Nakaranas kamakailan ng pababang pwersa ang Bitcoin, kung saan may matinding outflows mula sa Exchange-Traded Funds, pero nananatili ito sa itaas ng $57,000. Sa kabila ng katatagan, nakaranas din ng pagbagsak ang malalaking crypto tulad ng Ethereum, Solana, Ripple, at Dogecoin. Kasalukuyang nagti-trade ang market sa ilalim ng mahahalagang technical indicator, na sumesenyas ng potensyal na pagpapatuloy ng pababang trend. Gayunpaman, may parehong upside at downside targets para sa Bitcoin, na nagpapahiwatig na maaaring makaranas ng pagtaas-baba ang market sa lalong madaling panahon. Simula noong umpisa ng taon, tumaas ng mahigit 35% ang Bitcoin, bagamat nakaranas ito ng matinding 10% pagbagsak noong nakaraang linggo.
Sa kabila ng kamakailang pababang pwersa sa Bitcoin at outflows mula sa Exchange-Traded Funds, nagawa nitong digital asset na manatili sa itaas ng $57,000. Gayunpaman, nagresulta ito ng pagbagsak ng malalaking crypto tulad ng Ethereum, Solana, Ripple, at Dogecoin. Sa kasalukuyan, ang presyo ay nasa ilalim ng 50-period Exponential Moving Average, at nagpapahiwatig ang Momentum oscillator ng pababang trend dahil sa baseline na mas mababa sa 100. May tatlong potensyal na upside targets sa $62,730, $65,142, at $67,000. Sa kabilang banda, tatlong downside targets ang namataan sa $55,967, $53,846, at $48,887. Nakaranas ang Bitcoin ng mahigit 35% pagtaas simula umpisa ng taon, pero nagkaroon din ito ng lingguhang pagbagsak na 10%.
Ngayong Setyembre, maaaring humarap sa dagdag na pababang pwersa ang presyo ng Bitcoin dahil sa potensyal na malakihang pagbebenta ng Bitcoin mula sa gobyerno ng US at naluging Mt. Gox exchange. Kapag pinagsama ito, pwede silang magdala ng halos $15B na halaga ng Bitcoin sa market. Ang gobyerno ng US ay may hawak na mahigit 203,000 Bitcoin na nagkakahalaga ng $12.1B, habang inaasahan naman ang Mt. Gox na magpamahagi ng 46,000 Bitcoin na nagkakahalaga ng $2.7B bago magtapos ang 2024. Bagamat may mga pag-aalala tungkol sa epekto nito sa market, hindi naman humantong sa matinding bentahan ang dating pagpapamahagi ng Mt. Gox, kaya pwedeng mahigop ng market ang pwersa nang hindi ito naaabala. Gayunpaman, nananatiling nasa ilalim ng $60,000 ang presyo ng Bitcoin, at nagbababala ang mga analyst na pwede pang humarap sa pagsubok ang crypto dahil dati itong nakakaranas ng negatibong takbo tuwing Setyembre.
Ayon sa nakaraang pag-aaral ng Coinbase, nabigyang-diin ang tumataas na impluwensiya ng mga batang botante, lalo na ang mga mahihilig sa crypto, pagdating sa paghubog ng kahihinatnan ng eleksyon sa US ngayong 2024. Para sa mga Gen Z at Millennial na bontante, na kumakatawan sa 40% ng mga pwedeng bumoto ngayong 2024, hindi sila nasisiyahan sa kasalukuyang pinansyal na sistema at lumalapit sila sa crypto bilang solusyon. Ang grupong ito, na nagpakita na dati ng pwersa sa mga nakaraang eleksyon, ay inaasahang makakapagbigay ng malakas na desisyon, lalo na sa battleground states. Dahil malaking parte ng mga batang botante ang sumusuporta sa mga kandidato na nagsusulong sa crypto, kailangang tugunan ng parehong partido ang kanilang pag-aalala para makuha ang panalo sa nalalapit na eleksyon.
