3 Abril 2024 | FXGT.com
Pagbalik-tanaw sa Crypto – Inanunsyo ng Tether ang Planong I-invest ang 15% ng Netong Kita nito sa Bitcoin
- Ang kakalunsad na Ethereum-based tokenized fund ng BlackRock, ang BUIDL, ay nakapangalap ng $245M sa unang linggo nito, na sumesenyas ng matatag na demand. Ang fund na ito, na tumututok sa pag-tokenize ng US Treasuries, ay ang pangalawa na ngayon sa market, kasunod ng alok ng Franklin Templeton.
- Bumili ang Tether kamakailan ng 8,888 Bitcoin, na nagkakahalaga ng $618M, kaya tumaas sa kabuuang 75,354 ang hawak nitong Bitcoin. Dahil dito, ang Tether ang ikapitong may pinakamalaking hawak ng Bitcoin sa buong mundo. Bukod dito, inanunsyo ng Tether ang plano nitong i-invest ang 15% ng netong kita nito sa Bitcoin, na lubos pang makakapag-diversify sa mga assets nito na sumusuporta sa stablecoins.
- Sa pakikipagtulungan sa Conflux Network, inilunsad ng pamahalaan ng China ang pampublikong imprastraktura sa blockchain na tinatawag na “Ultra-Large Scale Blockchain Infrastructure Platform for the Belt and Road Initiative.” Layunin ng platform na ito na suportahan ang mga proyekto sa cross-border na pakikipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pampublikong blockchain base para sa pagbuo ng mga aplikasyon. Bagamat mahigpit ang China pagdating sa crypto, minamarkahan ng inisyatibang ito ang mahalagang paggalaw tungo sa pagtanggap sa blockchain technology para sa mga internasyonal na proyekto.
- Inilabas ng Grayscale Investments ang Dynamic Income Fund, isang naiibang investment vehicle na para sa mga makabagong investor na gustong samantalahin ang staking rewards mula sa mga crypto token. Plano ng fund na ito na gawing US dollar ang staking rewards linggo-linggo at ipamigay ito kada quarter. Bibigyang prayoridad nito ang mga token tulad ng Osmosis, Solana, at Polkadot para sa benepisyo nito sa staking, at tututok ito sa pagpapalaki ng kita sa staking, at pangalawa lang ang paglago ng kapital.
- Nakaranas ang ARK 21Shares Bitcoin ETF ng record na $201.8M na inflows, na lubhang nalagpasan ang arawang average habang lumalapit sa $72,000 ang presyo ng Bitcoin. Minarkahan nito ang halos apat na beses na pagtaas ng kadalasan nitong inflows, na nagpapakita ng tumataas na interes sa Bitcoin sa pamamagitan ng ETFs, sa gitna ng tumataas-baba na presyo sa market.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .