Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pagbalik-tanaw sa Crypto – Ang Bitcoin ETF ng BlackRock ay ang Pinakamalaki nang Bitcoin Fund sa Buong Mundo
4 June 2024 | FXGT.com

Pagbalik-tanaw sa Crypto – Ang Bitcoin ETF ng BlackRock ay ang Pinakamalaki nang Bitcoin Fund sa Buong Mundo

  • Ang Bitcoin ETF ng BlackRock ay ang pinakamalaki nang Bitcoin fund sa buong mundo, kung saan may kabuuan itong assets na $15.6B. Nalagpasan na nito ang Grayscale Bitcoin Trust (GBTC), na dating nangunguna pagdating dito. Ang matinding pagtaas ay sumasalamin sa lumalawak na institusyonal na interes at kumpiyansa sa Bitcoin investments, kaya nilalagay nito ang BlackRock bilang nangungunang kalahok pagdating sa digital assets.
  • Binago ng BlackRock ang aplikasyon nito para sa spot Ethereum ETF, na sumesenyas ng pag-usad tungo sa potensyal na pag-apruba ng SEC. Ang pagbabagong ito ay tugma sa kinakailangan sa regulasyon at naglalayong pagandahin ang istraktura ng ETF, kaya tataas ang posibilidad na maapruba ito.
  • Mula noong inaprubahan ang spot Ether ETFs sa US noong Mayo 23, mahigit $3B Ether na ang na-withdraw mula sa mga sentralisadong exchange, na nagpapahiwatig ng mas kaunting supply. Bumaba ng humigit-kumulang 797,000 ang halaga ng Ether sa mga exchange, o ang pinakamababang lebel sa loob ng ilang taon, na 10.6% lamang ng kabuuang supply.
  • Na-veto ni President Biden ang pagtatangka ng kongreso na baliktarin ang patakaran ng SEC sa accounting ng crypto. Sinusuportahan nito ang kasalukuyang regulasyon ng SEC pagdating sa mga crypto, kung saan binibigyang-diin niya ang pangako ng administrasyon na panatilihin ang mahigpit na pagpapatakbo sa crypto market. Dahil sa veto, nananatili ang awtoridad ng SEC na i-regulate ang digital assets, na naglalayong protektahan ang investors at siguraduhin ang katatagan ng market.
  • Inihalal si Nayib Bukele sa panibagong termino niya bilang presidente ng El Salvador. Nananatili siyang matatag na tagasuporta ng Bitcoin, kung saan itinataguyod niya ang paggamit nito para pabutihin ang pinansyal na kalagayan at paglago ng ekonomiya. Ang administrasyon ni Bukele ang nagpatupad na gawing legal tender ang Bitcoin, kaya pinoposisyon nito ang El Salvador bilang lider sa paggamit ng crypto sa kabila ng magkahalong internasyonal na reaksyon.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.