Nakakapagpakita ang AUDUSD ng malakas na bullish na momentum mula noong Agosto 5, na resulta ng “Golden Cross” at positibong technical indicators. Nakasuporta sa Australian dollar ang dedsisyon ng Reserve Bank of Australia (RBA) na hindi baguhin ang rates sa 4.35%, habang nakapagpahina naman sa US dollar ang 50 basis point rate cut ng US Federal Reserve. Bukod dito, dahil sa kamakailang stimulus ng China, gumanda ang pagtingin para sa ekonomiya ng Australia na nakatutok sa pag-export, na lalo pang nakasuporta sa AUD. Itinuturo ng mahahalagang Fibonacci retracement levels ang potensyal na targets sa 0.69461, 0.71457, at 0.74686.
Lalo pang Tumaas ang AUDUSD Dahil sa Magkaibang Pamamalakad
Malaki ang epekto sa AUDUSD ng pinakabagong pamamalakad ng Reserve Bank of Australia (RBA) at ng Federal Reserve. Ang desisyon ng RBA na wag baguhin ang interest rate sa 4.35% ay saumasalamin sa maingat na pananaw. Sumusuporta ito sa Australian dollar dahil sinisigurado nito ang mga investor na magkakaroon ng matatag na kita sa AUD.
Sa kabilang banda, malaki ang naging epekto sa palitan ng AUDUSD ang desisyon ng Fed na bawasan ang interest rates ng 50 basis points. Pinahina nito ang US dollar, dahil binababaan nito ang yields sa mga asset na nasa USD, kaya mas hindi ito kaaya-aya sa mga investor sa buong mundo. Dahil dito, nakaranas ng pansamantalang pagtaas ang AUDUSD pagkatapos ng rate cut ng Fed, na resulta ng humihinang USD at ang mas magandang pagtingin sa matatag na rate ng Australia.
Maaaring tingnan ng mga investor ang malaking rate cut ng Fed bilang senyales ng lumalalang pag-aalala sa ekonomiya ng US. Pwede itong humantong sa mas mataas pang palitan ng Australian dollar kumpara sa US dollar.
Paglago ng China: Ang Susi sa Kinabukasan ng Australian Dollar
Mahigpit na nakatali ang Australian dollar (AUD) sa ekonomiya ng China dahil sa malakas nilang pakikipagkalakalan. China ang isa sa malalaking destinasyon ng mga export ng Australia, na nagsu-supply ng raw materials tulad ng iron ore at coal. Kapag lumalago ang ekonomiya ng China, tumataas rin ang demand sa mga naturang bagay, kaya tumataas ang AUD. Sa kabilang banda, kapag mahina ang ekonomiya ng China, bumababa rin ang AUD dahil sa mas kaunting demand sa pag-export, na negatibong nakakaapekto sa ekonomiya ng Australia.
Humina ang Inflation sa Australia Habang Tumaas ng 2.7% ang CPI nitong Agosto sa Gitna ng Rebates ng Gobyerno at Pagbaba ng Langis
Nitong Agosto 2024, tumaas ng 2.7% YoY ang Consumer Price Index (CPI) ng Australia, na bumaba kumpara sa pagtaas na 3.5% noong Hulyo. Malaki ang epekto sa inflation ng pabahay (+2.6%), pagkain at mga inumin na hindi alak (+3.4%), at alak at sigarilyo (+6.6%), habang bumaba ng 1.1% ang bayarin sa transportasyon dahil sa 17.9% na pagbaba ng presyo ng kuryente mula sa rebates ng gobyerno. Bumagsak rin ng 7.6% ang presyo ng gasolina, kaya nabawasan ang panggigipit sa sektor ng transportasyon. Sa kabila nito, patuloy na tumataas ang renta at bayarin sa bagong pabahay, na sumasalamin sa tuloy-tuloy na hamon sa housing market. Ang humihinang inflation ay kasunod ng desisyon ng Reserve Bank of Australia (RBA) na wag baguhin ang interest rates, na baliktad sa ginawang rate cuts ng US Federal Reserve na may layuning bawasan ang panggigipit sa ekonomiya.
Pagsipa ng Stimulus ng China: Pansamantalang Pagsasaayos o Pangmatagalang Solusyon?
Naglunsad ang bangko sentral ng China ng isang malaking stimulus package na naglalayong iwasan ang tuloy-tuloy na pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Kabilang dito ang mga interest rate cut, mas malaking pera ng mga bangko, insentibo sa pagbili ng bahay, at potensyal na plano para sa isang stock stabilization fund. Inanunsyo ang mga pamamalakad na ito sa isang malaking presscon, na nakakuha ng positibong reaksyon sa market, kaya tumaas ang stocks sa China sa pinakamataas na lebel mula noong 2020.
Sa kabila ng pansamantalang pagtaas, naniniwala ang mga ekonomista na panandaliang solusyon lamang ang stimulus at kailangan ng mas malalim na reporma para tugunan ang mga hamon sa ekonomiya ng China, kabilang ang napakatagal na paghina ng property market, mababang presyo sa mga konsyumer, at tensyon sa pandaigdigang kalakalan. Bagamat nakapagbigay ito ng pansamantalang ginhawa, hindi mababaliktad nitong mga patakaran ang paghina ng ekonomiya nang hindi gumagawa ng malalaking kilos para itulak ang lokal na pagkonsumo at reporma sa ekonomiya.
Ang nakakaalarmang sitwasyon ay binigyang-diin ng madaliang pagpapatupad nito, kasunod ng pag-aalala na maaaring hindi maabot ng China ang taunan nitong target. Bagamat nakabawi ang market bilang panandaliang epekto, marami ang naniniwala na hindi pa rin nareresolba ang pangmatagalang isyu sa ekonomiya, na nangangailangan ng higit pang pagkilos para maiwasan ang mas matagal na paghina.
Pinaigting ng Golden Cross ng AUDUSD ang Bullish an Momentum na may Naitalang Mahahalagang Targets
Nakakaranas ang AUDUSD pair ng malakas na bullish na trend mula noong Agosto 5, pagkatapos nitong makabawi sa low na 0.63474. Bumilis ang pataas na momentum noong Agosto 21 dahil sa “Golden Cross” na nabuo noong lumagpas ang 20-period Exponential Moving Average sa itaas ng 50-period EMA, na sumesenyas ng bullish na reversal. Kasabay ng isang failure swing reversal pattern, nagbukas ang pagkakataon sa higit pang pataas. Gamit ang Fibonacci retracement mula sa swing high na 0.68228 papunta sa swing low na 0.66209, lumabas ang mga pangunahing target sa 0.69461, 0.71457, at 0.74686, na nagpapahiwatig ng potensyal na pagtaas.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, nakapagpakita ang AUDUSD ng malakas na pataas na momentum, na resulta ng mahahalagang aspeto tulad ng desisyon ng Reserve Bank of Australia na panatilihin ang rates sa 4.35%, ang 50 basis point rate cut ng US Federal Reserve, at ang mga stimulus na ginawa ng China. Bagamat nagpapahiwatig ng higit pang bullish na potensyal ang mga technical signal tulad ng “Golden Cross,” nananatiling malaking aspeto ang paglago ng ekonomiya ng China kaugnay sa pag-iimpluwensya sa magiging takbo ng Australian dollar. Kailangan pa ring mag-ingat ng traders sa mga magiging kaganapan sa ekonomiya, habang sinusubaybayan ang mahahalagang lebel para sa potensyal na oportunidad sa palitan ng AUDUSD.