Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Titindi ang Pagtaas-baba ng USDCAD dahil sa GDP ng Canada at US Q4 Figures
28 Marso 2024 | FXGT.com

Titindi ang Pagtaas-baba ng USDCAD dahil sa GDP ng Canada at US Q4 Figures

  • Mga Inilabas na Datos sa Ekonomiya: Nakatutok na ang lahat sa pang-ekonomiyang kalendaryo ngayong araw, tampok ang ulat sa GDP ng Canada at panghuling US Q4 GDP figures, bukod sa iba pang mga datos. Pwedeng makaapekto ang mga impormasyong ito sa USD at bumuo ng panandaliang oportunidad sa USDCAD pair.
  • Mas Mababang CPI sa Canada kaysa sa Inaasahanan: Hindi naabot ng pinakabagong Consumer Price Index sa Canada ang inaasahan ng market. Nagpapakita ng pagbaba ang mga mahahalagang tagapaghiwatig ng inflation, at sumesenyas ng posibilidad na mas bumabagal ang pwersa ng inflation kaysa sa inaasahan.
  • Nalagpasan ng Labor Market ang Bilang ng Bagong Trabaho na Inaasahan: Batay sa bagong ulat sa labor market, nalagpasan ang inaasahang bilang ng mga bagong trabaho. Kaya lang, may kapansin-pansing pagbagal sa pagtaas ng sweldo, na isang mahalagang elemento na itinuturing ng Bank of Canada (BoC) pagdating sa mga desisyon nito sa mga patakaran.
  • Mas Gumandang PMIs sa Canada sa Gitna ng Contraction: Nagpakita ng ilang senyas ng pagbawi ang Purchasing Managers’ Index (PMI) sa Canada ngayong Pebrero. Gayunpaman, patuloy itong nagpapahiwatig ng contraction ng ekonomiya, na nagbibigay-diin sa patuloy na hamon sa ekonomiya ng bansa.
  • Sinusuportahan ng Presyo ng Krudo ang CAD: Sumusuporta sa Canadian dollar ang pagtaas sa presyo ng langis dahil sa pag-aalala tungkol sa mahigpit na supply sa buong mundo at geopolitical na tensyon. May malaking papel itong panlabas na aspeto sa paglilimita sa potensyal na tumaas ang USDCAD.
  • Inaasahang Rate ng Bank of Canada: Nagkakasundo ang market na hindi nito aasahan na babaguhin ng Bank of Canada ang 5% interest rate sa darating na pulong nito sa Abril 10. Gayunman, may tumataas na espekulasyon na baka ‘sing aga nitong Hunyo ang pagbabawas ng rate, kung saan ipinapahiwatig ng mga projection na ang mga mangyayaring rate cut ay hindi mas matindi kaysa sa mga inaasahan sa US.
  • Mas Matibay na Pag-iwas sa Risk: May nakitang masasandalan ang pair dahil sa tumataas na pag-iwas sa risk habang hinihintay ang US Personal Consumption Expenditures (PCE) na ilalabas sa Biyernes.
  • Epekto ng Datos sa Inflation: Bagamat pwedeng magresulta sa bullish na tugon ang USD dahil sa patuloy na inflation sa pamamagitan ng paglilimita sa kakayahan ng Fed na bawasan ang mga mahigpit nitong patakaran, ang anumang nakakagulat na pagbaba ng PCE index ay maaaring maglagay ng pababang pwersa sa USDCAD. Ang ganitong kahihinatnan ay magpapalawig sa inaasahang rate cut mula sa FOMC.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.