Mga Black Swan na Pangyayari sa Financial Markets
Umuusbong ang estado ng pananalapi dahil pwede itong mahulaan. Mabusising sinusuri ng mga analyst ang datos, gumagabay ang mga tagapaghiwatig ng ekonomiya sa pagdedesisyon sa pag-iinvest, at layunin naman ng mga istratehiya sa pamamahala ng risk na bawasan ang potensyal na pagkalugi. Gayunpaman, sa gitna ng mabusising mundo ng probabilidad at istatistika, may mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng mga Black Swan.
Ano ang Black Swan na Pangyayari?
Ang Black Swan na pangyayari ay tumutukoy sa isang kaganapan na hindi malamang mangyari at lubhang hindi inaasahan, na nagkaroon ng napakatinding epekto sa financial markets at iba pang ekonomiya. Pinasikat ito ni Nassim Nicholas Taleb sa libro niya noong 2007 na pinamagatang “The Black Swan”. Ang mga pangyayaring ito ay nagtataglay ng pambihira at napakatinding kahihinatnan. Hindi ito sakop ng normal na inaasahan, kaya nalalabanan nito ang pattern sa kasaysayan at nababasag nito ang mga matatag na modelo sa risk. Pwedeng maging positibo o negatibo ang mga pangyayaring ito, pero kadalasang nauugnay ang terminong ito sa negatibong resulta.
Pagdating sa financial markets, kadalasang humahantong ang mga Black Swan na pangyayari sa matinding kaguluhan sa market, na nakakaapekto sa presyo ng stock, mga pinansyal na institusyon, at kumpiyansa ng mga investor. Tulad ng makikita natin mula sa kahulugan sa itaas, iba ang mga Black Swan na pangyayari mula sa regular na pagtaas-baba ng market, kaya nalalabanan nito ang mga inaasahan at pamamaraan sa pagmomodelo. Halimbawa, hindi sapat ang karaniwang tools sa pamamahala ng risk para pag-aralan ang kahihinatnan ng Black Swan, kaya nabibigyang-diin ang pangangailangang magkaroon ng alternatibong istratehiya. Bagamat hindi ito posibleng mahulaan, mahalagang maintindihan ang konsepto nito para sa mga investor na naglalayong protektahan ang kanilang portfolio mula sa matinding pagtaas-baba.
Ang kasaysayan ng pananalapi ay punong-puno ng mga Black Swan na kaganapan na humubog sa mga market at ekonomiya ngayon. Ang ilan sa mga sikat na halimbawa ay:
Ang Great Depression (1929): Sa kasumpa-sumpang pagbagsak ng stock market noong 1929, na nag-umpisa dahil sa magkahalo-halong aspeto tulad ng overvalued na markets, utang sa margin, at kakulangan ng regulasyon, lumagpak ang buong mundo sa Great Depression, na isang panahon ng hindi inaasahang paghihirap sa ekonomiya.
Black Monday (1987): Noong Oktubre 19, 1987, bumagsak ang mga stock market sa buong mundo, kung saan bumaba ang Dow Jones Industrial Average ng 22.6% sa loob ng isang araw. Kilala bilang “Black Monday,” binigla nitong pangyayari ang mga trader at ekonomista, at nagresulta sa matinding pagkalugi sa pananalapi.
Atake noong 9/11 (2001): Sa pag-atake ng mga terorista noong Setyembre 11, 2001, nagulantang ang mga market sa buong mundo, na nagresulta sa matinding pagbaba sa presyo ng stocks at mas matinding pagtaas-baba. Binigyang-diin nitong pangyayari ang pagiging marupok ng mga pinansyal na sistema pagdating sa mga hindi inaasahang kaganapan.
Ang Pandaigdigang Krisis sa Ekonomiya noong 2008: Ang isa sa mga pinakasikat na Black Swan na pangyayari sa modernong panahon ay ang krisis sa ekonomiya noong 2008. Resulta ito ng pagputok ng housing bubble sa US at pagbagsak ng Lehman Brothers dahil sa ipinatupad na pag-freeze ng credit, na agad na kumalat sa iba’t-ibang pinansyal na sistema sa buong mundo. Kabilang sa sunod-sunod na epekto ay ang matinding pagkalugi sa stock market, napakalawak na pagkalugi, at recession na nakaapekto sa pandaigdigang ekonomiya.
