30 Abril 2024 | FXGT.com
Pagbalik-tanaw sa Crypto – Nakaranas ng bagong peak ang arawang transaksyon sa Bitcoin
- Sa kauna-unahang pagkakataon simula noong inilunsad ito noong Enero, hindi nagkaroon ng anumang inflow noong Abril 24 ang Bitcoin ETF ng BlackRock na IBIT. Naghuhudyat ito ng matinding pagbaliktad ng market dahil nakaranas din ng kakaunting inflow ang iba pang Bitcoin ETFs na rehistrado sa US, at tanging ang FBTC ng Fidelity at ARKB ng ARK ang nakakaranas ng kaunting aktibidad. Patuloy na nagkakaroon ng net outflows ang sektor na ito, lalo na ang Grayscale Bitcoin Trust ETF.
- Binago ng BlackRock at Grayscale ang kanilang aplikasyon sa Ethereum ETF bilang tugon sa pagkaantala ng SEC. Ang naturang pag-adjust ng BlackRock ay nagtataglay ng mekanismo na batay sa cash para sa ETF shares, habang binago naman ng Grayscale ang aplikasyon nito sa pag-convert ng kanilang Ethereum Trust patungong ETF at nagpanukala ng mini Ethereum ETF. Nilalayon ng mga pagbabago na ito na tumugma sa regulasyon ng SEC para sa mga produkto sa investment na batay sa crypto.
- Ilulunsad ng Hong Kong ang una nitong spot Bitcoin at Ether ETFs sa Abril 30. Ang mga ETF na ito, na ipinakilala ng tatlong malalaking kumpanya sa China sa pamamagitan ng kanilang mga subsidiary sa Hong Kong, ay iba sa US spot ETFs dahil pinapayagan nito ang in-kind na redemption. Inaasahang papagandahin nito ang katayuan ng crypto at ang paggamit nito kasabay ng mga reguladong klase ng investment.
- Nalagpasan ng USD Coin (USDC) ng Circle ang USDT ng Tether batay sa volume ng transaksyon, ayon sa iniulat ng Visa. Ngayong April, nakapagproseso ang USDC ng 166.6 milyong transaksyon kumpara sa 163.6 milyon ng USDT. Kaya lang mas malaki pa rin ang market share ng Tether, na may capitalization na di hamak na mas mataas kaysa sa USDC.
- Nakaranas ng bagong peak na 926,842 ang arawang transaksyon sa Bitcoin dahil sa pagpapatupad ng Runes protocol, na sumasalamin sa 68% ng aktibidad. Tumugma ito sa nakaraang Bitcoin halving event at ang pagpapakilala ng Bitcoin Runes, na nagpapahintulot sa pag-isyu ng token sa Bitcoin network.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .