Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Umigting ang Espekulasyon ng Rate Hike sa Gitna ng Pagtaas ng CPI sa Australia
26 June 2024 | FXGT.com

Umigting ang Espekulasyon ng Rate Hike sa Gitna ng Pagtaas ng CPI sa Australia

  • Nag-retrace ang AUD/USD Pabalik sa Lebel Bago ng Anunsyo: Ngayong umaga, sumipa pataas ang AUD/USD pagkatapos iulat ng Australia ang hindi inaasahang napakataas na CPI. Kaya lang, nag-retrace ang pangunang galaw nito, kung saan bumalik ulit ang AUD/USD sa lebel nito bago ang anunsyo. Dahil sa pinakabagong datos, pinag-aaralan ulit ng Reserve Bank of Australia (RBA) ang papalapit na desisyon sa rates.
  • CPI sa Australia: Sumipa ng 4% YoY nitong Mayo ang CPI sa Australia, na mas mataas kumpara sa 3.6% noong Abril, at mas malaki sa inaasahang 3.8%. Tumaas din ang core na panukat patungong 4.4%, ang pinakamataas nitong lebel sa loob ng anim na buwan.
  • Tugon ng Market: Pagkatapos ng anunsyo, tumaas noong una ang AUD/USD pair ng mahigit 0.5% patungong $0.6680. Bumaba sa 70% ang probabilidad na hindi magbabago ang rates sa Agosto, habang tumaas naman sa mahigit 50% ang tyansa na magkaroon ng rate hike sa Setyembre. Nagpapahiwatig ito ng posibleng pagkilos sa Agosto, pagkatapos ilabas ang buong ulat sa CPI para sa ikalawang quarter.
  • Pananaw ng RBA: Pinaigting ng hindi inaasahang pagtaas sa bilihin ang hawkish na paninindigan ng RBA. Tumaas ang pag-asa ng market na magkaroon ng rate hike sa Agosto, kaya lumakas din ang Aussie dollar. Binigyang-diin ng RBA ang pangako nito na tugunan ang risk ng inflation, na sumesenyas ng higit pang rate hikes kung magpapatuloy ito. Habang nananatiling maingat ang RBA at hindi nito binabalewala ang anumang opsyon sa pamamalakad, nagpapahiwatig ang pinakabagong datos sa inflation na nagiging tunay na posibilidad ang pagpapatupad ng isang rate hike.
  • Pagkakaiba sa Pamamalakad: Ang potensyal na rate hikes ng RBA ay taliwas sa rate cuts o paghihinto na nakikita sa iba pang malalaking bangko sentral, kaya nabibigyang-diin sa pagkakakiba sa pamamalakad. Malaki ang tyansa na susuportahan nito ang AUD, lalo na kung magpapatuloy ang pwersa ng inflation.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.