Ang Pandemya na COVID-19 (2020): Ang COVID-19 ay ang pinakabagong Black Swan na pangyayari na nagdulot ng hindi inaasahang pagkabigla sa financial markets sa buong mundo. Humantong sa napakalawak na kaguluhan ang mga lockdown, paghihinto ng produksyon, at paghihigpit sa pagbiyahe. Bumagsak ang mga stock market habang pinag-aaralan ng mga investor ang buong epekto ng pandemya, na nagdulot ng pandaigdigang pagbagal ng ekonomiya at mas matinding pagtaas-baba. Binigyang-diin ng pandemya ang ugnayan ng kalusugan at mga financial market.
Ipinapakita nito na hindi mahuhulaan at nakakapanlumo ang resulta ng mga Black Swan na pangyayari, na kadalasang nagbubunyag ng kahinaan sa mga pinansyal na sistema, at madalas na nakatago sa panahon na matatag ang ekonomiya.
Tulad ng nasa pangalan nito, hindi madaling hulaan ang mga Black Swan na pangyayari. Gayunpaman, pwedeng magbigay ng pahiwatig ang ilang katangian nito:
Pagiging Bihira: Napakabihira ng mga Black Swan na pangyayari, kaya hindi ito sakop ng normal na inaasahan at tradisyonal na modelo sa pag-forecast. Di tulad ng nakagawiang pagtaas-baba ng market, hindi ito madaling mahuhulaan ng mga analyst gamit ang nakaraang datos.
Matinding Epekto: Di hamak na napakalawak ang epekto ng isang Black Swan na pangyayari. Sa sektor ng pananalapi, pwede itong mangahulugan ng biglaang pagbagsak ng mga stock market, pagkalugi ng malalaking institusyon, o pati na ang pandaigdigang recession. Maaaring magkagulo-gulo ang mundo ng pananalapi at trilyon-trilyong dolyar ang pwedeng mawala.
Kakayahang Hulaan sa Pagbabalik-tanaw: Pagkatapos ‘tong mangyari, kadalasang pinag-aaralan ng mga analyst at komentarista kung bakit dapat nahulaan ito, pero dahil isa ‘tong Black Swan na pangyayari, kadalasang nalalabanan ang mga naturang prediksyon. Kung magbabalik-tanaw tayo, maaaring halata na ang mga pattern at senyales, pero sa totoo, kadalasang hindi pa rin lubusang maisip ng marami na magkakaroon ng gan’ong pangyayari.
Sistematikong Risk: Kadalasang binubunyag ng mga Black Swan na pangyayari ang sistematikong risks na dating nakatago. Halimbawa, nabunyag sa krisis noong 2008 na may malawakang pag-overleverage at pagsandal sa kumplikadong financial instruments na hindi naiintindihan ng maraming tao.
Dahil sa mga katangiang ito, halos hindi posible na matukoy nang real-time ang mga Black Swan na pangyayari. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pag-unawa nito, pwede itong makatulong para makapaghanda sa pinakamalalang eksena sa mga financial market.
Nakakaimpluwensya nang husto sa kaugalian ng investor ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa market, lalo na sa panahon ng matinding pagtaas-baba, tulad ng mga Black Swan na pangyayari. Kapag nakaranas ng biglaang pagbaba ang market, gaya ng nakita sa krisis sa ekonomiya noong 2008 at pandemya na COVID-19, kadalasang tumutugon ang mga investor sa pamamagitan ng mabilisang pagbebenta, dahil natatakot silang malugi pa nang husto. Pinapatindi nito ang pagbagsak ng market, na humahantong sa siklo ng pagbebenta na nagpapalala sa krisis. Gayunpaman, maaaring kabaligtaran ‘to ng beteranong traders, dahil sasamantalahin nila ang oportunidad na bumili ng undervalued na assets.
May matagalang sugat ang psychological na epekto ng mga pangyayaring ito, na humahantong sa mas maingat na istratehiya sa pag-iinvest sa hinaharap. Maaaring ilipat ng mga investor ang portfolio nila sa mas ligtas na assets tulad ng bonds o gold para maprotektahan ang kapital. Sa pangkalahatan, dahil sa pinansyal na resulta nitong kaguluhan sa market, napupwersa ang mga investor na pag-aralan ulit ang kanilang risk, i-diversify ang portfolio, at magkaroon ng mga istratehiya na babalanse sa pangangailangang lumago at pagprotekta sa kapital.
