Ang linggo ng Agosto 5 hanggang 11 ay nagtakda ng mahahalagang pagbabago sa mundo ng crypto. Nakaranas ang Bitcoin ng mas mataas na pagtaas-baba dahil sa malakas na inflows sa spot ETFs, geopolitical na tensyon, at espekulasyon na magkakaroon ng interest rate cuts, na nagresulta sa lingguhang pagtaas na 1%. Sa kabila ng sunod-sunod na pag-akyat ng presyo, nagpapahiwatig pa rin ng downtrend ang mga technical indicator. Inanunsyo ng Tether ang plano nitong doblehin ang trabaho hanggang sa kalagitnaan ng 2025, na may pagtutok sa compliance at pananalapi. Mas naging bukas din ang Russia sa crypto mining bilang paraan para bawasan ang pagdepende sa US dollar. Iginiit ni Charles Hoskinson ang pag-aalala tungkol sa risk ng pagiging US reserve asset ng Bitcoin, at naglunsad ang Thailand ng Digital Asset Regulatory Sandbox para ilunsad ang paggamit ng crypto. Nakaranas ng record na inflows ang Bitcoin spot ETFs, na nagresulta sa mabilis na pagbawi sa presyo ng Bitcoin sa mahigit $60,000. Sa katapusan ng linggo, nag-close ang Bitcoin sa $61,054, at bumaba naman ang Ether sa ilalim ng $3,000.
Price Action ng Bitcoin
Nagtapos ang Bitcoin sa linggong Agosto 5 hanggang 11 nang may mas matinding pagtaas-baba dahil sa malakas na inflows sa Bitcoin spot ETFs, mas malalang geopolitical na tensyon, at espekulasyon ng “mas malaking” interest rate cuts sa katapusan ng taon. Nakaranas ang Bitcoin ng lingguhang pagtaas na 1%, habang bumagsak naman ng mahigit 10% ang Ether. Sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng Bitcoin, nagpapahiwatig pa rin ng downtrend ang mga technical indicator.
Dodoblehin ng Tether ang mga Trabaho para Mas Makasunod sa Compliance at Tumaas ang Kita Pagdating ng 2025
Ayon sa Bloomberg, plano ng Tether Holdings Ltd., ang nag-isyu ng $115B stablecoin na USDT, na doblehin ang mga nagtatrabaho sa kanila patungo sa mahigit-kumulang 200 katao pagdating ng kalagitnaan ng 2025, habang tinututukan ang departamento ng compliance at finance. Sa kabila ng maliit na team, lubhang kumikita ang Tether, kung saan nakakuha ito ng $1.3B ngayong Q2 2024. Maingat ang kumpanya sa labis-labis na paglago at binibigyang-prayoridad nito ang pagkakaroon ng senior na mga empleyado. Humaharap sa hamon ang Tether dahil sa potensyal na ilegal na paggamit ng USDT, na nag-udyok sa mga partner tulad ng Chainalysis na paigtingin ang pagsubaybay sa mga transaksyon at compliance. Bukod dito, nag-invest ang Tether ng $2B sa mga startup, na pinamunuan ng maliit na pangkat na binubuo ng 15 kataon.
Tinatanggap na ng Russia ang Crypto Mining para Makipagnegosyo nang Hindi Gumagamit ng Dolyar sa Gitna ng Sanctions
Ayon sa Cointelegraph, naghahanap ang Russia ng mga alternatibo sa US dollar pagdating sa internasyonal na pakikipagnegosyo, pagkatapos nitong matanggal sa SWIFT system dahil sa sanctions. Inaprubahan ni Pangulong Vladimir Putin ang batas na ipatutupad sa Nobyembre 2024, na nagpapahintulot sa mga kumpanya na mag-mine ng crypto. Pangangasiwaan ang pag-mine ng Bank of Russia at iba pang kawani sa gobyerno. Pwedeng magpatakbo ang maliliit na miners nang walang rehistrasyon basta’t mananatili sila sa ilalim ng nakatakdang pagkonsumo ng enerhiya. Bukod dito, kabilang sa batas ang pagbabawal sa malawakang pag-advertise ng crypto sa Russia.
