Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Technical na Pagsilip sa Bitcoin – Tumaas ng 11.50% nitong Mayo ang Bitcoin: Tinututukan ang Mahahalagang Lebel pati ang Consolidation
4 June 2024 | FXGT.com
Technical na Pagsilip sa Bitcoin – Tumaas ng 11.50% nitong Mayo ang Bitcoin: Tinututukan ang Mahahalagang Lebel pati ang Consolidation
Nakaraang Price Action: Tumaas ng 11.50% ang Bitcoin nitong Mayo at tumaas ito ng 2% kumpara sa nakaraang linggo, habang patuloy itong nagko-consolidate sideways, at nananatili sa itaas ng agarang support level na $66,300. Bullish ang arawang trend, na pinapanatili ng mahahalagang moving averages, habang inaasahang mananatiling positibo ang momentum basta’t magti-trade sa itaas ng $65,000 ang Bitcoin, na nagmamarka sa ibabang hangganan ng 45-araw na EMA channel at bullish reversal level noong kalagitnaan ng Mayo.
Hangganan ng mga Consolidation: Habang nagpapatuloy ang sideways na consolidation, ang pagbalik sa $66,300 ay makakapagbigay ng oportunidad sa bullish traders na pasukin ang bagong positions, partikular na kung magkakaroon ng bullish rejection signal malapit sa low ng range. Bagamat pwedeng magpatuloy ang consolidation habang kumukuha ng momentum ang market, ang breakout sa itaas ng resistance ay makakapag-udyok ng panibagong interes at pagtaas-baba, at potensyal nitong bubuhaying muli ang malakas na momentum ng Bitcoin.
Mga Resistance Level: Ang resistance ay kasalukuyang nasa high noong Mayo na $71,300, na pumipigil sa anumang pataas na galaw. Nasa $74,000 naman ang all-time high nito. Itinuturing ang panandaliang consolidation bilang continuation pattern sa kasalukuyang bullish na trend, basta’t mananatili ang market sa itaas ng $65,000. Kapag bumaba sa lebel na $65,000, babaguhin nito ang pananaw sa katamtamang panahon at babaliktarin ang bullish na sentimyento.
Tututukan ng Market: Masusing sinusubaybayan ng traders ang mahahalagang support at resistance levels, na pwedeng magkaroon ng matinding paggalaw kung sinubok o nasira ang mga nasabing lebel. Tinututukan pa rin ang pag-retest ng support level sa $66,300. Nananatili ang ultimong target sa all-time high na $74,000. Kapag nalagpasan pataas ang $71,300, malaki ang tyansa na umpisahan nito ang pagsubok nitong lebel at posibilidad na abutin ang bagong highs.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.