Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pagbalik-tanaw sa Crypto – Nakaranas ang mga Crypto Exchange ng Pagbaba sa Trading Volume sa Unang Pagkakataon Mula Setyembre
14 May 2024 | FXGT.com

Pagbalik-tanaw sa Crypto – Nakaranas ang mga Crypto Exchange ng Pagbaba sa Trading Volume sa Unang Pagkakataon Mula Setyembre

  • Bumaba sa $1.6T nitong Abril ang spot trading volume sa mga sentralisadong crypto exchange, ang unang month-to-month na pagbagsak nito simula Setyembre 2023. Tumugma ito sa matinding pagbaba ng halos 15% sa presyo ng Bitcoin, na nakaapekto sa pangkalahatang aktibidad sa market. Binance ang nakapagpanatili ng pinakamataas na trading volume na $700B. Bukod dito, bumagsak din ang trading volume ng US spot Bitcoin ETFs kumpara noong Marso.
  • Binawi ng Grayscale ang aplikasyon nito sa SEC para sa Ethereum futures ETF. Ang desisyong ito ay isang madiskarteng galaw para maiwasan ang potensyal na legal na hamon na kinakaharap ng Bitcoin ETFs. Maaari itong makaapekto sa inaasahang pagbabago sa regulasyon ng Grayscale at mas malawak na pag-aatubili ng SEC tungkol sa klasipikasyon ng Ethereum securities.
  • Ibinalita ng JPMorgan Chase ang mga investment nito sa magkakaibang Bitcoin ETFs kabilang na ang galing sa Grayscale, ProShares, Bitwise, BlackRock, at Fidelity, tulad ng iniulat nito sa SEC. Kabilang din sa filing ang pagbili ng shares na humigit-kumulang $47,000 sa Bitcoin Depot, na isang crypto ATM provider. Binibigyang-diin nitong kilos ng JPMorgan ang lumalawak na institusyonal na interes sa mga investment sa crypto.
  • Nakipagsosyo ang Mastercard sa mga malalaking bangko sa US tulad ng Citigroup, Visa, at JPMorgan para subukan ang bagong sistema sa tokenized settlement na tinatawag na Regulated Settlement Network (RSN). Ang teknolohiyang ito sa pinagsamang ledger ay may layuning gawing madali ang settlements sa iba’t-ibang klase ng assets sa pamamagitan ng pag-tokenize ng assets tulad ng Treasurys at pera ng komersyal na bangko, para ma-settle ito sa iisang platform.  
  • Plano ng Harvest, ang pinansyal na kumpanya sa Hong Kong, na gawing available ang Bitcoin ETF sa mga taga mainland Chinese investors gamit ang ETF Connect, na naglalayong iugnay ang mga pinansyal na market sa Hong Kong at mainland China. Umaasa ang CEO ng kumpanya na si Han Tongli na sa loob ng dalawang taon, makakasama ang ETFs nila sa ETF Connect, na posibleng magpakilala ng crypto market sa mas marami pang mga Chinese.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.