Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Bumagal ang Price Action ng Bitcoin sa Gitna ng Malakas na Datos sa Trabaho sa US at Espekulasyon sa Fed
11 June 2024 | FXGT.com

Bumagal ang Price Action ng Bitcoin sa Gitna ng Malakas na Datos sa Trabaho sa US at Espekulasyon sa Fed

  • Nakaraang Performance ng Bitcoin: Bumagsak ang Bitcoin ng 1.5% sa loob ng nakaraang linggo, pero nagpapatuloy ang sideways na consolidation sa katamtamang panahon. Hindi natuloy ang kamakailang pagtaas, pagkatapos ilabas ang malakas na datos sa mga trabaho sa US na nagpababa ng tyansa na magpatupad ang Fed ng rate cut sa Setyembre. Nagresulta ito sa pagbaba ng crypto, kung saan bumagsak ang Bitcoin ng mahigit 3% pagkatapos nitong magtangkang lumagpas sa $72,000.
  • Yugto ng Consolidation: Nagpapatuloy ang sideways na galaw nitong nakaraang dalawang linggo, na may nakitang support sa $66,300 at resistance sa $71,500. Ang naturang resistance level, na nakita simula noong kalagitnaan ng Mayo, ay hindi pa rin naabot noong Biyernes pagkatapos ilabas ang datos sa NFP, kaya humaba pa ang yugto ng consolidation. Bumagsak sa tatlong-buwang low ang pagtaas-baba, kung saan bumaba sa ilalim ng $1,700 ang Average True Range (ATR) sa arawang timeframe, mula sa high na $4,800 noong Marso.
  • Mahalagang Resistance: Nananatiling mahalaga ang resistance area sa pagitan ng $71,500 at ang all-time high na $73,800, kaya napipigilan nito ang higit pang paggalaw pataas. Ang paglagpas dito ay sesenyas ng pangmatagalang uptrend, na pwedeng humantong sa mas mahabang pagtaas sa mga crypto.
  • Mahalagang Support: Ang ibabang hangganan ng consolidation sa $66,300 ay tumutugma sa 45-araw na EMA, na sumusuporta sa bullish na momentum. Ang pagpapanatili sa itaas ng $66,300 ay magpapatibay sa bullish na pananaw. Kaya lang, kung bumagsak at nag-close sa ibaba nitong lebel, lilipat ang sentimyento ng market patungong bearish, kaya tututukan ang sikolohikal na support level sa $60,000.
  • Bullish na potensyal sa $66,300: Ang pag-retest sa $66,300 na lebel ay magbibigay-diin sa kahalagahan nito sa pamamagitan ng pag-uudyok ng malakas na interes sa pagbili. Bilang isang mahalagang support level, pwede itong pagigtingin ng matagumpay na pag-test at pagkabigo, na minamarkahan ng bullish patterns, at masimulan ulit ang bullish na momentum, na makakapag-engganyo ng mas maraming bumibili at potensyal na magreresulta sa mas mataas na presyo.
  • Epekto ng Pamamalakad ng Federal Reserve: Patuloy na nakakaimpluwensya sa takbo ng market ang pag-abang sa desisyon ng Federal Reserve. Masusing susubaybayan ng investors ang nalalapit na datos sa inflation sa US at ang pulong ng Federal Reserve sa Miyerkules, na pwede pang makaapekto sa sentimyento ng market at galaw ng presyo ng Bitcoin.

Arawang Chart ng BTC

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. ¬†Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk¬†dito.