Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Sumipa ang Dow Jones sa Record Highs Nito Pagkatapos ng Tinatayang Rate Cut sa Setyembre
17 July 2024 | FXGT.com

Sumipa ang Dow Jones sa Record Highs Nito Pagkatapos ng Tinatayang Rate Cut sa Setyembre

  • Tumaas ang Dow Jones sa Gitna ng Pag-asa sa Rate Cut: Tumaas ng 1.80% ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) nitong Martes, kung saan umakyat ito ng halos 700 points kaya naabot ang bagong record high sa itaas ng 40,900. Minamarkahan nito ang ikalawang sunod-sunod na pag-abot ng record highs nitong index, na resulta ng umigting na pag-asa ng market na magpapatupad ang Federal Reserve ng rate cut sa Setyembre. Bukod dito, nagtulak din pataas sa market ang matatag na paggastos ng mga konsyumer at malakas na kita ng mga korporasyon.
  • Epekto ng Datos sa US Retail Sales: Hindi nagbago nitong Hunyo ang datos sa US Retail Sales, na tumutugma sa forecast na 0.0%, habang ang dating iniulat na pagtaas noong Mayo ay binago mula 0.1% patungong 0.3%. Sumesenyas ang datos na ‘to sa patuloy na pagbagal ng lokal na ekonomiya ng US, na nagpapatibay sa taya ng market na magkakaroon ng rate cut sa Setyembre.
  • Epekto ng mga Komento ng Fed Chairman na si Powell: Kinumpirma ng Fed Chairman na si Jerome Powell na pwedeng babaan ng bangko sentral ang interest rates nito bago maabot ang target na inflation na 2%, kaya umigting ang pag-asang magkakaroon ng rate cut sa Setyembre. Dahil dito, bumaba lalo ang US Dollar at Treasury bond yields, na nagtutulak pataas sa mga risk asset.
  • Buong-buo nang Nakataya ang Rate Cut ng Fed sa Setyembre: Tumaya ang market na magkakaroon ng hindi bababa sa quarter-point na rate cut sa Setyembre at inaabangan na nito ang posibilidad ng dalawa pang dagdag na pagbabawas sa katapusan ng taon, at 50% tyansa ng ikatlong rate cut. Ang naturang dovish na pananaw ay sumusuporta sa kasalukuyang bullish na takbo. Bagamat inaasahang hindi babaguhin ang rates sa nalalapit na pulong ng Federal Open Market Committee (FOMC) sa Hulyo 31, inaasahan na maghihintay muna ng karagdagang datos ang mga tagapangasiwa bago kumpirmahin ang target sa inflation.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.