Nasa range ang trading ng Bitcoin sa kabila ng maliit na lingguhang pagbaba, habang tinutulak naman ng mga senador sa US na gawing exempt ang buwis sa maliliit na transaksyon sa crypto para padaliin ang paggamit nito. Sumisikat na ang crypto sa politika ng US, kung saan may mga pagbabago sa regulasyon na pinamunuan ng Senate Majority Leader na si Chuck Schumer at malakas na suporta ni Senador Ted Cruz para sa pag-mine ng Bitcoin sa Texas. Inilunsad ng Brazil ang unang spot Solana ETF, na pwedeng magtakda ng pandaigdigang trend. Bukod dito, layunin ng Bitcoin na paigtingin ang privacy dahil sa bagong feature nito na Silent Payments, habang ipinakilala naman ng Bank of Ghana ang panukalang regulasyon na tumututok sa proteksyon ng mga konsyumer sa digital na assets.
Price Action ng Bitcoin
Nagko-consolidate ang Bitcoin sa pagitan ng 62753.14 at 56149.23 na may bearish na bias, sa gitna ng presyo na kasalukuyang nasa ibaba ng 50-period Exponential Moving Average at nagpapahiwatig ang Momentum oscillator ng downward na trend, na nagpapakita ng halaga na mas mababa sa ilalim ng baseline na 100. Natukoy ang potensyal na downward target sa 49003.59. Sa kabilang banda, dalawang upside targets ang natukoy sa 66244.42 at 68178.70. Nakaranas ang Bitcoin ng mahigit sa 24% na pagbawi mula nang bumagsak ito noong Agosto 5, habang nakaranas din ng 29% na pagtaas ang Ether sa kaparehong panahon.
Itinutulak ng Senado ang Exemption sa Buwis para sa Maliliit na Transaksyon sa Crypto
May bipartisan na grupo ng mga senador sa US na nagpapanukala muli ng Virtual Currency Tax Fairness Act, na layuning gawing exempt sa pederal na pagbubuwis ang mga transaksyon sa crypto na may halaga na hanggang $200. Layunin nitong panukala na tugunan ang matinding hadlang para gumamit ang mga tao ng crypto bilang pera, dahil kumplikado ang kasalukuyang sistema sa capital gains tax at pinapaboran nito ang pangmatagalang paghawak kumpara sa pang-araw-araw na transaksyon. Gagawing simple ng exemption ang paggamit ng crypto para sa mga maliliit na gastusin, na tugma sa kasalukuyang exemption na ipinatutupad sa foreign currency. Itinuturing na kailangan ang panukalang ito para mabawasan ang paghihigpit ng regulasyon at itulak ang mas nakakasabay na marketplace sa crypto.
Binigyang Atensyon ang Crypto sa Kampanya sa Pagkapangulo sa US
Ayon sa Bloomberg, layunin ng Senate Majority Leader na si Chuck Schumer na magkaroon ng regulasyon ang US sa crypto sa katapusan ng 2024. Sa “Crypto4Harris” event na ginawa bilang pagsuporta kay Harris, binigyang-diin ni Schumer ang bipartisan na pakikipagtulungan para itaguyod ang pagbabago sa US habang nagpapatupad ng mga makatwirang regulasyon. Binigyang-diin nitong event ang pagsisikap ng Democratic party na baguhin ang relasyon sa industriya ng crypto, na kabaligtaran ng suporta nitong sektor sa dating Pangulong Trump. Sa kabila ng mga naranasang hadlang, dedikado si Schumer na magpatupad ng pangmatagalang batas.
Sa kabilang banda, pinuri ng Senador sa US na si Ted Cruz ang Texas bilang nangungunang sentro sa pag-mine ng Bitcoin at paggamit ng crypto, sa isang nakaraang event na pinamunuan ng Texas Blockchain Council. Binigyang-diin ni Cruz ang matinding suporta para sa Bitcoin at pinuna niya ang mga pederal na regulasyon na sa tingin niya ay nagbabanta sa industriya. Ipinagmalaki din niya ang papel ng Texas bilang pugad ng Bitcoin miners at mas malawak na komunidad ng crypto. Isinaad din ni Cruz ang pag-aalala tungkol sa mga politiko na sa tingin niya ay hindi pabor sa Bitcoin at nagbigay siya ng babala laban sa panghihimasok ng gobyerno sa industriya ng crypto.
