring maingat ang Fed tungkol dito.
  • Datos sa Ekonomiya ng US: Tinututukan ng traders ang ilalabas na datos sa CPI ng US ngayong araw. Inaasahan na hindi magbabago sa 3.4% ang taunang core CPI, habang ang headline CPI inflation naman ay inaasahang tataas ng 0.1% MoM nitong Hunyo.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.