Ang trading ay isang pangunahing konsepto sa ekonomiya na binubuo ng pakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo kapalit ng pera. Mahalagang kilalanin ang mga kaakibat na risk na may kinalaman sa trading, kaya naman naghahanap ang mga trader ng paraan para bumaba ang bayarin at i-diversify ang kanilang portfolio. Ito ang mismong ginagawa ng index trading. Sa artikulong ito, malalaman mo kung paano i-diversify ang iyong crypto portfolio gamit ang GTi12 Index.
Mga Index sa Pangkalahatan
Bago busisiin ang mga benepisyo ng index trading, ipapaliwanag muna namin kung ano ang mga index. Ang mga index ay koleksyon ng mga instrument. Maaaring isa itong grupo ng stocks, mga commodity, currency, o crypto. Dahil sinusubaybayan nito ang pagbabago-bago ng presyo sa isang industriya o sektor, maaaring ispekulatibo ang pag-trade ng mga index at pwede itong ituring na oportunidad sa pag-i-invest, o bilang tool para mas maunawaan ang kaakibat na market. Kabilang sa mga halimbawa ang Standard & Poor’s 500 (S&P 500), at ang Financial Times Stock Exchange 100 na kilala rin sa pangalang FTSE 100. Pareho itong mga share index, na binubuo ng mga kumpanya sa US na may pinakamataas na market cap. Isa pang halimbawa ang US Tech 100 (US100), na binubuo ng nangungunang 100 kumpanya sa US na may kinalaman sa teknolohiya.
Pag-trade ng mga Index
May dalawang paraan para mag-trade ng mga index: sa pamamagitan ng spot o futures trading, o CFDs (Contracts for Difference). Kalimitang pinipili ng mga madalas mag-trade ang CFDs, gaya ng CFDs sa cash o CFDs sa futures.
Binibigyang-daan ng CFDs ang mga investor na magbakasakali sa paggalaw ng presyo ng index, nang hindi nagmamay-ari ng mismong pinagbabatayang asset, kaya naman pwede silang kumita sa tumataas at bumababang market.
Ang pangunahing pagkakaiba ay makikita sa singil sa rollover at paghawak ng position kinabukasan. Ang cash CFDs ay walang overnight na swap charges pero napapailalim sa rollover kapag mag-e-expire na ang pinagbabatayang asset.
Sa kabilang banda, mas gusto ng mga investor at position traders ang pag-trade ng futures contracts.
GTi12 Index ng FXGT.com
Pinagsasama-sama ng mga eksperto ng FXGT.com ang kanilang kaalaman, karanasan, at pananaw para gawin at alukin ang GTi12 Index. Tulad ng isinasaad ng pangalan nito, ang GTi12 Index ay binubuo ng grupo ng 12 crypto CFDs. Sa oras na isinulat ang artikulong ito, binubuo ang Index ng:
BTC (Bitcoin), ETH (Ethereum), XRP (Ripple), LTC (Litecoin), SOL (Solana), BTH (Bitcoin Cash), XLM (Stellar), DOT (Polkadot), BNB (Binance Coin), TRX (Tron), MAT (Polygon), and ADA (Cardano).
Kalkulasyon ng GTi12
Ang mga tradisyonal na index ay kalimitang gumagamit ng price-weighted na kalkulasyon, na gumagamit ng simpleng matematika para subaybayan ang galaw ng presyo. Sa kabilang banda, gumagamit ang GTi12 ng geometric mean method, na kilala rin bilang compound rate of return, para sa kalkulasyon nito. Sa pagbuo ng index, lahat ng crypto ay may pantay na epekto sa presyo.Para masigurado na sinasalamin nito ang kasalukuyang sentimiyento sa market, may mga update na ipinapatupad kada quarter, kung kailan sinusuri at pinag-aaralan muli ang Index para sa iba’t-ibang aspeto. Kabilang dito ang market cap, ranggo, at liquidity, tulad ng isinasaad na formula ng FXGT.com.
Mga Partikular na Benepisyo ng Pag-trade ng GTi12
Ang GTi12 ay tini-trade tulad ng iba pang futures CFDs. Pwedeng magbakasakali ang mga investor sa paggalaw ng presyo ng index, nang hindi nagmamay-ari ng mismong pinagbabatayang assets, kaya pwede silang kumita sa parehong pagtaas at pagbagsak ng market. Sinisingil ang swap kapag hinawakan overnight ang isang position pero hindi ito pinapatawan ng rollover dahil ang kaakibat na asset ay hindi mag-e-expire. May mababa itong spreads at leverage na hanggang 1:100.Magbasa pa para tuklasin ang mga partikular na benepisyo ng pag-trade ng GTi12 Index.
1. Iwasan ang risk ng isang partikular na coin
Ang pangunahing benepisyo ng pag-trade ng GTi12 Index ay ang pagkakaroon ng exposure sa crypto market nang hindi kailangang pag-aralan ang performance ng indibidwal na crypto. Ipagpalagay natin na may gustong gumawa nito. Ang pinakamalaking pagsubok ay ang pagdedesisyon kung anong pipiliin. Mareresolba ito sa pamamagitan ng pagtingin sa kabuuang sektor ng crypto at pagkakaroon ng position sa GTi12 para sa natural na pag-diversify.