Bagamat imposibleng mahulaan ang mga Black Swan na pangyayari, maaaring mabawasan ang epekto nito sa tulong ng maagap na pamamahala ng risk:
Pag-diversify: Ang pag-diversify ay isa sa pinakakaraniwang istratehiya na pinapayo para mabawasan ang epekto ng mga Black Swan na pangyayari. Sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay ng mga investment sa magkakaibang klase ng asset, industriya, at rehiyon sa buong mundo, pwedeng bawasan ng mga investor ang exposure sa iisang punto ng pagbagsak. Halimbawa, bagamat maaaring makaranas ng pagbaba ang mga equity market, pwedeng manatiling matatag o lumago ang ibang assets tulad ng bonds o mga commodity. Nakakatulong din ang pag-diversify para mapamahalaan ang risk ng Black Swan sa stock market, kung saan maaaring mas maapektuhan ang isang sektor kumpara sa iba pa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng naka-diversify na portfolio, maaaring mabawasan ang pangkalahatang epekto ng biglaan at hindi inaasahang pagguho ng market. Magkaroon ng pananaw tungkol sa mga trend sa market at alamin kung paano tumataas-baba ang presyo ng stock dito.
Pag-stress Test: Ang pag-stress test ay isa pang tool na ginagamit ng mga investor at pinansyal na institusyon para paghandaan ang mga Black Swan na pangyayari. Sa pamamagitan ng paggaya sa mga matinding eksena, mapag-aaralan ng mga investor kung paano tatakbo ang portfolio nila kapag nagigipit nang husto ang market. Binibigyang-daan nito ang mga investor na baguhin ang holdings nila at ayusin ang kanilang diskarte para bumaba ang potensyal na pagkalugi kapag nagkaroon ng Black Swan. Makakatulong din ang pag-stress test sa mga pinansyal na institusyon para matukoy ang kahinaan sa kanilang pagpapatakbo at masigurado na may sapat silang capital reserves para makaligtas sa panahon ng krisis. Pwede ring mag-utos ang gobyerno ng stress test sa mga bangko para panatilihin ang katatagan sa pinansyal na sistema.
Pag-hedge ng Tail Risk: Ang pag-hedge ng tail risk ay mas espesyal na istratehiya na may layuning protektahan ang portfolio laban sa matinding paggalaw sa market. Kabilang dito ang paggamit ng mga financial instrument tulad ng options o derivatives na kumikita kapag bumaliktad nang matindi ang market. Bagamat maaaring mahal ang ganitong istratehiya, nakakapagbigay ito ng proteksyon laban sa mas matinding pagkalugi kapag may Black Swan. May ilang investors na bumibili ng tail risk hedging options na tumataas ang halaga kapag lubhang bumagsak ang market, kaya nakakapagbigay ito ng palugit laban sa matinding pagkalugi. Kadalasang kumplikado ang mga istratehiyang ito pero nakakapagbigay ng dagdag na proteksyon sa oras ng kaguluhan.
Pananatili ng Liquidity: Ang pananatili ng liquidity ay isa pang mahalagang gawain kapag may nangyaring Black Swan. Kapag hindi liquid ang isang asset, pwedeng makulong ang mga investor sa panahong natuyo ang market, dahil baka hindi nila mabenta ang holdings nila sa patas na presyo. Siguraduhing maglaan ng parte ng portfolio sa mga liquid na asset tulad ng cash o securities na may mataas na liquidity, para agad na makakilos ang mga investor sa panahon ng kaguluhan sa market. Sa oras ng matinding pagtaas-baba, kailangang magka-access ang mga investor sa liquidity dahil magbibigay-daan ito para masamantala nila ang mga dumarating na oportunidad habang bumabagsak ang presyo sa nagigipit na lebel. Tingnan ang seksyon ng “Mga Financial Market” sa website namin para makita kung saang markets at aling assets ang pwede mong i-trade sa FXGT.com.
Bihira at hindi mahuhulaan ang mga Black Swan na pangyayari, na may napakatinding epekto sa mga ekonomiya at financial markets. Para protektahan ang portfolio mo mula sa biglaang pagkalugi, mahalagang maunawaan kung ano ‘to at kung paano ‘to tumatakbo. Bagamat hindi mo mahuhulaan ang ganitong mga pangyayari, may mga istratehiya tulad ng pag-diversify, pag-stress test, pag-hedge ng tail risk, at pagpapanatili ng konting liquidity para mabawasan ang potensyal na pinsala.
Walang plano ang makakatanggal sa risk ng Black Swan, pero kapag handa ka, matutulungan ka nitong tahakin ang gulo nang may mas mataas na kumpiyansa. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga istratehiya sa pamamahala ng risk, makakabuo ka ng mas malakas na portfolio na maagap kahit na sa panahon ng di inaasahang hamon.
Magrehistro na ngayon para magka-access sa mga eksklusibong resources, malalaking bonus, makabagong tools, at nakatutok na Support mula sa mga propesyonal sa industriya. Mag-trade ng iba’t-ibang klase ng assets sa magkakaibang market, kabilang ang CFDs sa forex, stocks, crypto, mga energy, metal, at marami pang iba. Magsimula na at kontrolin ang kinabukasan ng pera mo!