27 Marso 2024 | FXGT.com
Alamin ang Bagong Balita sa Crypto
- Ipinagpaliban ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang desisyon nitong aprubahan ang Ethereum Futures Exchange Traded Fund (ETF) ng Grayscale hanggang sa katapusan ng Mayo. Nagpapahiwatig ang pagkaantalang ito na pag-aaralan pa muna ng SEC ang panukalang ito. Lubhang inaasahan ang resulta nitong desisyong dahil pwede itong magkaroon ng malaking epekto sa katayuan ng regulasyon sa mga crypto investment.
- Nitong nakaraang linggo, nakaranas ng record na net outflows ang crypto, na umabot ng halos $1B, kaya naghudyat ito ng matinding pagbaliktad pagkatapos ng pitong linggo na magkakasunod na inflows na may kabuuang halaga na $12.3B. Kapansin-pansin na pangunahing nagmula ang outflows mula sa funds na nakabase sa US, kabilang na ang napakalaking pag-withdraw mula sa mga produkto ng Grayscale.
- Sa ilalim ng pamumuno ni Michael Saylor, pinalawig ng MicroStrategy ang hawak nitong Bitcoin sa pamamagitan ng pagbili ng dagdag na 9,245 Bitcoins sa halagang $623M. Pinondohan ito ng inalok nilang convertible debt at sobrang cash, kaya umabot na sa humigit-kumulang 214,246 na units ang kabuuang imbentaryo nila ng Bitcoin. Binibigyang-diin ng investment na ito ang pagtutok ng MicroStrategy sa Bitcoin, na kumakatawan sa mahigit 1% ng kabuuang Bitcoin na ilalabas magpakailanman.
- Inanunsyo ng London Stock Exchange (LSE) na sa darating na Mayo 28, papasinayahan nito ang isang marketplace para sa Bitcoin at Ether Exchange Traded Notes (ETNs). Kasunod ito ng desisyon ng Financial Conduct Authority (FCA) nitong Marso na bigyang permiso ang mga Recognized Investment Exchanges (RIE) na ilista ang mga naturang ETNs na tuma-target sa mga propesyonal na investor. Parte ito ng mas malawak na layunin ng mga tagapangasiwa sa UK na magkaroon ng mas kaaya-ayang kapaligiran pagdating sa crypto.
- Katuwang ng Securitize, naglunsad ang BlackRock ng bagong fund na nakatutok sa tokenization ng mga tunay na assets, na sumesenyas sa pagpasok pa nito sa digital asset management. Tugma ang kilos na ito sa patuloy na interes ng BlackRock sa blockchain technology at tokenization ng mga asset.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .