Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pagbalik-tanaw sa Crypto – Tumakbo ang Crypto Dahil sa Pagsipa ng Bitcoin ETF, Pag-short ng Hedge Funds, at Pagbabago sa Regulasyon
11 June 2024 | FXGT.com

Pagbalik-tanaw sa Crypto – Tumakbo ang Crypto Dahil sa Pagsipa ng Bitcoin ETF, Pag-short ng Hedge Funds, at Pagbabago sa Regulasyon

  • Humigop ang Bitcoin ETFs ng katumbas na dalawang buwan na Bitcoin mining supply sa loob ng isang linggo, kaya lubhang naapektuhan ang market. Ang pagsipa sa demand ay nag-udyok ng bullish na sentimyento. Dahil sa mabilis na pagkakaroon ng ETFs, nabibigyang-diin ang lumalaking institusyonal na interes at pwedeng makatulong sa matinding pataas na pwersa sa presyo ng Bitcoin.
  • Dumadami ang hedge funds na nagso-short ng Bitcoin ETFs sa kabila ng lumalawak nitong kasikatan. Binibigyang-diin nitong trend ang patuloy na tunggalian sa pagitan ng bullish investors na nagpapataas sa demand ng Bitcoin ETFs, at ang bearish hedge funds na tumataya laban sa kanila. Dahil sa pagkakaiba sa sentimyento ng market, lumalawak ang hindi kasiguraduhan at magkakaibang pananaw tungkol sa galaw ng presyo ng Bitcoin sa hinaharap.
  • Ayon sa SEC Chair na si Gary Gensler, ang paglulunsad ng Ethereum ETF ay depende sa mga nag-iisyu at hindi sa SEC. Hindi pormal na inaprubahan nitong tagapangasiwa ang naturang aplikasyon, pero ang landas sa paglulunsad nitong ETFs ay nakaasa sa mga pinansyal na institusyon na nagpapanukala dito. Dahil sa komento ni Gensler, nabibigyang-diin ang responsibilidad ng mga nag-iisyu na siguraduhing sumusunod ang mga inaalok nila sa kasalukuyang regulasyon.
  • Naghahanda ang Franklin Templeton na maglunsad ng bagong crypto fund na nakatutok sa altcoins, pagkatapos ang inaasahang pag-apruba ng Ethereum ETF. Tututok ang fund sa iba’t-ibang klase ng altcoins, kaya makakapagbigay ito sa investors ng exposure sa lumalagong crypto assets at makabagong proyekto sa blockchain.
  • Inilunsad ng United Arab Emirates ang sistema sa paglilisensya ng mga nag-iisyu ng stablecoins, para sa layuning i-regulate at pangasiwaan ang kanilang pagpapatakbo. Sinisigurado nitong sistema na sumusunod ang stablecoin providers sa mahigpit na gabay, habang itinataguyod ang pagiging transparent at kaligtasan sa market ng digital assets. Ang inisyatibang ito ay parte ng mas malawak na istratehiya ng UAE na iposisyon ang sarili nito bilang pandaigdigang hub para sa crypto at blockchain, na magpapataas sa kumpiyansa ng mga investor at integridad ng market.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.