Nakaranas ang Bitcoin ng matinding pagtaas-baba dahil sa mga macroeconomic na aspeto tulad ng sentimyento ng market, kaya nagtapos ang linggo nang may katamtamang paglago. Lumakas ang trading volume dahil sa paglulunsad ng US spot Ether ETFs, na nagpapahiwatig ng lumalawak na pagtanggap ng market. Sa National Bitcoin Conference, ipinahayag ng dating pangulong Trump ang malakas niyang pagsuporta sa Bitcoin, na sumesenyas ng potensyal na pagbabago sa pamamalakad. Bukod dito, itinatag ng University of Wyoming ang UW Bitcoin Research Institute, na nagmamarka sa matinding pagtutok ng akademya sa pag-research sa Bitcoin.
Inilabas ang US Spot Ether ETFs
Humarap ang Bitcoin sa matinding pagtaas-baba ng presyo mula Hulyo 22–28, 2024 dahil sa impluwensya ng mga macroeconomic na kondisyon at sentimyento ng market. Sumipa ang presyo bago inilabas ang mahahalagang datos sa ekonomiya, na sumasalamin sa mas malawak na pattern sa US stock futures. Gayunpaman, naramdaman din ng market ang pababang pwersa dahil sa patuloy na pagbabayad-utang ng Mt. Gox sa mga creditor nito, na nagdulot ng pag-aalala tungkol sa potensyal na bentahan at nakatulong sa pagbaba ng presyo. Nagtapos ang linggo na $68,106.45 ang presyo ng Bitcoin, na mas mataas ng 0.5%, habang bumagsak naman ng 6.5% ang Ethereum.
Inilabas ang US Spot Ether ETFs
Pagkatapos ilunsad ang spot Bitcoin ETFs noong Enero, sinundaan ito ng paglulunsad ng kauna-unahang US spot Ether ETFs, na nagpakita ng mataas na trading volume noong unang bahagi ng trading session.
Ang siyam na Exchange-Traded Funds ay sama-samang nakapag-trade ng mahigit $1B shares noong unang araw. Bagamat mas mababa ito kumpara sa $4.6B na na-trade noong inilunsad ang spot Bitcoin ETFs noong Enero, nagpapahiwatig pa rin ito ng malakas na simula para sa naturang mga ETFs.
Pahayag ni Trump sa National Bitcoin Conference
Noong Hulyo 27, nagkaroon ng keynote speech ang dating pangulo ng US na si Donald Trump sa Bitcoin Conference sa Nashville. Ipinahayag ni Trump ang malakas na pagsuporta sa Bitcoin at industriya ng crypto, kung saan binanggit niya na “gusto ko ‘tong i-mine, i-mint, at gawin sa US.” Pinangako niya ang pagkakaroon ng “strategic national bitcoin reserve” at nangako na “hinding-hindi ibebenta” ang mga nasamsam na Bitcoin ng gobyerno. Bukod dito, inilarawan niya ang plano na tanggalin ang Chair ng Securities and Exchange Commission.
Pagtulak ng Democrats sa “Forward-Looking” na Pamamalakad sa Crypto
Maraming Democrats ang nagtutulak sa kanilang partido na maging mas maluwag sa crypto tulad ng Republicans. Gusto nilang baguhin ang plataporma ng partido para itaguyod ang “forward-looking na pamamalakad” sa digital assets. Sa partikular, hinihikayat nila ang pagsisisante kay Gary Gensler, ang kasalukuyang Chair ng Securities and Exchange Commission, at ang pagkakaroon ng isang lider na “sumusuporta sa pagbabago.”
Unang Bitcoin Research Institute mula sa University of Wyoming
Itinatag ng University of Wyoming ang UW Bitcoin Research Institute, ang kauna-unahang institusyon sa akademya na nakatutok sa pag-aaral sa Bitcoin. Layunin ng institusyon na palakasin ang pag-research sa Bitcoin, kilalanin ang gawa ng mga iskolar, bigyang inspirasyon ang mga batang akademiko, at mag-alok ng mga naaayong seminar. Nakatutok ito sa pagpapabuti ng kalidad ng pag-research sa Bitcoin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mas tiyak at masinsinang pag-aaral.
Pangkalahatan
Sa linggong tumakbo mula Hulyo 22–28, 2024, nakaranas ng kapansin-pansing pagtaas-baba ang presyo ng Bitcoin dahil sa impluwensya ng mga macroeconomic na kondisyon at sentimyento ng market. Humantong sa pagtaas ng presyo ang inaabangang datos sa ekonomiya, habang nagdulot naman ng pababang pwersa ang pag-aalala tungkol sa pagbabayad-utang ng Mt. Gox. Nagtapos ang linggo na $68,106 ang Bitcoin, habang ang Ethereum ay $3,262.
Nagkaroon ng nakakabilib na trading volume dahil sa paglulunsad ng kauna-unahang US spot Ether ETFs, na naghuhudyat ng malakas nitong pagpasok sa market. Sinuportahan ni Trump ang Bitcoin sa National Bitcoin Conference, habang tinutulak naman ng Democrats ang mas forward-looking na pamamalakad sa regulasyon. Itinatag ng University of Wyoming ang UW Bitcoin Research Institute, na nagbibigay-diin sa pagtutok ng akademya sa pag-research sa Bitcoin.