Nagkaroon ng Correction sa Gold Habang Hinihintay ang Datos sa Inflation ng US at Bumaba ito sa Mahalagang Support
Nakaraang Performance: Pagkatapos maabot ang all-time high noong nakaraang Lunes, bumaba ng mahigit 4% ang presyo ng gold, kung saan gumagalaw na ito ngayon sa bandang $2,350. Bagamat bumagsak ito, nananatiling bullish ang arawang trend. Gayunpaman, nagpapahiwatig ng matinding pagkabigo sa lebel na ito na makikita sa pagkakaroon ng double top sa $2,435. Itinuturing na corrective wave sa umiiral na uptrend ang kasalukuyang bearish na momentum.
Nagpapatakbo sa Market: Ang nangyaring bentahan ay dulot ng hawkish na minutes ng Federal Reserve at mas malakas na PMI sa US kumpara sa inaasahan. Ipinapakita ng datos nitong Mayo na ito na ang pinakamabilis na takbo pagdating sa mga aktibidad sa negosyo at sektor ng serbisyo sa loob ng nakaraang dalawang taon. Dahil dito, may senyales na pwede pang makayanan ng market ang mas mataas na interest rates sa loob ng mas mahabang panahon. Mas mababa ang tyansa na lumuwag ang pamamalakad ng Federal Reserve dahil sa patuloy na pwersa ng inflation, kaya nananatiling mataas ang US dollar at pinipigilan nitong umakyat ang presyo ng gold sa panibagong highs.
Mga Support Level: Sinusubok ng gold ang kritikal na support level sa $2,325, na minarkahan ng 45-araw na EMA channel. Natukoy ang susunod na mahalagang support sa low ngayong Mayo na $2,280, na nagmamarka sa huling nakumpirmang bottom sa arawang timeframe.
Mga Resistance Level: Kasalukuyang naiipit ang market sa panandaliang resistance area sa pagitan ng high kahapon na $2,358 at itaas na hangganan ng 200-oras na moving average channel sa $2,370. Kailangang malagpasan ang $2,370 para tumugma ang momentum sa arawang trend, at ma-target ang pagpapatuloy ng bullish na paggalaw.
Mahalagang Pivot Level: Mariin na tinututukan ang $2,325 support level, kung saan pwedeng sumenyas ng bagong pataas na momentum ang bullish reversal na susunod sa posibleng pag-retest dito, at magbibigay sa bullish traders ng oportunidad na isaalang-alang ang pagkakaroon ng mga long position. Kaya lang, dahil sa mga senyales na bababa ang kasalukuyang momentum, kapag malinaw itong bumagsak sa ilalim ng support, magpapahiwatig na patuloy ang bearish na pwersa at pwedeng humantong ang market patungo sa nakaraang arawang bottom na $2,275, na susubok sa pangkalahatang katatagan ng uptrend.
Nalalapit na Datos sa Ekonomiya: Bagamat nananatiling bullish ang arawang chart, pwedeng magkaroon ng consolidation period habang hinihintay ng market ang mga magpapagalaw dito tulad ng pangalawang tantya sa GDP ng US ngayong Huwebes at ang PCE Price Index sa Biyernes, bago ang pulong ng Federal Reserve sa Hunyo 12. Malaki ang tyansa na magdulot ng pagtaas-baba sa market ang mga pangyayaring ito at hamunin nito ang mahahalagang lebel.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.