Nakakaranas ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) ng malakas na pataas na trend simula noong unang bahagi ng Agosto, na pinaigting ng bullish technical signals, kaya umabot ito sa bagong resistance levels at nakapagtala ng panibagong all-time highs. Kaya lang, hindi gan’on kalakas ang takbo ng dalawa pang pangunahing index (S&P 500 at NASDAQ 100). Bukod dito, kailangang mag-ingat dahil nagpapahiwatig ang potensyal na bearish divergence na may posibilidad ng pababang correction.
Inaasahan ang mga trader na masusi nilang susubaybayan ang index habang papalapit ang ilalabas na ulat sa ekonomiya na pwedeng makaapekto sa direksyon nito.
Biyernes 02:50 AM (GMT+3) – Japan: Retail Sales MoM (JPY)
Biyernes 04:30 AM (GMT+3) – Australia: Retail Sales MoM (AUD)
Biyernes 09:45 AM (GMT+3) – France: GDP QoQ (EUR)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: GDP MoM (CAD)
Biyernes 16:30 (GMT+3) – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Sabado 04:00 AM (GMT+3) – China: Manufacturing PMI (CNY)
Nakakaranas ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) ng pataas na takbo simula noong Agosto 5, kung saan umabot ito sa low na 38401.33. Ang pataas na galaw ay sinenyasan ng nabuong Japanese candlestick reversal na tinatawag na Tower Bottom, na nagbukas ng landas para hilain ng bulls pataas ang DJIA. Habang gumalaw ang presyo sa itaas ng 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMA), tumindi lalo ang momentum, na humantong para malagpasan ng index ang all-time high na 41410.20 na naitala noong Hulyo 18. Parehong nagpapahiwatig ng bullish na pananaw ang Momentum oscillator at ang Relative Strength Index (RSI), na nagtatala ng numero sa itaas ng baseline na 100 at 50. Kaya lang, ayon sa mas mabusising inspeksyon, mao-obserbahan ang bearish divergence sa pagitan ng presyo at ng Momentum oscillator, na nagpapahiwatig ng potensyal na pababang correction.
Kung mapapanatili ng bulls ang kontrol nila sa market, maaaring mapunta ang atensyon ng traders sa tatlong potensyal na resistance levels sa ibaba:
41444.96: Natukoy ang unang target na presyo sa 41444.96, na sumasalamin sa daily high na namataan noong Agosto 26.
41599.69: Ang pangalawang target ay natukoy sa 41599.69, na tumutugma sa peak na nakita noong Agosto 29.
42041.72: Ang pangatlong target na presyo ay naitala sa 42041.72, na tugma sa resistance (R3) na nakalkula gamit ang lingguhang Pivot Point method.
Kung makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba:
40998.87: Ang pangunahing downside target ay natukoy sa 40998.87, na tugma sa lingguhang Pivot Point (PP) na nakalkula gamit ang standard method.
40776.14: Ang pangalawang support level ay nasa 40776.14, na kumakatawan sa support (S1) na nakalkula gamit ang lingguhang Pivot Point method.
40377.92: Ang ikatlong support line ay namataan sa 40377.92, na tugma sa 38.2% Fibonacci retracement sa pagitan ng swing low na 38401.33 at ng swing high na 41444.96.
39623.10: May isa pang pababang target na naobserbahan sa 39623.10, na tugma sa 61.8% Fibonacci retracement sa pagitan ng swing low na 38401.33 at ng swing high na 41444.96.
Sa pangkalahatan, bagamat nagpapakita ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) ng malakas na momentum pataas, kung saan umabot ito sa all-time highs, nagpapahiwatig ng pag-iingat ang pagkakaroon ng potensyal na bearish divergence at mahinang takbo ng S&P 500 at NASDAQ 100. Habang papalapit na ang mga ilalabas na datos sa ekonomiya, kailangang maging mapanuri ng mga trader dahil pwede nitong maimpluwensyahan nang husto ang direksyon ng market. Kailangang masusing subaybayan ang resistance at support levels habang tinatahak ang potensyal na pagbaliktad sa takbo ng DJIA.