Nakakaranas ang crypto market ng matinding pagbabago, kung saan naitala ang inflows sa Bitcoin at Ether ETFs, bullish na technical signals para sa Bitcoin, at gumagandang takbo ng altcoins pagkatapos ng interest rate cut ng Federal Reserve. Binibigyang-diin nitong trends ang tumataas na kumpiyansa ng mga investor sa digital assets, ang lumalaking papel ng crypto sa politikal na aspeto, at lumalawak na paggamit ng digital assets sa pandaigdigang ekonomiya tulad ng South Africa.
Nakaranas ng Inflows ang Spot Bitcoin at Ether ETFs
Nakaranas ng inflows ang spot Bitcoin at Ether Exchange-Traded Funds (ETFs), na nagpapahiwatig ng tuloy-tuloy na interes ng investor sa crypto assets sa pamamagitan nitong financial instruments. Kapansin-pansin na nakinabang ang malalaking Bitcoin ETFs mula sa trend na ‘to, kung saan nakakaengganyo ang pinakamalalaking funds ng napakalaking pamumuhunan. Sumasalamin itong momentum sa tumataas na kumpiyansa sa Bitcoin ETFs bilang isang klase ng crypto investment.
Pagdating sa Ethereum, bagamat naobserbahan ang inflows sa lahat ng Ether ETFs, mas nakatutok ang mga kita, kung saan kaunting funds lang ang nakapagtala ng mapapansing pagtaas. Sa kabila ng nakaraang panahon ng sunod-sunod na outflows, ang pinagsama-samang holdings nitong Ether ETFs ay nagtataglay ng makabuluhang parte ng kabuuang market cap ng Ethereum. Ang tuloy-tuloy na inflows sa parehong Bitcoin at Ether ETFs ay nagbibigay-diin sa maimpluwensya nitong papel sa mas malawak na crypto market at nagpapahiwatig ng positibong pananaw ng mga investor sa ganitong digital assets.
Technical Analysis: Sumesenyas ang Golden Cross ng Bitcoin ng Bullish na Pagtaas Patungong $70,000
Nakakaranas ang Bitcoin ng pataas na takbo mula noong Setyembre 17, pagkatapos mabuo ang technical reversal pattern na kilala bilang “failure swing,” kung saan nabigo ang trough na 57,486.650 na lagpasan ang nakaraang low. Sa halip, lumagpas ang presyo sa mahalagang resistance na 60,571.638, na nagbukas ng landas sa higit pang pagtaas ng presyo. Sinuportahan ito ng mas mataas na demand para sa Bitcoin, kung saan maraming bullish technical signals ang nagpapaigting sa pataas na momentum.
Noong Setyembre 22, may isang “Golden Cross” na natukoy sa chart, isang malakas na bullish signal na nabuo noong lumagpas ang 20-period Exponential Moving Average (EMA) sa itaas ng 50-period EMA, kaya lalo pang napabilis ang pagtaas ng Bitcoin. Bukod dito, sinusuportahan ng momentum indicators tulas ng Momentum oscillator at ng Relative Strength Index (RSI) ang bullish na pananaw, kung saan may pagbasa ito na mas mataas sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit.
Kung magpapatuloy ang bullish na kondisyon ng market, kabilang sa mga potensyal na target ng Bitcoin ay ang $65,563.149, $70,073.738, at $73,864.238. Gayunpaman, ang matinding pagbaba sa ilalim ng kritikal na support level sa $57,486.650 ay pwedeng sumenyas ng bearish reversal, kung saan nasa $52,509.972, $48,887.162, at $46,924.320 ang downside targets.
