Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nanatiling Malakas ang AUDUSD sa Itaas ng $0.66 Bago Ilabas ang Datos sa Retail Sales at Inflation  
27 May 2024 | FXGT.com

Nanatiling Malakas ang AUDUSD sa Itaas ng $0.66 Bago Ilabas ang Datos sa Retail Sales at Inflation  

Naging Matatag ang Australian Dollar sa Itaas ng $0.66: Nanatiling matatag ang Australian dollar sa itaas ng $0.66 sa gitna ng mababang liquidity na dahil sa pista opisyal sa US, habang hinihintay ng investors ang datos sa domestic retail sales at inflation na ilalabas sa katapusan ng linggo. Makakaimpluwensya ito nang husto sa magiging pamamalakad ng Reserve Bank of Australia (RBA).

Minutes ng Pulong ng RBA: Ayon sa pinakabagong minutes ng RBA, pinag-aralan ng board na itaas ang interest rates ngayong Mayo pero sa huli nagdesisyon itong panatilihin ang kasalukuyang pamamalakad. Kinilala ng board na mahirap hulaan ang magiging pagbabago ng rate sa hinaharap, kung saan binanggit nila na malaki ang risk na tatagal pa ang mas mataas na inflation dahil sa nakaraang datos. Kasalukuyang tinataya ng market na may 35% tyansa ng isang rate cut sa Disyembre.

Paparating na Datos sa Ekonomiya ng Australia: Aabangan ang mahahalagang datos sa Australia tulad ng ilalabas na retail sales sa Martes at buwanang inflation sa Miyerkules. Inaasahan ng Reserve Bank of Australia na mananatiling 3.5% ngayong Abril ang consumer price inflation, habang tinataya naman ng mga ekonomista na bababa ito nang kaunti patungong 3.4%. Inaasahang magpapakita ng 0.3% pagtaas ang retail sales nitong Abril, kung saan babawi ito mula sa 0.4% pagbaba noong Marso.

Impluwensya ng Ibang Bansa: Maaaring makaapekto sa Australian market ang geopolitical na tensyon tulad ng naiulat na aktibidad ng militar sa Taiwan Strait, at pagbabago sa industriya ng semiconductors sa China, dahil malapit na pakikipagkalakalan.  

Epekto ng Datos sa Ekonomiya ng US: Nakaranas kamakailan ng pwersa ang Australian dollar dahil sa malakas na datos sa ekonomiya ng US at hawkish na minutes ng Federal Reserve, kaya nabawasan ang pag-asang magkakaron ng rate cuts ang US. Bukod dito, ayon sa ulat ng US Census Bureau, may 0.7% na pagtaas sa Durable Goods Orders nitong Abril, habang sumipa patungong 54.4 nitong Mayo ang S&P Global US Composite PMI, na nagpapahiwatig ng malakas na aktibidad sa ekonomiya. Dahil dito, naaantala ang pag-asang magkaroon ng agarang rate cut ang Federal Reserve.

Nalalapit na Datos sa Inflation ng US: Ayon sa inilabas na core Personal Consumption Expenditures (PCE) noong Biyernes, inaasahang hindi magbabago kumpara sa nakaraang buwan ang patakaran ng Federal Reserve pagdating sa inflation. Dahil bumagal ang pagbaba ng bilihin noong Abril na nakapagpahina sa dolyar, kailangan ng higit pang kumpirmasyon nitong trend para babaan ito.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.