Mapapansin sa crypto market ang katatagan at paglago nito, kung saan kapansin-pansin ang pagbawi ng Solana at Bitcoin, kaya nabibigyang-diin ang pagbangon ng buong sektor. Sa US, tinututukan ang regulasyon sa crypto, at huhubugin ng magkakaibang pananaw sa politika ang kinabukasan nito. Dahil sa mahahalagang galaw sa batas tulad ng panukala sa Pennsylvania na pabor sa crypto, nabibigyang-diin ang pagtakbo tungo sa mainstream na paggamit nito at pagiging klaro ng regulasyon, na nagmamarka sa isang naiibang panahon para sa digital assets.
Nakakabilib na Pagbawi ng Solana
Ngayong 2024, nakakagulat ang pagbabalik ng Solana, kung saan nakabawi ito mula sa matinding pagbagsak pagkatapos malugi ng FTX. Kasunod ng high na $260.61 na naabot noong huling parte ng 2021 at pagbagsak nito sa ilalim ng $10, makikita ang bagong momentum sa presyo ng Solana, na sinusuportahan ng napakahusay na Total Value Locked (TVL) at volume ng Decentralized Exchange (DEX).
Dahil sa 342% na paglago ng TVL nito mula unang bahagi ng 2024 at kapansin-pansing pagtaas nito kumpara sa Ethereum sa DEX share, tumataas ang engagement ng Solana. Makikita ang apela nito sa mataas na transaction throughput at aktibong wallets, lalo na sa mga ispekulatibong traders. Tinuturo ng mga analyst ang lumilitaw na technical bullish pattern sa chart ng Solana, na sumesenyas ng potensyal na paglago kung sakaling magpatuloy ang kasalukuyang trend. Bagamat isang aspeto pa rin ang pagtaas-baba nito, habang patuloy na sumisikat ang Solana, isa ito sa mga aabangang puwersa sa pabago-bagong mundo ng crypto.
Technical Analysis: Sumesenyas ng Pagtaas Patungong $82K ang Bullish na Momentum ng Bitcoin
Pagkatapos ng matinding (a-b-c) correction noong Setyembre at Oktubre kung saan bumagsak ang Bitcoin sa $58,838.90, nag-umpisa ang tuloy-tuloy nitong pagtaas. Sumesenyas ng potensyal na umpisa ng uptrend ang pagtalbog nito mula sa support area. Ang pataas na takbo ay inumpisahan ng nabuong “non-failure swing” pattern, kung saan bumagsak ang trough na $58,838.90 sa ilalim ng nakaraang trough, na sinundan ng paglagpas sa itaas ng peak na $64,375.70, at nagbubukas ng daan tungo sa higit pang pagtaas.
Bukod dito, napaigting ang pataas na momentum dahil sa nabuong “Golden Cross,” na nabuo noong lumagpas ang 20-period Exponential Moving Average (EMA) sa itaas ng 50-period EMA. Sinusuportahan ito ng mas malakas na demand, at may iba’t-ibang bullish technical indicators na nagpapaigting sa positibong pananaw na ito. Sa kasalukuyan, nagti-trade ang Bitcoin sa itaas ng 50-period EMA, habang nagpapakita ang Momentum oscillator at Relative Strength Index (RSI) ng lebel na mas mataas sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit, na higit pang kumukumpirma sa bullish na sentimyento.
Kung magpapatuloy ang pabor na kondisyon sa market, ang mga susunod na potensyal na target ng Bitcoin ay $73,864.24, $77,812.80, at $82,292.78.
Sentro ang Crypto sa Kampanya sa Pagkapangulo sa US
Habang umiinit ang labanan sa pagkapangulo sa US, tinututukan na ngayon ang regulasyon sa crypto, kung saan magkaiba ang opinyon ni Kamala Harris at Donald Trump tungkol dito. Nangako si Harris na babawasan ang hadlang sa regulasyon ng digital assets, pero humaharap siya sa batikos dahil sa ugnayan niya sa mahigpit na pamamalakad ng administrasyon ni Biden tungkol sa crypto. Samantala, nakakuha ng suporta si Trump mula sa komunidad ng crypto, sa pamagitan ng mga endorsement at aktibong pamamalakad kabilang ang paglulunsad ng sarili niyang crypto platform. Makikita ang mas malawak na istratehiya sa politika ng parehong kandidato, kung saan may potensyal itong implikasyon para sa kinabukasan ng paggamit ng crypto sa US.
Labis-labis ang Suporta sa Ipinasang Batas ng Kongreso ng Pennsylvania na Pumapabor sa Crypto
Ipinasa kamakailan ng House of Representatives ng Pennsylvania ang HB-2481, isang panukala na pumapabor sa crypto. May ugnayan ito sa regulasyon at pagprotekta sa karapatan ng pagmamay-ari nito, pagsuporta sa mga bayad sa crypto, hindi pagsasama ng digital assets mula sa dagdag na buwis, at pagsisigurado ng karapatang magpatakbo ng node. Sa malakas na bipartisan na suporta (176–26), hinihintay na lang ang pag-apruba ng Senado ng Pennsylvania at ang pirma ng gobernador para maging isa na itong batas. Itinuturing ng mga tagasuporta nito na isa itong hakbang tungo sa mas malinaw na regulasyon ng US sa crypto, na salungat sa mas malawak na hindi kasiguraduhan sa regulasyon, at naging dahilan kaya lumipat ang ibang mga kumpanya ng crypto sa mga mas pabor na hurisdiksyon sa ibang bansa.
Nabuhay Ulit ang Whale noong Panahon ni Satoshi
May isang naunang may-ari ng Bitcoin, na galing pa noong panahon ni Satoshi at nakatanggap ng coins noong 2009, na kamakailang nagbenta ng bahagi ng pagmamay-ari nila pagkatapos ng isang dekada na kawalan na aktibidad. Makikita sa pagsusuri ng blockchain na nagsimulang maglipat ng Bitcoin ang long-term na whale na ito papunta sa iba’t-ibang mga exchange noong nakaraang buwan. Sa ngayon, humigit-kumulang $10.5M ang naibenta, habang may $72M (1,064 BTC) pa ang nananatili sa wallet. Nakakuha ng matinding atensyon ang mga coins na ito na galing pa sa panahon ni Satoshi, dahil ang malakihang bentahan ng mga orihinal na coins ay pwedeng makaimpluwensya sa sentimyento ng market.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, nakakaranas ng pagbabago-bago at katatagan ang mundo ng crypto, kung saan nakakaranas ng pagbawi ang malalaking kalahok tulad ng Solana at Bitcoin. Makikita ang paggalaw tungo sa mas malinaw na regulasyon dahil sa suporta ng lehislasyon tulad ng batas ng Pennsylvania na pumapabor sa crypto, at umiigting na pag-uusap sa politika tungol sa digital assets sa US. Ang mga pagbabagong ito, na sinabayan ng mas maigting na aktibidad sa market at bagong interes sa foundational assets, ang nagbibigay-diin sa makabagong yugto ng digital assets na nakaambang humubog sa kinabukasan ng pananalapi.