Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Bumagsak ang US Stock Market Dahil sa Ulat sa CPI
11 Abril 2024 | FXGT.com

Bumagsak ang US Stock Market Dahil sa Ulat sa CPI

  • Mas Matindi ang Inflation sa US Kaysa sa Inaasahan: Mas mataas ang Consumer Price Index (CPI) nitong Marso kaysa sa forecast, kung saan umakyat ito ng 0.4% mula noong nakaraang buwan, na mas mataas kaysa sa inaasahang pagtaas na 0.3%. Dahil dito, pumalo ang taunang inflation rate sa 3.5%, na mas mataas ng 0.3% kumpara noong Pebrero.

  • Tumaas din ang Core Inflation: Kapag tinanggal ang mga kadalasang tumataas-baba na kategorya na pagkain at enerhiya, nakaranas ng katulad na buwanang pagtaas na 0.4% ang core CPI, na humahantong sa taunang inflation rate na 3.8%. Binibigyang-diin nito ang pag-aalala sa potensyal na patuloy na pwersa na dala ng inflation.

  • Negatibo ang Pagtugon ng mga Equity Market: Dahil sa isiniwalat na mas mataas kaysa sa inaasahang inflation, bumagsak ang malalaking US stock index tulad ng Dow Jones, S&P 500, at Nasdaq 100.

  • Tumaas ang Treasury Yields: Umakyat ang yields ng US Treasury notes, kung saan sumipa ang 10-taong yield patungo sa lebel na hindi pa nakikita mula noong kalagitnaan ng Nobyembre, na nagpapahiwatig sa pag-usog ng market dahil sa inaasahang inflation.

  • Pagbaliktad ng Projection sa Interest Rate: Kapansin-pansin dahil sa pinakabagong datos sa inflation, naantala ang inaasahan ng market sa magiging patakaran ng Federal Reserve sa interest rate. Naurong ang inaabangang rate cut na magsisimula dapat sa Hunyo, at tinataya na ngayon ng market na sa Setyembre pa mangyayari ang pangunang pagbabawas ng rate. Bukod dito, dalawa na lang ang kabuuang bilang ng rate cut na inaasahan ngayong taon, na sumesenyas ng mas maingat na pananaw pagdating sa monetary easing.

  • Nabawasan ang Inaasahang Rate Cut ng Fed: Lubhang bumaba ang probabilidad na magkaroon ng rate cut ang Federal Reserve sa Hunyo, na ngayon ay humigit-kumulang 17% na lang kumpara sa nakaraang 57%. Nagbago rin patungong 42% ang tyansa na magkaroon ng rate cut sa Hulyo.

  • Pananaw sa Magiging Patakaran ng Fed: Isang malaking hamon sa Federal Reserve ang patuloy na mas mataas na inflation kaysa sa inaasahan, kaya baka kailanganin nitong baguhin ang estratehiya nito sa pagpapanatili ng katatagan ng presyo. Kritikal ang mga nalalapit na buwan sa pag-obserba ng inflation trends at tugon ng Fed, partikular na sa mga paparating nitong pulong at anunsyo sa patakaran.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.