Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pagbalik-tanaw sa Crypto – Matagumpay na Nakumpleto ng Bitcoin ang Ika-apat nitong Halving Event, kaya Nabawasan ang Reward ng Miners mula 6.25 Patungong 3.125 BTC Kada Block
23 Abril 2024 | FXGT.com

Pagbalik-tanaw sa Crypto – Matagumpay na Nakumpleto ng Bitcoin ang Ika-apat nitong Halving Event, kaya Nabawasan ang Reward ng Miners mula 6.25 Patungong 3.125 BTC Kada Block

  • Matagumpay na nakumpleto ng Bitcoin ang ika-apat nitong halving event, kaya nabawasan ang reward ng miners mula 6.25 patungong 3.125 BTC kada block, pagkatapos maabot ng Bitcoin ang ika-840,000 nitong block. Ang pangyayaring ito, na nagaganap tuwing 210,000 blocks, o humigit-kumulang kada apat na taon, ay may layuning pamahalaan ang kakulangan ng Bitcoin at pangasiwaan ang inflation. Inaabangan na ngayon ng crypto community kung paano nito maaapektuhan ang presyo ng Bitcoin, kung saan may ilang nagsasabi na tataas ito nang husto.

  • Sa nangyaring Bitcoin halving event, nagkaroon ang mga user ng record na $2.4M na bayarin sa iisang block, na resulta ng mga aktibidad na may kinalaman sa bagong Runes Protocol. Sa protocol na ito, na nagbibigay-daan sa paggawa ng tokens sa Bitcoin network, nagmadali ang mga user na sumulat at umukit ng pambihirang digital assets, kaya isa ito sa mga dahilan ng pinakamataas na singil sa iisang Bitcoin block. Lubha ring nabawasan ang rewards ng mga miner, kaya tumaas ang nauugnay na kahalagahan ng singil sa transaksyon.

  • Dahil sa nakaraang Bitcoin halving, natapos ang buong linggo na sunod-sunod na outflows sa ETFs, kung saan may kabuuang $30.4M na pumasok bago mangyari ang event. Dahil ito sa positibong inflow sa lima sa sampung naaprubahang ETFs, na kumokontra sa matinding outflow sa Grayscale Bitcoin Trust ETF at Fidelity Wise Origin Bitcoin Fund. Ang pagtaas ng investment sa ETF ay sumesenyas ng mas malawak na kumpiyansa ng mga investor sa Bitcoin market pagkatapos nitong halving.

  • May nilalayong shared ledger ang UK Finance para gawing simple ang bayad sa pagbabangko at paggamit ng mga digital asset. Kabilang sa mga kasapi dito ang Barclays, Citigroup, at malalaking card networks, na naglalayong bumuo ng komersyal na sistema para sa mga tokenized na deposito at securities. Susubukan nito ang teknolohiya sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon bago ito ilabas sa market, at kabilang din dito ang mga fintech startup na sumusubok sa tokenized na pera sa bangko. Inaasahan ang resulta sa Agosto, kung saan mas marami ang sasali simula Hulyo.

  • Dinagdag ng Telegram ang pagbabayad gamit ang Tether (USDT) sa Tron network, kaya pwede nang direktang magpadala ang mga user ng stablecoins sa isa’t-isa nang walang singil sa transaksyon. Nakakadagdag ang feature na ito sa kasalukuyang kakayahan sa crypto nitong messaging platform, kaya dumarami pa ang gamit nito sa mga transaksyon kasama ng Bitcoin at The Open Network token. Bahagi ito ng mas malawak na pakikipagsapalaran ng Telegram sa crypto simula noong mag-umpisa itong gumamit ng blockchain noong 2018.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.