May matitinding galaw at pangyayari sa crypto market na nagmarka sa ikatlong linggo ng Hulyo 2024. Mula sa malalaking pagtaas-baba ng Bitcoin hanggang sa mga bagong update sa regulasyon at teknolohiya, nakapag-alok ang panahong ito ng komprehensibong pagtingin sa katayuan ng nagbabago-bagong estado ng crypto.
Presidensyal na Halalan
Nagkaroon ng espekulatibong pag-uusap ang mga investor tungkol sa potensyal na pagbabalik ni Donald Trump sa White House kaya binago nila ang kanilang mga investment portfolio alinsunod dito. Dahil sa pagbitiw ni Joe Biden sa halalan, pinapakiramdaman na nila kung paano nito maaapektuhan ang pagkapanalo ng mga Democrat at potensyal na epekto sa kanilang investment. Bumaba na ang BTCUSD ng 2.3% kumpara sa presyo noong nag-close ito kahapon.
Paglulunsad ng ETH ETFs
Ayon sa Reuters, lubhang inaabangan ang paglulunsad ng Ethereum (ETH) Exchange Traded Funds (ETFs), at may planong ilabas ito sa Hulyo 23. Inaprubahan ng Securities and Exchange Commission ang hindi bababa sa tatlong funds na ilulunsad sa naturang petsa, at inaasahan na may kabuuang walong Ethereum ETFs na ilalabas nang sunod-sunod. Kaya lang, hati ang opinyon ng mga analyst tungkol sa potensyal na tagumpay ng ETH ETFs kumpara sa Bitcoin ETFs at ang magiging epekto nito sa presyo ng ETHUSD.
Maglulunsad ang Hong Kong ng Inverse Bitcoin ETF
Dahil pangarap ng Hong Kong na maging crypto hub at makipagsabayan sa Singapore at Dubai, inilunsad nito kamakailan ang nakaugnay sa Bitcoin na inverse ETF sa Asya-Pasipiko, na pinangalanang CSOP Bitcoin Futures Daily (-1x) Inverse Product.
Layunin ng inverse Bitcoin ETF na kumita mula sa pagbaba ng presyo ng Bitcoin nang hindi ito direktang sino-short.
Sinimulan ng Mt. Gox ang Pagbabayad ng Bitcoin at 36% na ang Naibalik sa Wallet ng mga User
Sinimulan na ng Bitcoin exchange na Mt. Gox, na bumagsak noong 2014, ang pagbabalik ng mahigit 140,000 Bitcoin sa mga dati nitong kliyente. Sa kasalukuyan, 36% ng mga Bitcoin ang matagumpay na naibalik sa mga dating kliyente ng Mt. Gox. May pag-aalala sa market tungkol sa potensyal na pwersa na magbenta na resulta ng mga naibalik na Bitcoin. Kaya lang, ayon sa poll sa Reddit, mas gusto ng maraming creditor na itago ang mga nakuha nilang coin.
Irkutsk: Humaharap sa Crackdown ang Kapital ng Russia sa Crypto Mining
Ayon sa TASS, umaaksyon ang mga awtoridad sa Russia laban sa mga crypto miner sa rehiyon ng Irkutsk dahil sa patagong paggamit ng kuryente mula sa mga residensyal na network na naka-subsidize ang presyo. Nagpanukala si Pangulong Vladimir Putin na bigyan ng kapangyarihan ang mga rehiyon tulad ng Irkutsk na pagbawalan ang mga crypto miner at ang mga aktibidad sa mining sa iilang lugar. Sa Russia, kulang ang batas sa crypto mining, at inilahad ng mga energy provider ang pag-aalala nila tungkol sa pwersa na inilalagay nito sa power grid. Sa kabila ng pagtatangka na i-regulate at buwisan ang komersyal na mining, nananatiling hindi kontrolado ang naturang sektor. Umusbong ang rehiyon ng Irkutsk bilang sentro ng industriya ng crypto mining sa Russia, kaya naka-engganyo ito ng mga indibidwal na miner at malalaking kumpanya.
Pangkalahatan
Humaharap ang crypto market sa yugto ng hindi kasiguraduhan pagkatapos ianunsyo ni Pangulong Joe Biden ay desisyon niyang huwag tumakbo sa nalalapit na eleksyon. Dahil sa paglulunsad ng Ethereum ETFs, nagkaroon ng espekulasyon tungkol sa dagdag na pag-access sa crypto, pero hindi pa rin klaro ang buo nitong epekto. Dahil sa plano ng Hong Kong na ipakilala ang unang inverse Bitcoin ETF sa Asya-Pasipiko, tugma ito sa layuning nitong itaguyod ang sarili bilang isang crypto hub. Sa kasalukuyan, nagpatupad ang Russia ang mahigpit na panukala laban sa hindi awtorisadong crypto mining sa Irkutsk.