Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Huminto ang Pagbili ng China ng Gold at Nataaman ang Presyo ng Gold Dahil sa Espekulasyon sa Rate ng US
11 June 2024 | FXGT.com

Huminto ang Pagbili ng China ng Gold at Nataaman ang Presyo ng Gold Dahil sa Espekulasyon sa Rate ng US

  • Pagbili ng Gold ng Bangko Sentral ng China: Nakaranas ng matinding pagbaba ang gold noong Biyernes, kung saan nag-close ito ng 3.50% na mas mababa pagkatapos ianunsyo ng People’s Bank of China na hindi ito nagdagdag ng gold sa reserves nito ngayong Mayo, kaya nagtapos sa 18-buwang sunod-sunod na pagbili. Nagresulta ito sa pangunang pagbaba sa presyo ng gold, bagamat hindi pa klaro kung isa itong pansamantalang paghihinto o mas mahabang pagbabago ng istratehiya.
  • Mas Mababang Pag-asa na Magpatupad ang Fed ng Rate Cuts: Mas lalo pang nagipit ang presyo ng gold noong Biyernes ng hapon, dahil naramdaman ng market na bumaba ang pag-asa na magpatupad ang Federal Reserve ng rate cut sa Setyembre. Dahil sa malakas na datos sa US Nonfarm Payrolls, nagkaroon ng espekulasyon na pananatilihin ng Fed ang mas mataas na rates sa mas mahabang panahon, na nakakaapekto sa demand nitong precious metal.
  • Sentimyento ng Investor: Kabilang sa mas malawak na tugon ng market ay ang pagbebenta ng risk assets at pagtaas ng US Treasury yields, na sumasalamin sa maingat na kilos kaugnay sa potensyal na rate cuts. Patuloy na nagdudulot ng hindi kasiguraduhan ang pagbabalanse ng Federal Reserve sa pagkontrol ng inflation at pagsuporta sa paglago ng ekonomiya.
  • Aktibidad ng Bangko Sentral: Sa kabila ng paghihinto ng China, nananatiling malakas sa buong mundo ang pagbili ng gold ng mga bangko sentral. Noong Abril, nakapagdagdag ang mga bangko sentral ng 33 tonelada ng gold, na pinangunahan ng pagbili ng Turkey ngayong taon. Kritikal ang patuloy na demand sa pagsuporta sa presyo ng gold.
  • Mga Aspeto sa Ekonomiya: Sa pangmatagalang panahon, sinusuportahan pa rin ang gold ng mas malawak na estado ng pananalapi, kabilang ang mataas na inflation, geopolitical na risk, at matinding paggastos ng gobyerno. Ang kamakailang pagbebenta ay lumalabas na pangunang tugon lamang sa partikular na balita, sa halip na matatag na pagbaliktad sa pananaw.
  • Mga Politikal at Geopolitical na Aspeto na Lumilimita sa Downside: Ang hindi kasiguraduhan sa politika sa Europa, lalo na pagkatapos magdesisyon ang presidente ng France na Emmanuel Macron na magpatawag ng snap elections, pati na ang iba pang geopolitical na risk, ay nakakatulong sa paglilimita ng downside sa presyo ng gold.
  • Hinihintay ng Traders ang US CPI at Desisyon ng FOMC: Nag-aalangan ang mga nasa market bago ilabas ang pinakabagong datos sa US consumer inflation at ang desisyon ng Federal Open Market Committee (FOMC) sa Miyerkules. Bagamat walang pagbabagong inaasahan, makakapagbigay ng pananaw sa kasalukuyang pag-iisip ng Fed ang press conference at Buod ng Projection sa Ekonomiya.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.