Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pangkalahatang Technical na Pananaw sa Bitcoin  
27 Marso 2024 | FXGT.com

Pangkalahatang Technical na Pananaw sa Bitcoin  

  • Kamangha-manghang Pagbawi ng Bitcoin: Nakaranas ang Bitcoin ng matinding pagtaas, kung saan umakyat ito ng halos 14% nitong nakaraang linggo. Ang upward trend na ito ay naghuhudyat ng matinding pagbawi kasunod ng nakaraang correction mula sa naranasang all-time highs, kung saan may malakas na support na makikita na sa itaas ng $60,000.
  • Nabuhay muli ang Bullish na Momentum: Kapansin-pansin na dahil sa paglagpas sa itaas ng dating resistance level na $68,000, nanumbalik ang bullish na momentum na nagpapahiwatig ng continuation ng trend. Sinusuportahan ito ng bullish na pagtugma sa mahahalagang moving averages sa iba’t-ibang time frame, na nagpapahiwatig ng tuloy-tuloy na bullish na pwersa.
  • Tumindi ang Pagtaas-baba ng Market: Naabot ng Average True Range (ATR) ang peak nito sa loob ng ilang buwan, kung saan nakarating ito sa $4,000 na lebel, na nagpapahiwatig ng mas matinding pagtaas-baba ng market. Patuloy na sumesenyas sa overbought na kondisyon ang mga technical indicator sa lingguhan at buwanang charts, bagamat hindi naman ito bihira sa panahon ng price discovery habang umaakyat sa panibagong highs ang trend.
  • Natukoy na ang mga Susunod na Target: Ang susunod na hamon sa Bitcoin ay ang malagpasan nito ang all-time high na naabot sa kalagitnaan nitong Marso. Ang matagumpay na paglagpas sa itaas ng $73,700 na resistance ang maghuhudyat ng pagkilos papunta sa $85,000.
  • Mga Susubaybayang Support Level: Ang nakaraang low ng correction sa $61,000 ay itinuturing na malakas na support base, kung saan dinedepensahan nito ang pagpapatuloy ng bullish na trend sa arawang chart. Ang $68,000 na lebel ay nagsisilbi nang agarang support para sa alinmang panandaliang retracement.
  • Implikasyon ng Pullback: Ang retracement sa ilalim ng $68,000 ay maghuhudyat ng unang senyales ng pagkahina ng bullish na momentum. Kaya lang, isasaalang-alang lang ang matinding trend reversal kung bababa ang presyo sa ilalim ng kritikal na support zone na $61,000.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.