Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Technical na Pagsilip sa Bitcoin – Nagpapatuloy ang Sideways na Consolidation
30 Abril 2024 | FXGT.com

Technical na Pagsilip sa Bitcoin – Nagpapatuloy ang Sideways na Consolidation

Pababang Momentum: Nitong nakaraang linggo, nakaranas ang Bitcoin ng 5% pagbaba, na nagmamarka ng naka-istrukturang dowtrend sa oras-oras na chart. Bagamat isa lang itong panandaliang trend, nananatiling pasok ang arawang timeframe sa patuloy na sideways na consolidation.

Consolidation ng Market: Bagamat nananatili sa itaas ng $60,000 ang presyo, pwedeng pansamantalang paghihinto lamang ang kasalukuyang consolidation sa pangmatagalang trend. Gayunpaman, dahil sa nakaraang pagkawala ng malakas na bullish momentum, nagkakaroon ng pwersa pababa at tumataas ang posibilidad ng panibago pang retest ng $60,000 support level.

Mahalagang Support Level: Kung bumagsak ang presyo ng Bitcoin sa ilalim ng $60,000, magpapahiwatig ito ng pagbaliktad mula sideways patungong downward na trend, kaya pwede itong magresulta sa napakatinding correction. Pwedeng mag-udyok itong pagbagsak para maabot ang sikolohikal na lebel na $50,000.

Pagharang sa Resistance: Ang nakaraang peak na $67,500, na naabot pagkatapos ang halving event, ay natukoy na ngayong bilang mahalagang resistance level. Basta’t magpapatuloy sa ibaba nito ang presyo, mananatiling bearish ang momentum sa katamtamang panahon. Kailangang subaybayan ang lebel na ito bilang potensyal na punto sa continuation ng trend. Ang breakout sa itaas nitong resistance ay pwedeng maghudyat ng higit pang pagbili, na mag-uumpisa ng pag-retest ng all-time highs.

Arawang Chart ng BTC 

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.