Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nakaimpluwensya sa Gold Market ang Paghihinto ng China sa Pagbili ng Gold at Datos sa US
8 July 2024 | FXGT.com

Nakaimpluwensya sa Gold Market ang Paghihinto ng China sa Pagbili ng Gold at Datos sa US

  • Nanatiling Hindi Nagbago Nitong Hunyo ang Gold Reserves ng China: Ayon sa opisyal na datos na inilabas noong Linggo, hindi dinagdagan nitong Hunyo ng People’s Bank of China (PBoC) ang gold reserves nito sa ikalawang sunod na buwan, kaya nananatili ang hawak nito sa 72.80M troy ounces.
  • Nakaengganyo sa mga Nagbebenta ang Presyo ng Gold sa may $2,400: Nagsimula ang bagong linggo nang bahagyang bumaba ang presyo ng gold dahil sa pagkuha ng kita kasunod ng pagtaas nito noong Biyernes pagkatapos ilabas ang datos sa US Non-Farm Payrolls (NFPs). Nakaepekto nang husto sa presyo ang desisyon ng PboC na ihinto ang pagbili nito ng gold sa ikalawang sunod na buwan, dahil China ang pinakamalaking bumibili ng bullion sa buong mundo. Gayunpaman, pwedeng malimitahan ang pagbaba ng gold dahil sa inaasahang rate cut ng US Federal Reserve sa ikatlong quarter at hindi kasiguraduhan sa politika ng France.
  • Epekto ng Datos sa Ekonomiya ng US: Sumesenyas ng bumabagal na ekonomiya ang mas mahinang datos sa ekonomiya ng US kumpara sa inaasahan, kabilang ang ulat sa services at ADP employment. Tumaas ang US Non-Farm Payrolls ng 206K nitong Hunyo, na mas mataas sa inaasahan ng market na 190K pero mas kaunti sa binagong 218K noong Mayo. Sumipa patungo sa 4.1% ang unemployment rate nitong Hunyo, mula sa 4% noong Mayo, at tumaas naman ng 0.3% MoM ang average na kita kada oras, na tugma sa inaasahan.  
  • Inaasahang Rate Cut sa US: Pagkatapos ng pinakabagong datos sa ekonomiya, tumaas patungo sa 73% ayon sa CME FedWatch tool ang tyansa na magpatupad ng rate cut sa Setyembre ang US Federal Reserve. Nagpahiwatig din ng lumuluwag na pwersa sa presyo ang minutes ng Fed, kaya umigting ang pag-asang magpatupad ito ng rate cuts, na pwedeng magpahina sa US dollar at sumuporta sa presyo ng gold.
  • Sentimyento ng Market: Naiimpluwensyahan ng kasalukuyang sentimyento sa market ang magkahalong potensyal na magpatupad ng rate cuts ang Fed at mga politikal na kaganapan sa UK at France. Dahil sa hindi kasiguraduhan sa politika sa Europe, partikular na sa France, at geopolitical na tensyon sa Gitnang Silangan, mataas ang tyansa na tumaas ang demand sa mga safe-haven na precious metals.
  • Mahahalagang Pangyayari na Susubaybayan: Masusing susubaybayan ng traders ang testimonya ng Fed Chair na si Jerome Powell sa Martes at Miyerkules para sa anumang pahiwatig tungkol sa magiging pamamalakad. Bukod dito, isang mahalagang tagapaghiwatig sa direksyon ng market ang datos sa Consumer Price Index (CPI) inflation ng US nitong Hunyo, na nakatakdang ilabas sa darating na Huwebes.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.