2. Pagbabakasakali sa long at short, o pag-hedge ng risk
Ang kakayahang mag-trade sa magkasalungat na dulo, ang long at short, ay isang magandang katangian na gusto ng mga sumasabak dito. Nagbibigay ito ng mas malaki pang bentahe sa mga gustong protektahan ang kasalukuyan nilang position bilang parte ng pamamahala ng portfolio. Bilang isang investor, indibidwal man o institusyonal, maaaring may malaki kang koleksyon ng crypto. Isipin mo na inaasahan mong magkakaroon ng malaking correction ang market, na marahil ay dahil sa paghihigpit ng regulasyon. Kaya lang, nananatili kang positibo na pansamantala lang ang pagbaba ng presyo at magkakaroon ng recovery sa mga susunod na buwan. Bagamat isang opsyon ang hawakan na lang ang portfolio, ang mas magandang gawin ay i-hedge ang risk sa pamamagitan ng pagbenta ng GTi12. Habang bumababa ang market, pwedeng kumita ang GTi12 at ang kikitain dito ay maaaring makatulong para i-average ang nalugi noong hinawakan mo ang pangunang position. Sa pagtatapos ng correction period, magiging maayos ang lahat!
3. Pwedeng i-trade nang may mas mababang margin
Di hamak na mas mababa ang kailangang margin sa pag-trade ng index CFDs kumpara sa spot trading. Nag-aalok ito ng mas mataas na potensyal na kumita, pero mas mataas din ang risk. Bagamat ang pagbili nang may margin ay nagpapalaki sa epekto ng pagkalugi at kikitain ng pangunang account, magandang magkaroon ng mas mababang margin kung gagamitin ito nang tama.
4. Mataas na liquidity, mababang spreads at singil
Madalas tayong nakakakita ng isyu sa liquidity ng mga partikular na crypto sa spot market. Sa kabilang banda, walang risk sa liquidity ang CFDs. Ganito rin ang GTi12. Bilang resulta, ang spreads ng bid at ask ay napakaliit din. kaya naman ang pag-trade ng GTi12 ay may napakababang singil at ligtas ito dahil mababa ang tyansa na makaranas ka ng problema sa liquidity.
5. GTi12 bilang tool sa pag-diversify
Ang puntong ito ay may kinalaman sa pagpapababa ng risk pero mayroon itong kaunting pagtuon sa oportunidad. Ipagpalagay natin na mayroon kang portfolio ng crypto na medyo nakatutok sa Bitcoin. Malapit nang makaranas ang market ng matinding pagtaas dahil sa inaasahang positibong balita. Bagamat isang opsyon ang pagbili ng Bitcoin sa spot market, maiipit ang pera mo kapag lumabas na panandaliang oportunidad lamang ito. Mas magandang bumili ng GTi12 bilang bahagi ng portfolio. Sa ganitong paraan, mada-diversify ang kasalukuyang portfolio nang may mababang kapital, upang bumaba rin ang pagpapalabas ng kapital at kaakibat na risk.
Pangkalahatan
Sa kabuuan, ang mga index ay nagbibigay ng simple at epektibong paraan para subaybayan at pag-aralan ang pangkalahatang katayuan at paglago ng market. Umaasa ang mga index na ito sa istatistikal na datos at technical analysis para matulungan tayong maintindihan ang kasalukuyang kondisyon ng market. Bukod dito, ang pagsusuri sa nakaraang datos ay makakapagbigay sa mga investor at trader ng mahalagang pananaw kung paano tumugon ang market sa nakaraang balita ang mga pangyayari. Magiging dahilan ito para makagawa ng wais na desisyon sa hinaharap.Sa pangkalahatan, ang benepisyo ng mga index ay hindi lang tungkol sa pag-trade. Makikita rin ang mga bentaheng ito sa GTi12 Index ng FXGT.com, isang naiibang crypto index na kumikilos bilang magandang tool sa pag-diversify at pagpapababa ng risk. Dahil dito, isa itong napakagandang produkto para sa mga investor na gustong sumabak sa crypto market nang may kumpiyansa.
Sa pangkalahatan, ang benepisyo ng mga index ay hindi lang tungkol sa pag-trade. Makikita rin ang mga bentaheng ito sa GTi12 Index ng FXGT.com, isang naiibang crypto index na kumikilos bilang magandang tool sa pag-diversify at pagpapababa ng risk. Dahil dito, isa itong napakagandang produkto para sa mga investor na gustong sumabak sa crypto market nang may kumpiyansa.
Handa ka na bang i-diversify ang crypto portfolio mo at tuklasin ang mga benepisyo ng GTi12 Index? Gawin na ang unang hakbang para magkaroon ng kumpiyansa at wais na makapag-trade sa tulong ng FXGT.com. Magbukas ng account o mag-login para tuklasin ang mundo ng crypto trading sa global broker na FXGT.com.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.