Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pagbalik-tanaw sa Crypto – Bumaba sa $60,000 ang Bitcoin sa Gitna ng Pangamba sa Pagbabayad ng Mt. Gox
26 June 2024 | FXGT.com

Pagbalik-tanaw sa Crypto – Bumaba sa $60,000 ang Bitcoin sa Gitna ng Pangamba sa Pagbabayad ng Mt. Gox

  • Bumagsak sa $60,000 ang Bitcoin pagkatapos ianunsyo ng trustee ng Mt. Gox na magsisimula sa susunod na linggo ang pagbabayad nito na nasa BTC at BCH. Nangangamba ang mga nasa market na magreresulta ito sa matinding bentahan. Ginawa ang anunsyong ito pagkatapos ilipat ang mahigit $9B Bitcoin sa bagong wallet bilang parte ng proseso sa pagbabayad, kaya tumaas ang pag-aalala tungkol sa epekto nito sa market.
  • Halos umabot kamakailan sa record lows ang presyo ng Ethereum gas at kita ng Bitcoin miners. Matindi ang ang pagbaba ng Ethereum gas dahil sa mas mahinang aktibidad sa network, na nagpapababa sa singil sa transaksyon. Sa kabilang banda, nakakaranas din ng pagbaba ng kita ang mga Bitcoin miner, na resulta ng kombinasyon ng mas mababang block rewards at mas maliit na singil sa transaksyon, na nakakaapekto sa kita​. Top of Form
  • In-update ng Fidelity ang aplikasyon nito para sa spot Ether (ETH) Exchange-Traded Fund (ETF), na nagbubunyag ng $4.7M na seed capital. Ayon sa bagong filing sa SEC, bumili ang affiliate ng Fidelity na FMR Capital ng 125,000 shares para i-seed ang fund. Kinumpirma ng Fidelity na hindi ito sasabak sa pag-stake ng ETH. Inaprubahan ng SEC ang pagbabago sa patakaran upang payagan ang paglista ng walong spot Ether ETFs na mula sa mga malalaking asset manager, kung saan nakatakda itong ilunsad sa Hulyo 2.
  • Inilunsad ng Tether ang Alloy (aUSDT), isang stablecoin na sinusuportahan ng gold at sumusunod sa US dollar. Ang synthetic dollar na ito ay may mas malaki pang kolateral na Tether Gold (XAUt), kaya nakakapagbigay ito ng exposure sa gold habang pinapanatili ang halaga ng pinagbabatayang dolyar. Ang naturang paglulunsad ay bahagi ng mas malawak na asset tokenization platform ng Tether. Pwedeng i-mint ng mga user ang aUSDT sa pamamagitan ng pagdedeposito ng XAUt gamit ang smart contracts at price oracles, na nagbibigay-daan sa mga transaksyon na may asset na suportado ng gold.
  • Nagbigay ng donasyon na $2M Bitcoin ang kambal na Winklevoss brothers, na kapwa nagtatag ng Gemini, bilang suporta sa kampanya sa pagkapangulo ni Donald Trump. Layunin nilang labanan ang sinasabing “giyera sa crypto” ng administrasyon ni Biden. Naniniwala ang kambal na susuportahan at ipaglalaban ni Trump ang crypto, at isa siyang kandidato na pumapabor sa mga negosyo. Binibigyang-diin nitong malaking donasyon ang tumataas na pangingialam sa politika ng mga malalaking tao sa industriya ng crypto.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.