Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pagbalik-tanaw sa Crypto – Humaharap sa Kaguluhan ang Bitcoin Market sa Gitna ng Pag-transfer ng Germany ng BTC at Pagbabayad ng Mt. Gox
9 July 2024 | FXGT.com

Pagbalik-tanaw sa Crypto – Humaharap sa Kaguluhan ang Bitcoin Market sa Gitna ng Pag-transfer ng Germany ng BTC at Pagbabayad ng Mt. Gox

  • Nag-transfer ang gobyerno ng Germany ng 700 BTC sa isang institusyon sa asset management, kaya umigting ang espekulasyon ng market sa potensyal na epekto nito. Ang galaw na ‘to ay parte ng patuloy na pamamahala at pag-liquidate ng assets na nasamsam mula sa mga kriminal na aktibidad.
  • Sinimulan ng Mt. Gox na bayaran ang creditors nito sa Bitcoin, halos isang dekada pagkatapos itong bumagsak. Ang prosesong ito ay naghuhudyat ng mahalagang tagumpay pagkatapos ma-bankrupt ang exchange, na nakaapekto sa libo-libong investors. Ang naturang pagbabayad ay parte ng rehabilitation plan na aprubado ng korte at may layuning resolbahin ang napakatagal na isyu na nagmumula sa isa sa pinakamatinding pagkalugi ng exchange sa ating kasaysayan.
  • Nakatakdang bumoto ang US House of Representatives sa susunod na linggo para baliktarin ang veto ni Pangulong Biden sa SAB 121. Ang patakarang ito, na may kinalaman sa crypto accounting standards, ay nag-udyok sa napakalaking debate. Kapag nabaliktad ang veto, ibabalik ang patakaran na kailangang ibunyag ng mga kumpanya ang hawak nilang crypto, na may layuning pataasin ang transparency at pagsunod sa regulasyon sa industriya ng crypto.
  • Ayon sa Galaxy Digital, nasa panghuling parte na ng paghahanda ang Ethereum ETFs bago ito maaprubahan. Ang yugto na “window dressing” ay sumesenyas na maaaring maaprubahan na ang regulasyon sa mga susunod na linggo. Inaabangan na ang Ethereum ETFs, kaya gumanda ang pagtingin ng market, at potensyal itong humantong sa mas mataas na institusyonal na investment at higit pang paglalagay ng Ethereum sa mga kilalang pinansyal na produkto.
  • Nitong Biyernes, nakaranas ang US spot Bitcoin ETFs ng $143M na inflows, pagkatapos ng bakasyon nitong ika-4 ng Hulyo, na sumasalamin sa malakas na kumpiyansa ng mga investor at demand sa mga naka-regulate na investment sa crypto, sa kabila ng mas malawak na downturn sa market. Binibigyang-diin nito ang katatagan at tuloy-tuloy na pananaw sa Bitcoin bilang isang investment vehicle, partikular na sa mga institusyonal na investor.  
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.