22 Marso 2024 | FXGT.com
Nahihirapan ang AUD Dahil sa Malakas na Datos sa US at Paghina ng Chinese Yuan
- Bumaba ang Aussie Dollar: Bumagsak ang Australian dollar patungong $0.6510 dahil naapektuhan ito ng matinding pagbaba ng Chinese yuan sa gitna ng inaasahang easing policy sa China. Bagamat panandalian itong tumaas dahil sa magandang ulat tungkol sa mga lokal na trabaho, hindi nagawa ng Aussie dollar na panatilihin ito laban sa mas malakas na US dollar.
- Datos ng Trabaho sa Australia: Umakyat ang bilang ng mga trabaho sa Australia, kung saan 116,500 bagong trabaho ang nadagdag noong Pebrero at bumaba ang unemployment rate patungong 3.7%, na pansamantalang nagpataas sa halaga ng Australian dollar.
- Bumagsak ang AUDUSD dahil sa Inilabas na Datos sa US: Dahil sa inilabas na datos tungkol sa PMI sa US, pangunang jobless claims, at Philadelphia Fed Manufacturing Index, lumakas ang USD, na naging dahilan para magkaroon ng bearish na momentum sa AUDUSD pair.
- Mahahalagang Tagapaghiwatig ng Ekonomiya sa US: Ang US S&P Global Composite PMI ay mas mataas sa expansion level na 52.2, kung saan nalagpasan ang inaasahang Manufacturing PMI tungong 52.5. Hindi naabot ng Services PMI sa 51.7 ang tinatayang forecast, habang nalagpasan naman ng Philadelphia Fed Manufacturing Survey at pangunang jobless claims ang mga inaasahang projection.
- Desisyon ng Reserve Bank of Australia sa Rate: Sa ikatlong sunod na pulong, pinanatili ng RBA ang cash rate sa 4.35%, ang pinakamataas sa loob ng 12 taon, at nagpapatunay sa pananaw ng bangko sentral tungkol sa inflation at paglago ng ekonomiya, na nakakaimpluwensya sa sentimyento ng mga investor tungo sa AUD.
- Pananaw ng RBA sa Inflation: Kapag tinanggal ang dating babala na posibleng magkaroon ng isa pang rate hike, sumesenyas ang RBA ng kumpiyansa sa mas mababang inflation, kaya tumitibay ang espekulasyon na maaaring magsimula ang rate cuts sa katapusan ng taon. Nakaapekto sa paghina ng Australian dollar ang desisyon ng RBA na talikuran ang tightening bias nito.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .