Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nanatiling Matatag ang AUDUSD Dahil sa Iniulat na Pinakamataas na Lebel ng Inflation mula Nobyembre
29 May 2024 | FXGT.com

Nanatiling Matatag ang AUDUSD Dahil sa Iniulat na Pinakamataas na Lebel ng Inflation mula Nobyembre

Tumaas ang Inflation Rate: Sa kabila ng inilabas na ulat noong Martes tungkol sa mas mahinang retail sales kaysa sa inaasahan, at sa inilabas na ulat ngayong araw tungkol sa mas mataas na inflation kaysa sa inaasahan, hindi pa rin nagbago ang Australian dollar mula noong Lunes. Ayon sa datos, tumaas ng 3.6% year-on-year nitong Abril ang inflation ng Australia, na mas mataas kumpara sa 3.5% noong Marso. Lagpas ito sa inaasahan ng market na babagal ito patungong 3.4%, kaya minamarkahan nito ang pinakamataas na lebel na naabot simula noong Nobyembre.  

Implikasyon para sa Reserve Bank of Australia: Ito na ang pangalawang sunod na taon na bumilis ang CPI at lumagpas ito sa tinatayang lebel, kaya pwede nitong udyukin ang RBA na ipagpaliban pa ang rate cuts. Bagamat lubos na nababaan ng RBA ang inflation, malaking hamon pa rin ang pag-abot sa target nito na 2-3%. Inaasahan ng bangko sentral na hindi bababa ang inflation papunta sa target na halaga hanggang sa huling bahagi ng 2025.

Rate Hikes ng RBA: Mula Mayo 2022, nagtaas ng 425 pasis points ang RBA tungo sa 12-taong high na 4.35%. Hininto nito ang rate hikes sa apat na magkasunod na pulong simula noong Nobyembre dahil sa pag-iingat ng mga konsyumer sa gastos at bumabagal na ekonomiya. Patuloy na pinapakaba ng RBA ang market dahil wala itong tiyak na paninindigan tungkol sa anumang pagbabago sa pamamalakad.

Ang Inaasahan ng Market sa Pamamalakad ng RBA: Kasalukuyang inaasahan ng market na pananatilihin ng RBA ang mas mataas na rates sa mas mahabang panahon. Ayon sa pinakabagong pulong ng RBA, isinaalang-alang ng board na itaas ang rates ngayong Mayo, pero sa huli nagdesisyon itong panatilihin ang kasalukuyang patakaran. Kinilala nila na mahirap hulaan ang magiging pagbabago sa cash rate sa hinaharap dahil ayon sa pinakabagong datos, tumaas ang risk ng mas mataas na inflation sa mas mahabang panahon.

Pagtutok ng Market sa Ulat sa Inflation sa US: Ang pangunahing kaganapan ngayong linggo ay ang US core Personal Consumption Expenditures (PCE) price index na ilalabas sa Biyernes, na siyang napiling panukat ng Federal Reserve pagdating sa inflation. Inaasahang hindi ito magbabago kumpara sa nakaraang buwan. Kapag may matinding sorpresa sa datos, malamang na magdulot ito ng panibagong pagtaas-baba sa AUDUSD.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.