Nakakaranas ang krudo ng downward na trend simula noong umpisa ng Hulyo, na minarkahan ng mga technical na bearish signal. Ipinapahiwatig nitong mga technical pattern ang patuloy na pababang pwersa sa presyo, na sinusuportahan ng mga oscillator at moving averages, bago ilabas ngayong araw ang EIA Crude Oil Stocks Change.
Binibigyang-diin ng mahahalagang resistance at support levels ang mga kritikal na punto kung saan pwedeng bumaligtad o lumala ang isang trend. Bukod dito, mas nagiging kumplikado pa ang pananaw ng market dahil sa hindi inaasahang pagtaas ng imbentaryo ng krudo noong nakaraang linggo kasabay ng mga geopolitical na tensyon.
Miyerkules 17:30 (GMT+3) – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Huwebes 10:15 AM (GMT+3) – France: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Huwebes 10:15 AM (GMT+3) – France: Flash Services PMI (EUR)
Huwebes 10:30 AM (GMT+3) – Germany: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Huwebes 10:30 AM (GMT+3) – Germany: Flash Services PMI (EUR)
Huwebes 11:30 AM (GMT+3) – UK: Flash Manufacturing PMI (GBP)
Huwebes 11:30 AM (GMT+3) – UK: Flash Services PMI (GBP)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Huwebes 16:45 (GMT+3) – USA: Flash Manufacturing PMI (USD)
Huwebes 16:45 (GMT+3) – USA: Flash Services PMI (USD)
Huwebes 17:00 (GMT+3) – USA: Bentahan ng mga Naitayong Bahay (USD)
Biyernes 01:45 AM (GMT+3) – New Zealand: Retail Sales QoQ (NZD)
Biyernes 12:30 PM (GMT+3) – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Biyernes 17:00 (GMT+3) – USA: Bentahan ng mga Bagong Bahay (USD)
Nakakaranas ang krudo ng pababang trend mula noong Hulyo 5, pagkatapos nitong maabot ang $84.27 kada bariles. Makikita ito sa bearish Japanese candlestick pattern na tinatawag na Shooting Star. Pagkatapos nito, bumuo ang presyo ng bearish chart pattern na kilala bilang failure swing, kung saan nabigo ang peak sa 83.12 na lagpasan ang nakaraang peak na 84.27, at bumagsak ang presyo sa ilalim ng trough na 80.49. Noong Hulyo 25, may pangatlong bearish signal na nakita sa 20-period Exponential Moving Average (EMA) na lumagpas sa ilalim ng 50-period EMA, at nagresulta sa malakas na bearish crossover na tinatawag na “Death Cross.” Sinuportahan ng parehong Momentum oscillator at ng EMAs ang bearish na pananaw para sa krudo. Nakapagtala ang Momentum oscillator ng halagang mas mababa sa baseline na 100, habang ang mas maikling EMA at nasa ilalim ng mahabang EMA, at nakaturo pababa ang parehong linya. Bukod dito, nagpapahiwatig din ng downtrend ang Average Directional Movement Index.
Kung sakaling makukuha ng mga bumibili ang kontrol sa market, pwedeng malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
79.49: Nakita ang unang target na presyo sa 79.49, na sumasalamin sa arawang high na naitala noong Agosto 12.
80.49: Ang pangalawang target ay natukoy sa 80.49, na kumakatawan sa swing low na nabuo noong Hulyo 10.
83.12: Ang pangatlong target na presyo ay namataan sa 83.12, na tumutugma sa swing high na natukoy noong Hulyo 12.
84.27: May isa pang resistance na nakita sa 84.27, na tugma sa peak na nabuo noong Hulyo 5.
Kung sakaling mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol nila sa market, pwedeng isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba:
72.41: Natukoy ang pangunahing downside target sa 72.41, na tugma sa (S2) support na nakalkula gamit ang lingguhang standard Pivot Point method.
71.58: Ang pangalawang support level ay nasa 71.58, na kumakatawan sa arawang low na naitala noong Agosto 5.
69.74: Ang pangatlong support line ay natukoy sa 69.74, na sumasalamin sa (S3) support na natantya gamit ang lingguhang Pivot Point method.
66.69: May isa pang downward target na naobserbahan sa 66.69, na kinalkula bilang 161.8% Fibonacci extension sa pagitan ng low na 71.58 at ng high na 79.49.
Noong nakaraang linggo, bumaba ang presyo ng langis pagkatapos mabunyag sa ulat ng gobyerno ng US na may hindi inaasahang pagtaas sa stockpile ng krudo, kung saan tumaas ng 1.36 milyong bariles ang imbentaryo nito, kaya naputol ang anim na linggong sunod-sunod na pagbaba. Humantong ito sa 1.8% na pagbaba ng West Texas Intermediate, na umusad sa ilalim ng $77 kada bariles, habang bumagsak naman ang Brent sa ilalim ng $80. Dahil sa sorpresang ito, nagkaroon ng pag-aalala tungkol sa potensyal na pandaigdigang surplus sa langis sa katapusan ng taon. Sa kabila nito, bumaba ang imbentaryo ng gasolina at distillate, na nagpapahiwatig ng patuloy na demand sa kasalukuyang panahon ng pagmamaneho ngayong tag-init. Samantala, tugma naman ang inflation sa US sa inaasahang halaga nito at mga geopolitical na risk, partikular na ang kaugnay ng Iran at Israel, na patuloy na nakakapagbigay ng pangamba sa market.
Tinataya ng mga analyst na bababa ng 2.0 milyong bariles ang imbentaryo ng krudo sa ulat na ilalabas ngayong araw, na pwedeng magpataas sa presyo nito.
Sa pangkalahatan, kasalukuyang makikita sa market ng krudo ang mga bearish na technical indicator at pattern, na sumesenyas ng tuloy-tuloy na pababang momentum. Magiging kritikal ang ugnayan ng resistance at support levels para matukoy ang magiging takbo nito sa hinaharap, habang nakakapagdagdag naman ng di kasiguraduhan ang mga fundamental na aspeto tulad ng pagbabago-bago ng imbentaryo at geopolitical na risk. Kailangang pa ring mag-ingat ang mga trader dahil aasa ang magiging direksyon ng market sa mahahalagang elemento na ‘to.