9 May 2024 | FXGT.com
Pinanatili ng Bank of England ang Rates at Tiwala ito na Bababa pa ito sa Hinaharap
- Magandang Pananaw ng Bank of England sa Kabila ng Desisyon sa Rate: Pinanatili ng Bank of England (BoE) ang interest rate nito sa 5.25% kahit na ayon sa pinakabago nitong pahayag tungkol sa pamamalakad, lumalabas na optimistiko ito sa hinaharap. Tumutugma ito sa nakaraang komento ng Governor na si Andrew Bailey na nagbibigay-diin sa naiibang pananaw ng UK sa inflation nito kumpara sa US, kaya potensyal na magkaroon ng rate cut.
- Desisyon ng BoE sa Patakaran: Bumoto ang Monetary Policy Committee (MPC) ng 7-2 para panatilihin ang kasalukuyang rate. Samantala, sinusuportahan ng BoE policymaker na si Swati Dhingra at Deputy Governor na si Dave Ramsden ang pagkakaroon ng rate cut, kaya nasorpresa ang financial markets dahil inaasahan nito na nagkaisa o halos-nagkaisa ang desisyon na panatilihin ang rates.
- Inflation at Pananaw sa Ekonomiya: Binago ng BoE ang inflation forecast nito pababa, kung saan inaasahan na nito na bababa ang inflation patungong 1.9% pagdating ng Q2 ng 2025 at higit pang babagsak sa 1.6% sa kaparehong period sa 2026. Binigyang-diin ng MPC ang pangako nito na panatilihin ang mahigpit na pamamalakad hanggang sa tuloy-tuloy na bumaba ang inflation sa target na 2%.
- Presyo sa Market at mga Inaabangan: Inaasahan na ngayon ng traders sa money market na magkakaroon ng 45% tyansa ng rate cut sa susunod na pulong ng BoE, kung saan bababa ito ng humigit-kumulang 55 basis points sa pagtatapos ng taon. Kabaligtaran ito ng mas maagang pagluluwag na inaasahan mula sa European Central Bank, na nakatakdang magsimula sa Hunyo.
- Implikasyon ng Pulong sa Hunyo at Agosto: Ang desisyon sa pagkakaroon ng rate cut sa Hunyo sa halip na sa Agosto ay dedepende sa nalalapit na datos sa inflation nitong Abril. Sa kasalukuyan, nananatiling Agosto ang pinagbabatayang buwan, pero pwedeng maimpluwensyahan ito ng ilalabas na datos sa inflation.
- Sterling at Pananaw sa Market: Ang bahagyang paghina ng sterling kasunod ng anunsyo sa patakaran ay sumasalamin sa tugon ng market sa hindi inaasahang resulta ng pagboto at patuloy na hindi kasiguraduhan sa tiyempo ng rate cuts. Kritikal ang mga susunod na linggo para sa magiging estratehiya ng BoE sa rates habang patuloy nitong pinag-aaralan ang trends sa inflation at iba pang tagapaghiwatig ng ekonomiya.
- Nalalapit na Tagapaghiwatig ng Ekonomiya: Nakatutok na ngayon ang atensyon sa ilalabas na datos sa Biyernes tungkol sa ekonomiya ng UK, kabilang na ang buwanan at pangunang Q1 Gross Domestic Product (GDP) noong Marso, na inaasahang magpapakita ng 0.4% paglago ngayong Q1 2024 pagkatapos nitong bumaba noong nakaraang quarter. Makakapagbigay ito ng mas malawak na pananaw tungkol sa magiging takbo ng ekonomiya ng UK at potensyal na lalim ng recession.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .