Nakakaranas ang krudo ng pababang trend mula noong nag-peak ito noong umpisa ng Hulyo, na resulta ng mga technical na aspeto na nagpaigting sa bullish na momentum. May nangyaring failure swing reversal noong nabigo ang presyo na lagpasan ang nakaraang high, na sinundan ng matinding pagbagsak na kumumpirma sa pagbaliktad ng trend. Lalo pang lumala ang bearish na pwersa dahil sa double crossover ng 20-period at 50-period Exponential Moving Averages (EMA), na sumesenyas ng patuloy na paggalaw nito pababa.
Gayunpaman, pagkatapos bumagsak sa low noong kalagitnaan ng Setyembre, nagsimulang magpakita ang market ng senyales na pwede itong makabawi. Gumalaw ang presyo sa itaas ng 20-period EMA, habang lumipat sa positibong teritoryo ang Momentum oscillator, at umakyat rin ang Relative Strength Index (RSI), na nagpapahiwatig ng posibleng pagbaliktad sa sentimyento. Sa kabila nitong mga positibong senyales, nananatili ang presyo sa ilalim ng 50-period EMA, na nagpapahiwatig ng magkahalong pananaw na nangangailangan ng mas masusing obserbasyon ng pangunahing resistance at support levels.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Nasa pababang trend ang krudo mula noong mag-peak ito sa 84.24 noong Hulyo 5. Resulta ito ng mga technical na aspeto na nagtulak lalo sa bearish na momentum. May nangyaring kapansin-pansing failure swing reversal noong nabigo ang high na 83.09 na lagpasan ang nakaraang peak, na sinundan ng pagbagsak sa ilalim ng 80.46, na kumumpirma sa pagbaliktad ng trend. Bukod dito, bumuo ng double crossover ang 20-period at 50-period Exponential Moving Averages (EMA), na nakapagdagdag sa pwersa sa pagbebenta.
Gayunpaman, pagkatapos maabot ang low na 65.07 noong Setyembre 10, nagsimulang magpakita ang market ng senyales ng pataas na correction. Lumagpas ang presyo sa itaas ng 20-period EMA, habang gumalaw ang Momentum oscillator sa itaas ng baseline na 100, at umakyat ang Relative Strength Index (RSI) sa itaas ng 50. Sa kabila nitong mga positibong senyales, nananatili ang presyo sa ilalim ng 50-period EMA, na nagpapahiwatig ng magkahalong pagtingin na nangangailangan ng mas maingat na obserbasyon.
Mga Pangunahing Resistance Level
Kung sakaling makukuha ng mga bumibili ang kontrol sa market, pwedeng malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 72.67: Ang pangunang resistance ay nakatakda sa 72.67, na tumutugma sa swing high na naitala noong Setyembre 24. 75.02: Ang ikalawang target na presyo ay natukoy sa 75.02, na sumasalamin sa lingguhang resistance R2 na natantya gamit ang standard Pivot Point method. 76.48: Ang ikatlong presyo ay namataan sa 76.48, na kumakatawan sa 161.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 72.67 papunta sa swing low na 66.50. 82.65: May isa pang target na presyo na nakita sa 82.65, na tugma sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 72.67 papunta sa swing low na 66.50.
Mga Pangunahing Support Level
Kung mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 69.54: Ang pangunang support level ay natukoy sa 69.54, na tumutugma sa lingguhang Pivot Point na natantya gamit ang standard method. 66.50: Ang ikalawang support level ay namataan sa 66.50, na sumasalamin sa arawang low mula noong Oktubre 1. 65.07: Ang ikatlong support level ay nakaposisyon sa 65.07, na kumakatawan sa low na naitala noong Setyembre 10. 60.37: May isa pang downside target na namataan sa 60.37, na tugma sa 161.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing low na 65.07 papunta sa swing high na 72.67.
Fundamentals
Dahil sa kamakailang pag-atake ng missiles sa Middle East, umigting ang pag-aalala tungkol sa posibleng pagkagambala sa supply ng langis, na humamon sa bearish na sentimyento na nananaig sa market. Lumala ang tensyon pagkatapos ng pagbabanta ng isang partido, na nagtulak sa presyo ng Brent sa itaas ng $74 kada bariles pagkatapos nitong pansamantalang sumipa ng mahigit 5%. Nagbabala ang mga analyst na pwedeng humantong sa matinding pagtaas ng presyo ang mas malalang alitan, lalo na kung ita-target ang mahahalagang imprastraktura ng langis o haharangan ang mga kritikal na ruta ng barko. Malaki ang hawak nitong rehiyon sa pandaigdigang kalakalan ng langis, at maaaring magkaroon ng napakatinding epekto ang anumang kaguluhan dito. Ang kamakailang bearish na pananaw sa langis na dulot ng pag-aalala sa sobrang supply ay hinahamon na ngayon ng lumilitaw na geopolitical risk premiums, kaya mas malaki ang tyansa na maaepektuhan ang market ng pagtaas-baba ng presyo.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, bagamat humaharap ang krudo sa pababang pwersa mula noong umpisa ng Hulyo dahil sa mga technical na aspeto at bearish na momentum, makikita ang potensyal na pagbaliktad nito. Nagpapahiwatig ang mahahalagang technical signals, kabilang ang paglagpas ng presyo sa 20-period Exponential Moving Average (EMA) at lumalakas na momentum indicators, na pwedeng magkaroon ng pataas na reversal sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, nananatiling maingat ang pagtingin habang patuloy na nagti-trade ang presyo sa ilalim ng 50-period EMA, kaya kailangan pang subaybayang mabuti ang resistance at support levels para makumpirma ang tuloy-tuloy na reversal. Mas nagiging kumplikado ang market dahil sa patuloy na geopolitical na risk, kaya nakakapagdagdag ito sa pagtaas-baba at di kasiguraduhan sa presyo ng langis sa nalalapit na panahon.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.