Nagpapakita ang AUDUSD ng pataas na momentum simula umpisa ng Agosto, pero humaharap ito sa potensyal na correction dahil sa namataang bearish technical signals tulad ng candlestick reversal pattern at negatibong paghihiwalay sa RSI. Magiging gabay ang mahahalagang resistance at support levels sa potensyal na galaw ng market, kung saan babalansehin nito ang patuloy na bullish na trend at posibleng correction. Makikita rin sa fundamentals ang pagkadismaya sa 0.2% GDP growth ng Australia sa quarter na nagtapos nitong Hunyo, na resulta ng mahinang pagkonsumo ng mga tahanan at bumabagsak na kita sa pagmimina, na binawi ng gastusin ng gobyerno at positibong kontribusyon sa pangangalakal.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Miyerkules 04:30 AM (GMT+3) – Australia: GDP QoQ (AUD)
Miyerkules 16:45 (GMT+3) – Canada: Overnight Rate (CAD)
Miyerkules 17:00 (GMT+3) – USA: JOLTS Job Openings (USD)
Huwebes 15:15 (GMT+3) – USA: ADP Nonfarm Employment Change (USD)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Huwebes 17:00 (GMT+3) – USA: ISM Services PMI (USD)
Huwebes 17:00 (GMT+3) – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: Pagbabago sa mga Trabaho (CAD)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – USA: Nonfarm Payrolls (USD)
Biyernes 17:00 (GMT+3) – Canada: Ivey PMI (CAD)
Nakakaranas ang AUDUSD ng pataas na trend simula Agosto 5, noong naabot nito ang low na 0.63474. Mula noon, nag-peak sa 0.68228 ang presyo ng palitan sa pagitan ng Australian dollar at ng US dollar, na nagmamarka sa pinakamataas na presyo ngayong 2024. Gayunpaman, may bagong Tower Top Japanese candlestick reversal pattern na sumesenyas ng potensyal na pababang correction. Sinusuportahan ng 20-period Exponential Moving Average (EMA) ang bearish na pananaw para sa AUDUSD. Sa kabilang banda, nagpapahiwatig naman ng pagpapatuloy ng uptrend ang 50-period EMA, Momentum oscillator, at ang Relative Strength Index (RSI). Sa partikular, mas mataas ang Momentum oscillator at ang RSI sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Bukod dito, mas mataas din ang presyo kumpara sa 50-period EMA. Kapag tiningnang mabuti ang chart, mabubunyag ang negatibong paghihiwalay ng presyo sa RSI, na nagpapahiwatig ng potensyal na pababang correction.
Kung mapapanatili ng bulls ang kontrol nila sa market, maaaring ilipat ng traders ang atensyon nila sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
0.68228: Nakatakda sa 0.68228 ang pangunang target na presyo, na kumakatawan sa pinakamataas na palitan ngayong 2024.
0.68511: Ang pangalawang target na presyo ay natukoy sa 0.68511, na tumutugma sa lingguhang resistance (R2) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method.
0.68703: Ang pangatlong target ay namataan sa 0.68703, na kumakatawan sa lingguhang peak na naitala noong Disyembre 24.
0.68793: May isa pang dagdag na target na natukoy sa 0.68793, na tugma sa lingguhang resistance (R3) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method.
Kung makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba:
0.66959: Ang unang support line ay nakita sa 0.66959, na sumasalamin sa arawang high na naitala noong Agosto 22, at tugma sa 23.6% Fibonacci retracement sa pagitan ng low na 0.63474 at ng high na 0.68228.
0.66418: Ang pangalawang support level ay nasa 0.66418, na kumakatawan sa peak na nabuo noong Agosto 14 at ang 38.2% Fibonacci retracement sa pagitan ng low na 0.63474 at ng high na 0.68228.
0.65870: Ang pangatlong support line ay natukoy sa 0.65870, na tugma sa 50% retracement sa pagitan ng swing low na 0.63474 at ng swing high na 0.68228.
0.65261: May isa pang pababang target na naobserbahan sa 0.65261, na tugma sa 61.8% Fibonacci retracement sa pagitan ng low na 0.63474 at ng high na 0.68228.
Ayon sa Australian Bureau of Statistics (ABS), sa quarter na nagtapos nitong Hunyo 2024, tumaas ng 0.2% ang ekonomiya ng Australia, na nagmamarka sa ika-labingisang sunod na quarter ng paglago, kung saan tumaas ang GDP ng 1.5% sa taong 2023-24. Ito ang pinakamahinang taunang paglago mula noong 1991-92, maliban sa panahon ng pandemya noong COVID-19. Bumaba ng 0.2% ang pagkonsumo ng mga tahanan, na resulta ng mas mahinang pansariling gastusin, habang tumaas naman ang gastos ng gobyerno, kaya nakatulong ito sa positibong GDP. Nananatiling mababa sa 0.6% ang ratio ng ipon kumpara sa kita. Bumaba rin ang kita sa pagmimina dahil sa mas mahinang demand sa buong mundo, at tumaas ng 0.9% ang sahod ng mga empleyado. Pinaka-nakatulong sa paglago ang netong pangangalakal at pagkonsumo ng gobyerno, habang bumagsak naman ng 3% ang termino ng pangangalakal.
Sa pangkalahatan, kasalukuyang nagpapakita ang AUD/USD ng kahinaan sa parehong fundamental at technical na aspeto, sa kabila ng uptrend na nagsimula noong umpisa ng Agosto. Lumago lamang ng 0.2% ang ekonomiya ng Australia sa quarter na nagtapos nitong Hunyo 2024, na resulta ng mahinang paggastos ng mga tahanan at pagbaba sa kita sa pagmimina. Gayunpaman, nakapagbigay ng positibong aspeto ang gastos ng gobyerno at antas ng pangangalakal. Nakatakdang ilabas ngayong linggo ang mahahalagang ulat sa ekonomiya kabilang ang Nonfarm Payrolls, na pwedeng makaapekto sa mga market sa buong mundo. Bukod dito, sumesenyas ang mga technical indicator na pwedeng magkaroon ng pababang correction. Mahalaga para sa mga trader na manatiling makibalita sa pinakabagong geopolitical, technical, at pang-ekonomiyang kaganapan para masusing masubaybayan ang mga trend sa market at makagawa ng tamang desisyon sa pag-trade.