Bitcoin bilang isang US Reserve Asset: Magpapataas sa Presyo o Risk sa Pag-centralize?
Ayon sa Cointelegraph, nagbabala si Charles Hoskinson, ang kapwa nagtatag ng Cardano, tungkol sa ideya na nagiging US reserve asset ang Bitcoin, kaya baka tumaas ang presyo nito at naglalagay din ito ng mataas na risk sa pag-centralize. Iminungkahi ng kandidato sa pagkapangulo na si Robert F. Kennedy Jr. na bumili ng 4 na milyong Bitcoin ang US Treasury, na kakatawan sa 19% ng kabuuang supply. Nagsabi si Hoskinson na ang pagkakaroon ng maraming Bitcoin sa kamay ng gobyerno ng US ay pwedeng magkompromiso sa desentralisado nitong katauyan at magbigay sa US ng napakalaking geopolitical na kapangyarihan sa crypto, na tumutugma sa pag-aalala na kaakibat ng pagkontrol ng iba pang assets sa mundo tulad ng langis.
Naglunsad ng Thailand ang Regulatory Sandbox para Palawakin ang Paggamit ang Pagbabago sa Crypto
Itinatag ng Thailand ang Digital Asset Regulatory Sandbox para hikayatin ang paggamit ng crypto. Nagbibigay ito ng maayos na kapaligiran para subukin ang mga serbisyong may kinalaman sa crypto. Tumutugma ang inisyatibong ito sa nakaraang aksyon na pabor sa crypto, tulad ng hindi pagpapataw ng buwis sa mga kinita sa crypto at ang pag-apruba ng unang Bitcoin ETF ng Thailand. Sakop ng sandbox ang anim na mahalagang aspeto sa serbisyo sa digital assets at may mahigpit itong pangangailangan para makapasok, upang masigurado ang mataas na pamantayan sa pamamalakad at kaligtasan ng mga konsyumer. Binibigyang-diin nito ang makabagong pananaw ng Thailand sa digital na pananalapi, kaya isa ito sa mga nangunguna pagdating sa regulasyon sa crypto.
Nakabawi ang Bitcoin Dahil sa Spot ETFs
Noong Huwebes, nakaranas ang Bitcoin spot ETFs ng pinakamataas na inflow sa loob ng dalawang linggo, kung saan umabot ito ng $192.5M pagkatapos pansamantalang bumagsak ang Bitcoin sa ilalim ng $50,000 sa simula ng linggo. Nakatulong ang inflows sa Bitcoin para makabawi sa itaas ng $60,000 noong Biyernes, kaya bumaliktad ang halos 20% na pagbagsak. Nagpapahiwatig ito ng pinaigting na interes sa Bitcoin pagkatapos ng panandaliang bentahan sa market, ang tumataas na pananaw sa potensyal na pag-retest ng all-time highs ngayong 2024.
Pangkalahatan
Naging mahalaga ang linggong tumakbo mula Agosto 5 hanggang 11 para sa crypto market, na minarkahan ng matinding pagtaas-baba ag madiskarteng pagbabago. Sa kabila ng pagpapahiwatig ng downtrend ayon sa technical indicators, nakaranas ng matinding pagbawi ang presyo ng Bitcion dahil sa inflows ng spot ETFs. Sumasalamin sa tumataas na interes sa digital assets ang planong mag-expand ng Tether, ang kilos ng Russia tungo sa crypto mining, at ang regulatory sandbox ng Thailand. Kaya lang, dahil sa pag-aalala ni Charles Hoskinson na magiging US reserve asset ang Bitcoin, nabibigyang-diin ang risk sa potensyal na pag-centralize. Sa pangkalahatan, napansin ngayong linggo ang mga oportunidad at hamon na kinakaharap ng pabago-bagong mundo ng crypto.