Nakatakdang Mauna ang Brazil sa Unang Spot Solana ETF sa Buong Mundo
Malapit nang ilunsad ng Brazil ang kauna-unahang spot Solana ETF, na nakatakdang ilabas sa Brazilian stock exchange na B3, pagkatapos itong aprubahan ng Securities and Exchange Commission ng Brazil. Pwede nitong iposisyon ang Brazil sa unahan ng ibang markets sa mundo pagdating sa pag-aalok ng ETFs na nakabatay sa Solana. Itinuturing ito na pwede makaimpluwensya sa iba pang malalaking ekonomiya tulad ng US, para isaalang-alang din ang pag-aalok ng katulad na produkto. Bagamat hindi pa magkakaroon ng Solana ETF sa US sa lalong madaling panahon, pwede nitong pataasin nang husto ang presyo ng Solana. Sa kasalukuyan, matatag ang presyo nito pero malayo pa ito sa all-time high.
Silent Payments: Binabago ang Privacy ng Bitcoin
Ayon sa Bitcoin Magazine, may bagong feature ang Bitcoin na tinatawag na Silent Payments para paigtingin ang privacy ng mga user. Pinapahintulutan nitong mangyari ang mga transaksyon nang hindi binubunyag sa blockchain ang impormasyon tungkol sa nagpadala o makakatanggap. Dati, kailangang i-share sa publiko ang mga address para sa transaksyon sa Bitcoin, kaya nakokompromiso ang privacy. Sa Silent Payments, makakagawa ang mga user ng naiiba at isahang-gamit na address, na di tulad ng static na address, kaya makikita ang lahat ng transaksyon tulad ng tipikal na pag-transfer sa Bitcoin habang sinisigurado ang privacy. Bagamat malaki ang benepisyo nito pagdating sa privacy, may mga hamong kinakaharap ang Silent Payments, kabilang na ang pagkakaroon ng compatible na wallets at oras na kailangan para i-scan ang mga transaksyon sa blockchain. Gayunpaman, makikita bilang malaking pagpapabuti sa crypto ang potensyal nitong protektahan ang privacy habang pinapanatili ang mga pangunahing prinsipyo ng Bitcoin.
Inumpisahan ng Bangko Sentral ng Ghana ang Regulasyon sa Crypto: Binunyag ang Paunang Patakaran
Ipinakilala ng Bank of Ghana (BoG) ang paunang gabay nito para i-regulate ang digital assets, na pangunahing tumututok sa mga crypto exchange at proteksyon ng mga konsyumer. Inilabas noong Agosto 16, 2024, ibinunyag ang regulasyon pagkatapos ng tatlong-taong pagsusuri sa tumataas na interes ng bansa sa mga crypto tulad ng Bitcoin at Tether. Binibigyang-daan nitong mga gabay ang pagpapaganda sa rehistrasyon at pag-uulat ng Virtual Asset Service Providers (VASPs) para tugunan ang mga risk na may kinalaman sa money laundering, terrorism financing, at pandaraya. Humihingi ng payo ang BoG mula sa mga nasa industriya at sa publiko hanggang Agosto 31, 2024, para gumanda pa ang regulasyon bago ito ipatupad.
Pangkalahatan
Nananatili ang Bitcoin sa isang nakakabahalang pattern sa paghawak nito, kung saan sumesenyas ang market ng higit pang consolidation. Sa US, sinusubukan ng mga tagapangasiwa na paluwagi ang paggamit ng crypto sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng exemption sa buwis para sa maliliit na transaksyon, na sumasalamin sa lumalawak na pagtutok ng mga politiko sa digital na currencies. Habang nagbabago pa ang regulasyon, naghahanda ang Brazil na manguna sa makabagong Solana ETF, na pwedeng mag-umpisa ng paggamit nito sa buong mundo. Samantala, naghahanap ang Bitcoin ng panibagong paraan pagdating sa privacy gamit ang Silent Payments, at kumilos ang Ghana na protektahan ang lagay ng pananalapi gamit ang mga pangunang regulasyon para sa digital assets.