Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Technical na Pagsilip sa Bitcoin – Pinapanatili ng Support Level na $60,000 ang Uptrend
23 Abril 2024 | FXGT.com

Technical na Pagsilip sa Bitcoin – Pinapanatili ng Support Level na $60,000 ang Uptrend

Kamakailang Performance ng Bitcoin: Nakaranas ang Bitcoin ng 5% pagtaas nitong nakaraang linggo. Tugma ito sa inaabangang halving event, na kilala dahil lubos nitong naaapektuhan ang halaga sa market.

Nakaraang mga Pattern Pagkatapos ng Halving: Kalimitang nagpapakita ng consolidation ang Bitcoin pagkatapos ng halving, bago mag-umpisa ang matinding sunod-sunod na pagtaas. Patuloy na nakita ang pattern na ito sa mga nakaraang cycle, kung saan may naobserbahang malalaking paggalaw sa presyo ilang buwan pagkatapos ng halving event.

Nasubok ang Mahalagang Support: Dahil sa mga geopolitical na tensyon sa Gitnang Silangan, dalawang beses na nasubok nitong nakaraang linggo ang $60,000 na support level ng Bitcoin. Dahil hindi naabot ang lebel na ito, kapansin-pansin na may nabuong double bottom pattern sa itaas ng kritikal na threshold, na sumesenyas ng bullish reversal sa panandaliang panahon.

Sideways na Consolidation: Bagamat nakabawi ito, nananatili sa sideways na consolidation ang Bitcoin, habang nasa neutral na estado ang momentum sa katamtamang panahon. Kailangan ng breakout sa itaas ng $68,000 para pabilisin ang bullish na momentum, na pwedeng mag-udyok tungo sa panibagong all-time highs.

Nakatutok sa Mahahalagang Lebel: Matindi ang pagtutok sa galaw ng presyo sa $60,000 support at $68,000 resistance level. Bagamat nananatili sa itaas ng $60,000 ang presyo, mataas ang tyansa na magpatuloy ang bullish na trend pagkatapos ng kasalukuyang consolidation. Sa kabilang banda, ang pagbaba sa lebel na ito ay sesenyas ng isang trend reversal, na lubhang magpapabago sa takbo ng market at magiging bearish ang pananaw ng market sa katamtamang panahon.

Arawang Chart ng BTC

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.