Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Sumipa ang Presyo ng Krudo sa Gitna ng Inaasahang Mataas na Demand at Geopolitical na Tensyon
28 May 2024 | FXGT.com

Sumipa ang Presyo ng Krudo sa Gitna ng Inaasahang Mataas na Demand at Geopolitical na Tensyon

Kasalukuyang Performance: Tumaas nitong Martes ang US crude futures sa gitna ng inaasahang mas malakas na demand sa langis, kung saan nagsimula nitong Memorial Day weekend ang mas madalas na pagmamaneho ngayong tag-init. Kasalukuyang tumaas ng 1.38% ngayong linggo ang West Texas Intermediate (WTI) crude, na nagti-trade sa itaas ng $79 kada bariles.

Mas Madalas na Pagmamaneho ngayong Tag-init: Umpisa na ng mas madalas na pagmamaneho sa US, na dati nang nauugnay sa mas mataas na demand sa langis. May maagang senyales na mas marami ang magbabakasyon, na nakakaapekto sa pagtaas ng krudo. Kaya lang, maaaring malimitahan ang pagkonsumo ng gasolina dahil sa dumaraming electric vehicles.

Alitan sa Gitnang Silangan: Sinusuportahan rin ang presyo ng mas malalang geopolitical na risk, pagkatapos ng airstrike ng Israel na nagresulta sa pagkamatay ng mga sibilyan sa Rafah, at tunggalian sa magkabilang border kung saan namatay ang isang opisyal ng Egypt. Dahil sa mga ganitong pangyayari, tumataas ang pag-aalala tungkol sa potensyal na pagkagambala sa supply ng langis, na siyang sumusuporta sa mas mataas na presyo.

Technical na Lebel: Humaharap ang bullish na momentum sa kritikal na pagsubok sa $80.00 na resistance level. Kapag lumagpas dito ang presyo, pwede itong sumenyas ng higit pang pagtaas. Kaya lang, kapag nabigo ito, maaaring mag-consolidate o umurong ang presyo pabalik sa nakaraang range sa pagitan ng $80 at $77.

Datos sa Imbentaryo: Nakatutok ang traders sa lingguhang bilang ng imbentaryong bariles ng US mula sa parehong American Petroleum Institute (API) at Energy Information Administration (EIA), na ilalabas sa Miyerkules at Huwebes, ayon sa pagkakabanggit. Noong nakaraang linggo, may hindi inaasahang pagtaas sa supply ng krudo sa US. Gayunpaman, inaasahan ng market na bababa ito ngayong linggo, kung saan inaasahang mababawasan ng dalawang milyong bariles ang lingguhang bilang ng imbentaryo ng EIA.

PCE Price Index sa US: Masusing sinusubaybayan ng market sa Biyernes ang US Personal Consumption Expenditures (PCE) price index, ang napiling panukat ng Federal Reserve pagdating sa inflation. Pwedeng makaimpluwensya ang datos na ito sa magiging pamamalakad ng Federal Reserve sa hinaharap.

Pagbabawas ng Produksyon ng OPEC+: Inaasahang mananatili ang boluntaryong pagbabawas ng produksyon mula sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at ang mas malawak na network nito na OPEC+. Ang naturang pagbabawas, na unang ginawa noong 2023, ay may layuning itaas ang presyo ng krudo sa buong mundo sa gitna ng dumaraming produksyon ng US na lagpas-lagpas sa demand. Masusing susubaybayan ang nalalapit na pulong ng OPEC+ sa Linggo, Hunyo 2, para sa anumang desisyon tungkol sa paglilimita ng produksyon.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. ¬†Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk¬†dito.