Sentro ang Crypto sa Kampanya sa Pagkapangulo sa US
Tulad ng iniulat ng Bloomberg, nangako si Bise Presidente Kamala Harris sa isang fundraiser sa New York City, na susuportahan niya ang pamumuhunan sa AI at crypto kung mahahalal siya, at nangangako siyang itaguyod ang inobasyon habang sinisiguradon ang proteksyon ng mga konsyumer at investor. Binigyang-diin ni Harris ang pakikipagtulungan sa mga manggagawa, maliliit na negosyo, at malalaking kumpanya, para patuloy na makasabay ang Amerika. Ito ang kauna-unahan niyang pahayag tungkol sa crypto bilang kandidato ng Democrats. Kasunod ito ng lumalaking papel ng crypto sa eleksyon ngayong 2024, kung saan hinuhubog ng malalaking donasyon ang lagay ng politika.
Sa kabilang banda, aktibong hinihingi ng dating pangulo na si Donald Trump, at Republican na kalaban ni Harris, ang supporta ng sektor ng crypto, kung saan nangangako siyang maglagay ng regulasyon na pabor sa industriya at bumuo ng stablecoin regulatory framework.
Noong nakaraang linggo, ipinabatid ni Trump ang kilos na ‘to sa komunidad ng crypto sa pamamagitan ng paggamit ng Bitcoin para bumili ng burger sa isang bar sa New York City na nakatutok sa mga crypto.
Nangunguna ang South Africa sa Paggamit ng Digital Assets sa Africa
Nagpapakita ang mga ekonomiya sa Africa ng malakas na potensyal sa pagiging malalaking sentro pagdating sa paggamit ng digital assets, kung saan lumalabas na lider ang South Africa dahil sa maagap na regulasyon at lumalawak nitong crypto platforms. Dahil sa pumapabor na lagay ng negosyo, legal na framework, at husgado, napoposisyon ang South Africa bilang takbuhan sa pagpapalago ng crypto sa buong kontinente. Kamakailan, iginawad ng Financial Sector Conduct Authority (FSCA) ng South Africa sa mga lokal na exchange ang bagong lisensya sa mga Crypto Asset Service Provider (CASP). Tinatayang aabot ng $246M ang revenue ng crypto market sa South Africa ngayong 2024, na may naka-compound na taunang paglago na 7.86%, at pwede pang lumobo sa $332.9M pagdating ng 2028.
Tumaas ang Altcoins ng Higit sa Bitcoin at Ether Pagkatapos ng Interest Rate Cut ng Fed
Pagkatapos ianunsyo ng Federal Reserve ang 50 basis point na pagbabawas sa interest rates, nakaranas ng matinding pagtaas ang altcoins, kung saan nalagpasan nito ang parehong Bitcoin at Ether. Tumaas ng 5.7% ang market cap ng nangungunang 125 crypto, maliban sa Bitcoin at Ether, habang tumaas lamang ng 4.4% ang market cap ng Bitcoin. Ayon sa mga eksperto, ito ay dahil sa paghihiwalay patungo sa pagiging mas sensitibo at mas mababang liquidity ng altcoins, kaya naman mas matindi ang pagtaas-baba nito at mas nakakatugon ito sa mga pagbabago sa market. Pwede ring nakatulong sa pagbawi nito ang kamakailang pag-oversell ng altcoins. Bagamat lumagpas ang Bitcoin sa itaas ng $64,000—na presyong huling namataan noong Agosto 26—lumitaw na nangunguna ang altcoins sa crypto market pagkatapos ng desisyon ng Fed.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, patuloy na nagbabago ang crypto market, kung saan matindi ang pagtugon ng Bitcoin, Ether, at altcoins sa parehong technical signals at mas malawak na pangyayari sa ekonomiya, tulad ng rate cuts ng Federal Reserve. Mahahalata ang tumataas na interes sa digital assets dahil sa lumalaking inflows sa ETFs at lumalawak na paggamit nito sa mga rehiyon tulad ng South Africa. Habang tinututukan ang crypto sa parehong pinansyal at politikal na aspeto, tumataas ang papel nito sa paghubog ng mga financial market sa buong mundo.