Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Mahalagang Sandali para sa Yen: May Kinalaman ang Pulong ng BoJ at mga Tagapaghiwatig sa Ekonomiya ng US
25 Abril 2024 | FXGT.com

Mahalagang Sandali para sa Yen: May Kinalaman ang Pulong ng BoJ at mga Tagapaghiwatig sa Ekonomiya ng US

Mahinang Yen sa Kabila ng Pulong ng BoJ: Sinimulan ng Bank of Japan (BoJ) ang dalawang araw na pagtatakda ng rate nitong Huwebes, kung saan kapansin-pansin na nanatiling mahina ang yen, kung saan lumagpas ito sa itaas ng ¥155 kada dolyar – isang lebel na hindi pa nakikita simula noong 1990. Dahil dito nangangamba ang traders kung manghihimasok ba ang Tokyo habang patuloy pa nitong pinag-uusapan ang magiging pamamalakad sa hinaharap.

Pananaw sa Patakaran ng BoJ: Nagkakasundo ang lahat na pananatilihin ng BoJ ang panandaliang target na interest rate sa pagtatapos ng pulong nito sa Biyernes. Sumusunod ito sa galaw ng bangko sentral noong nakaraang buwan na tapusin na ang negatibong interest rates. Nagpapahiwatig ang mga eksperto ng medyo hawkish na paninindigan pero inaabangan pa rin nito ang patuloy na mas maluwag na kondisyon sa pananalapi.

Potensyal na Pagtaas ng Rate ng BoJ: Isinaad kamakailan ng BoJ Governor na si Kazuo Ueda na pwedeng isaalang-alang ng bangko sentral ang pagkakaroon pa ng rate hike kung sakaling patuloy na tumas ang bayarin sa pag-import dahil sa pagbaba ng yen, na siyang nagpapatuloy sa malaking pagtaas-presyo. Inulit niya ang komentong ito, kung saan sinabi niya na tataas ulit ang rates kung lumapit ang inflation papalapit sa target na 2%.

Datos sa Inflation: Dahil sa komento ng BoJ Governor na si Kazuo Ueda, mas binibigyang atensyon ang forecast sa inflation sa katamtamang panahon na ilalabas ng BoJ pagkatapos ng pulong nito. Kritikal ang forecast na ito sa paghubog sa magiging pamamalakad ng bangko sentral sa hinaharap.

Pagtutok sa Datos sa US: Ang ilalabas na datos sa GDP ng US mamaya na susundan bukas ng Personal Consumption Expenditures (PCE) index ay inaasahang magdulot ng malaking pagtaas-baba na makakaapekto sa takbo ng presyo. Dahil sa nalalapit na datos, pwede pang tumulak pataas ang USDJPY, maliban na lang kung kokontrahin ito ng pagbaliktad ng patakaran ng BoJ o panghihimasok ng mga awtoridad sa Japan.

Epekto ng Panghihimasok: Kung walang malinaw na patakaran mula sa BoJ o mga opisyal sa pananalapi, pwedeng patuloy na tumaas ang USDJPY, kung saan susubukin nito ang susunod na resistance sa bandang ¥160. Sa kabilang banda, kung sakaling nanghimasok ang ministro ng pananalapi, pwedeng magkaroon ng matinding pagtakbo sa kasalungat na direksyon, dahil ayon sa mga nakaraang panghihimasok, agad itong nagresulta sa matinding paggalaw na ‘sing laki ng 500 pips sa loob ng isang araw.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.