Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Bumaba ang Dow at S&P 500 sa Gitna ng Espekulasyon sa Interest Rate Cut
2 Abril 2024 | FXGT.com

Bumaba ang Dow at S&P 500 sa Gitna ng Espekulasyon sa Interest Rate Cut

  • Iniimpluwensyahan ng Datos sa Manufacturing ang Sentimyento sa Market: Nakaranas ng pagbaba ang Dow at S&P 500, na bahagyang dahil sa pag-aalala ng mga investor tungkol sa tiyempo ng interest rate cuts ng Federal Reserve. Ang pagbaliktad ng sentimyento ay dahil sa hindi inaasahang magandang datos sa manufacturing, na nagresulta sa mas malaking Treasury yields.
  • Lumagpas sa Inaasahan ang ISM Manufacturing PMI: Iniulat ng Institute for Supply Management ang manufacturing PMI na 50.3 nitong Marso. Ito ang unang pagbasa na lumagpas sa 50 mula noong Setyembre 2022, na nagpapahiwatig ng potensyal na pagbawi sa sektor ng manufacturing. Dahil dito, nagdududa na magkaroon ng rate cut sa darating na Hunyo.
  • Tumugon ang Treasury Yields sa Datos sa Ekonomiya: Ang parehong 10-taon at 2-taong Treasury yields ay umabot ng dalawang linggong highs pagkatapos ilabas ang ulat tungkol sa manufacturing, na nakaapekto sa takbo ng market at inaasahang interest rate cut. Ayon sa CME FedWatch tool, hati na ang pananaw tungkol sa rate cut ngayong Hunyo, kung saan nagbago ito pababa tungong 62%.
  • Epekto ng Pagkagambala sa Supply Chain: Ang mga isyu sa supply chain, tulad ng kaguluhan sa Red Sea, pagsasara ng Baltimore Port, at tumataas na presyo ng langis, ay nakakaapekto sa inflation at sentimyento sa market.
  • Nalalapit na Pahayag ng mga Opisyal ng Fed: Dahil sa malaking interes sa paninindigan ng Federal Reserve, isinaad ng mga malalaking opisyal tulad ni Governor Christopher Waller at Atlanta President Raphael Bostic ang kagustuhan nilang magkaroon ng mas kaunti sa tatlong rate cuts ngayong taon. May inaasahang sunod-sunod na pahayag ang mga opisyal ng Fed ngayong linggo, kabilang ang Chair na si Jerome Powell, na pwedeng makapagbigay ng mas malawak pang pananaw.
  • Inaasahang US Jobs Report: Hinihintay ng mga investor ang nalalapit na buwanang US jobs report, na pwedeng makaimpluwensya sa sentimyento ng market at patakaran ng Federal Reserve. Sa kasalukuyan, umiiral ang temang “Magandang Balita ang Masamang Balita,” na nagpapahiwatig na ang mas mahinang datos sa ekonomiya ay maaaring magpatibay sa mas maagang easing ng Fed.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
Susunod na Artikulo
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.