Sa nakaraang poll ng Fairleigh Dickinson University, lumalabas na dahil sa paglapit ni Donald Trump sa mga botante na mahilig sa crypto, pwedeng tumaas ang tyansa niya sa nalalapit na eleksyon sa US ngayong 2024. Ayon sa poll na ginawa bago umalis si Robert F. Kennedy Jr., may 12 puntos na lamang si Trump kumpara sa kandidato ng Democrats na si Kamala Harris pagdating sa mga botante na nagmamay-ari ng crypto, habang si Harris naman ang nanguna para sa mga botanteng walang crypto. Dahil sa pagbabago ng paninindigan ni Trump tungkol sa crypto, kabilang ang pagtanggap ng donasyon sa crypto, naging patok siya sa dumadaming botante, kaya isa itong malaking aspeto sa nalalapit na labanan.
Sa isang bagong pag-aaral ng Henley & Partners, lumalabas na umusbong ang Singapore bilang lider sa paggamit ng crypto sa buong mundo, na sinundan ng Hong Kong at ng United Arab Emirates (UAE). Iniraranggo ng Henley Crypto Adoption Index 2024 ang mga bansa batay sa mga aspeto tulad ng pampublikong paggamit, imprastraktura, inobasyon, lagay ng regulasyon, at pagbubuwis. Nanguna sa listahan ang Singapore na may 45.7 mula sa 60 points, na resulta ng sumusuportang regulasyon, advanced na kalagayan sa pananalapi, at malaking pamumuhunan sa inobasyon sa crypto. Nasa pangalawa at pangatlong pwesto ang Hong Kong at UAE, ayon sa pagkakabanggit, dahil sa pumapabor na kondisyon ng ekonomiya, patakaran sa buwis, at malakas na digital na imprastraktura.
Hinihingi ng Nasdaq ang pag-apruba ng mga mambabatas sa US para maglunsad ng options sa Bitcoin index, na naglalayong makapagbigay sa mga institusyon at traders ng bagong paraan para i-hedge ang exposure nila sa Bitcoin. Ang panukalang options ay magiging batay sa CME CF Bitcoin Real-Time Index, na sumusubaybay sa Bitcoin futures at options. Binigyang-diin ng Bitwise CIO na si Matt Hougan ang kahalagahan ng naturang options para maging normal ang Bitcoin bilang isang klase ng asset, habang tinutugunan ang kasalukuyang pagkukulang sa liquidity. Gayunpaman, hindi pa inaprubahan ng US Securities and Exchange Commission ang anumang options na nakatali sa spot Bitcoin ETFs, kabilang ang aplikasyon ng Nasdaq na mag-trade ng options sa iShares Bitcoin Trust ng BlackRock.
Noong nakaraang linggo, iniulat ng CoinShares na nakaranas ang crypto ng $305M na outflows, kung saan karamihan dito ay mula sa Bitcoin na nagkakahalaga ng $319M. Nakapagtala ng inflows na $4.4M ang Short Bitcoin funds, ang pinakamataas simula noong Marso. Nakaranas naman ang Ethereum ng $5.7M na outflows, habang nakapagdala ang Solana ng $7.6M na inflows. Ang outflows ay naiuugnay sa mas malakas na ekonomiya ng US, kaya bumaba ang tyansa na magkaroon ng malaking interest rate cut. Nawalan ng $290M ang US-traded crypto ETFs, kung saan pinakamatinding tinamaan ang ARKB ng ARK 21Shares at GBTC ng Grayscale. Sa kabila nito, nakakita ng ilang positibong inflows ang IBIT ng BlackRock.
Sa pangkalahatan, kahit na may matinding outflows, nanatiling matatag ang Bitcoin sa itaas ng $57,000. Binibigyang-diin nito ang patuloy na pagtaas-baba sa crypto market. Sa nakaambang mga aspeto sa ekonomiya at potensyal na malakihang pagbebenta, nananatiling mahirap ang posisyon ng market. Habang patuloy na nagbabago-bago ang regulasyon at takbo ng market, lalo na sa tumataas na impluwensya ng mga botante na pabor sa crypto, kasabay ng trends sa paggamit nito sa buong mundo, nananatiling nakatali ang kinabukasan ng Bitcoin at iba pang crypto sa mas malawak na lagay ng ekonomiya at politika. Kailangan pa ring mag-ingat ng mga investor dahil malinaw na nakikita ang upside na potensyal at downside na risks sa nalalapit na panahon.