Sa nalalapit na eleksyon sa pagkapangulo ng US, tinututukan ngayon ang regulasyon sa crypto. Magkabaligtad ang paninindigan ni Trump na pumapabor sa crypto at ang mas balanseng pamamaraan ni Harris, na parehong sumusuporta sa potensyal ng paglago ng Bitcoin. Ayon sa mga analyst, ang pagkapanalo ni Trump ay pwedeng magtulak sa demand para sa Bitcoin at gold, bilang pag-hedge sa potensyal na pagkahina ng dolyar.
Ipinagpaliban ng Mt. Gox ang pagpapamahagi ng 162,000 BTC kaya nahihimasmasan ang pag-aalala ng market, habang bumagal naman ang inflows ng Bitcoin ETFs nitong Oktubre pagkatapos ng panandaliang pagtaas. Nagpapahiwatig ang mga technical indicator ng potensyal na sunod-sunod na pagtaas ng Bitcoin patungong $83K. Nabibigyang-diin ang impluwensya ng Silangang Europa bilang isang higanteng kalahok sa crypto, na pinangunahan ng aktibidad sa DeFi.
Ipinagpaliban ng Mt. Gox ang Pagbebenta ng Bitcoin, kaya Humina ang Pangamba ng Market sa Ilalabas na 162,000 BTC
Ayon sa nagsarang crypto exchange na Mt. Gox, na nalugi noong 2014 pagkatapos manakawan ng 850,000 BTC, hindi nito agad na ibebenta ang hawak na Bitcoin para bayaran ang mga pinagkakautangan. Sa halip, naghahanda ang trustees na ipamahagi ito sa huling parte ng taon, nang walang agarang plano para ipamahagi ang 162,106 BTC na kasalukuyang nasa isang trust. Nagbabala ang mga analyst na kung ibebenta ito, pwede itong makaapekto nang husto sa market ng Bitcoin dahil sa limitadong aktibong supply ng Bitcoin at hindi gumagalaw ang karamihan dito.
Humina ang Pagsipa ng Bitcoin ETFs sa Katapusan ng Oktubre
Nakaranas ang Bitcoin ETFs ng malakas na sunod-sunod na inflows, kung saan nakalikom ito ng halos $3B sa loob ng anim na araw, pero bumagal ang momentum sa pagtatapos ng Oktubre na nakapagtala ng katamtamang inflows na $31.3M. Nanguna ang iShares Bitcoin Trust ng BlackRock na may $317M na bagong deposito, bagamat nakapagtala ng outflows ang karamihan sa ibang funds. Kamakailan, nalagpasan ng Bitcoin ETFs sa US ang hawak na 1 milyong BTC, na malapit na sa pinanghahawakan ng nagtatag ng Bitcoin. Nananatiling nasa ibaba ng all-time high ang Bitcoin, kung saan nagti-trade ito sa ilalim ng $70,000, habang hinihintay ng mga market ang mga pangunahing tagapaghiwatig ng ekonomiya at nalalapit na eleksyon sa US.
Technical Analysis: Sumesenyas ng Pag-usad Tungo sa $83K ang Bullish na Momentum ng Bitcoin
Pagkatapos maabot ang peak na $73,589.90 noong Oktubre 29, nakaranas ang Bitcoin ng correction na natukoy sa serye ng mga bearish candlestick. Gayunpaman, nakahanap din ito ng suporta sa itaas ng 50-period Exponential Moving Average. Sa kabila ng pullback, nananatiling pataas ang takbo ng Bitcoin, tulad ng ipinahihiwatig ng Momentum oscillator at Relative Strength Index (RSI), na parehong nagpapakita ng pagbasa sa itaas ng mga pangunahing baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Lalo pa nitong kinukumpirma ang kasalukuyang uptrend.
Kung magpapatuloy ang pabor na kondisyon sa market, ang mga susunod na potensyal na target Bitcoin ay nasa $73,589.90, $76,485.70, at $83,478.69.
Tinututukan ang Crypto sa Eleksyon sa Pagkapangulo ng US
Lumalabas na matatag ang takbo ng Bitcoin patungo sa $100,000, anuman ang kahihinatnan ng halalan sa pagkapangulo sa US ngayong 2024. Mabibigyang-pansin ang regulasyon ng crypto ng sinumang kandidato, kung saan pumapabor si Trump sa crypto, habang tututok naman si Harris sa mas balanseng proteksyon ng mga konsyumer. Gayunpaman, dahil sa pumapabor na regulasyon at katayuan ng Bitcoin bilang hedge, sumesenyas ito ng malakas na potensyal para sa BTC, kaya siguradong makakamit ito sa kabila ng pagbabago sa politika.
Nakaambang Sumikat ang Bitcoin at Gold Kung Mananalo sa Trump, Sabi ng JP Morgan
Ayon sa ulat ng Decrypt, naniniwala ang mga analyst ng JP Morgan na pwedeng makinabang ang parehong Bitcoin at gold sa potensyal na “debasement trade” na resulta ng hindi kasiguraduhan sa market, pagkahina ng dolyar, at nalalapit na eleksyon sa US. Ang pagkapanalo ni Trump ay pwedeng makapagpalago nang husto sa demand para dito dahil sa pagpabor niya sa crypto at potensyal na mas mataas na taripa, kaya magiging magandang hedge ang gold at Bitcoin laban sa di kasiguraduhan sa ekonomiya. Dahil papalapit na ang Bitcoin sa all-time high at umabot kamakailan ang gold sa panibagong peak, nakaambang lumago ang parehong assets sa gitna ng mas malalang geopolitical na tensyon at pwersa ng inflation.
Nagtulak sa Paglago ng Crypto sa Silangang Europa ang Pagsikat ng DeFi
Sa isang bagong ulat tungkol sa paggamit ng crypto, nabigyang-diin ang papel ng Silangang Europa bilang isang mahalagang kalahok sa pandaigdigang market ng crypto, kung saan ito ang ika-apat na pinakamalaki at may hawak ng mahigit 11% ng kabuuang halaga ng crypto na natanggap. Mula Hulyo 2023 hanggang Hunyo 2024, nakaipon ang rehiyon ng mahigit $499B na transaksyon sa crypto, kung saan 33% ang galing sa Decentralized Finance (DeFi), na may kabuuang mahigit $165B. Sa kabila ng pagsikat ng DeFi, nangunguna pa rin sa rehiyon ang mga sentralisadong exchange, kung saan sakop nito ang mahigit $325B na transaksyon. Pwede pang lumaki ang posisyon ng Silangang Europa dahil sa mas mataas na interes sa retail na lebel.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, habang papalapit ang eleksyon sa pagkapangulo sa US ngayong 2024, patuloy na tinututukan ng mga investor at mambabatas ang crypto. Pwedeng makaimpluwensya sa takbo ng Bitcoin ang posisyon ng parehong kandidato pagdating sa regulasyon ng crypto, pero nananatili pa ring malakas ang potensyal nitong lumago. Nakatulong sa pagpapatatag ng sentimyento ang ipinagpalibang pagbabahagi ng Mt. Gox ng BTC, habang nagpapahiwatig ang Bitcoin ETFs at technical indicators ng tuloy-tuloy na interes at potensyal na pagtaas. Sa pagsikat ng Silangang Europa bilang isang higanteng kalahok sa crypto, na resulta ng aktibidad sa DeFi, nabigyang-diin ang katayuan ng digital assets sa buong bundo. Sa pangkalahatan, nakaambang magpatuloy ang pagbabago sa lagay ng crypto sa kabila ng mga pangyayari sa politika, ekonomiya, at iba’t-ibang rehiyon.