Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Hindi Magandang Katotohanan: Tuloy-tuloy ang Pagbagsak ng Presyo ng Langis sa Gitna ng Paghina ng China at mga Pangyayari sa Buong Mundo
29 August 2024 | FXGT.com
Hindi Magandang Katotohanan: Tuloy-tuloy ang Pagbagsak ng Presyo ng Langis sa Gitna ng Paghina ng China at mga Pangyayari sa Buong Mundo
Nakakaranas ng downtrend ang krudo sa gitna ng pagbagal ng ekonomiya ng China, hindi kasiguraduhan sa geopolitics, at patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan at sa Ukraine. Bumaba ang inangkat na langis ng China, na humantong sa pag-aalala na maaaring nag-peak na ang demand sa langis dahil sa patuloy na paggamit ng electric vehicles at paghina ng sektor ng manufacturing. Itinuturing ito bilang mahalagang aspeto na nakakaapekto sa mga market ng langis sa buong mundo at pwedeng magkaroon ng matinding implikasyon sa magiging supply at presyo sa hinaharap.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Sabado 04:00 AM (GMT+3) – China: Manufacturing PMI (CNY)
Pagsusuri sa Chart
Sumusunod ang krudo sa pababang trend mula pa noong Hulyo 5, noong nag-peak ito sa $84.27 kada bariles, at bumuo ang presyo ng Japanese candlestick bearish reversal pattern na tinatawag na Shooting Star. Sinundan ito ng pattern sa chart na tinatawag na failure swing sa technical analysis. Sa partikular, nabigo ang peak na 83.12 na lagpasan ang nakaraang peak, at pagkatapos nito, bumagsak ang presyo sa ilalim ng trough sa 80.49, kaya tinatawag itong failure swing. Bumagsak ang presyo ng palitan sa ilalim ng 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMA), na bumuo ng sunod-sunod na mas mababang lows, at nagbukas ng daan para sa lubos pang pagbagsak. Noong Hulyo 25, lumagpas ang maikling EMA (20-period) sa ilalim ng mahabang EMA (50-period), kaya nagkaroon ng malakas na reversal signal na tinatawag na “Death Cross” sa technical analysis. Lalo pa itong nagpalala sa pababang momentum kaya bumaba ang presyo ng krudo papuntang $71.58 kada bariles. Sa kabila ng maraming pagtatangka na makabawi at bumuo ng pataas na correction, nanatili ang presyo sa ilalim ng downtrend line. Higit pa dito, nagpapahiwatig ang parehong Momentum oscillator at ang Relative Strength Index ng bearish na pananaw, na nagtatala ng halaga na mas mababa sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling makukuha ng mga bumibili ang kontrol sa market, maaaring mapunta ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
76.46:Ang unang target na presyo ay natukoy sa 76.46, na kumakatawan sa 38.2% Fibonacci retracement sa pagitan ng peak na 84.27 at trough na 71.58. Tumutugma rin ang resistance sa downtrend line.
77.78: Ang pangalawang target ay itinakda sa 77.78, na tumutugma sa swing high na namataan noong Agosto 26.
79.44: Ang pangatlong target na presyo ay naitala sa 79.44, na sumasalamin sa 61.8% Fibonacci retracement na ginuhit mula sa swing high na 84.27 papunta sa swing low na 71.58.
81.46: May isa pang resistance na namataan sa 81.46, na tumutugma sa lingguhang resistance (R3) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method.
Mahahalagang Support Levels
Kung mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol nila sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba:
72.54: Naobserbahan ang pangunahing downside target sa 72.54, na tugma sa lingguhang support (S1) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method.
71.58: Ang pangalawang support level ay natukoy sa 71.58, na kumakatawan sa swing low na naitala noong Agosto 5.
69.28: Ang pangatlong support line ay nasa 69.28, na tumutugma sa lingguhang low.
67.97: May dagdag na pababang target na nakita sa 67.97, na tumutugma sa 161.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing low na 71.58 hanggang swing high na 77.78.
Fundamentals
Bumaba ng 846,000 ang stockpile ng krudo sa US patungong 425.2 milyong bariles sa linggong nagtapos noong Agosto 23, 2024, na resulta ng pagtaas sa kapasidad ng mga refinery patungong 93.3%. Ito na ang ikawalong sunod na pagbaba sa loob ng siyam na linggo, pero mas maliit ito kumpara sa inaasahan. Bumaba ang tantyang produksyon ng krudo, at bumagsak din ang parehong pag-angkat at pag-export nito. Nabawasan ng 2.2 milyong bariles ang stockpile ng gasolina, habang bahagya namang tumaas ang imbentaryo ng distillate fuel pero nanatili sa ilalim ng limang-taong average na 10%.
Pangkalahatan
Sa gitna ng lumalalang di kasiguraduhan sa buong mundo at pabago-bagong kondisyon ng ekonomiya, nagpapahiwatig ng higit pang fundamental na pagbaliktad ang pababang trend sa presyo ng krudo. Kasabay ng paghina sa demand ng China dahil sa mga pagbabago nito sa ekonomiya at tumataas na kasikatan ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya, maaaring nasa kritikal na lagay ang pandaigdigang market ng langis kung saan may mga bagong realidad na papalit sa tradisyonal nitong takbo. Parehong sinusuportahan ng mga technical indicator at fundamental na datos ang pananaw na kasalukuyang nasa downtrend ‘tong market.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.