Sa isang bagong pagkilos, binawasan na naman ng European Central Bank (ECB) ang interest rates habang bumabagal ang inflation at tuloy-tuloy ang mga hamon sa ekonomiya. Ito na ang ikalawang pagbabawas ngayong 2024, kung saan binabaan ng 25 basis points patungong 3.5% ang rates ng deposito. Sa kabila nitong mga aksyon, iginiit ng pangulo ng ECB na si Christine Lagarde na dedepende ang magiging desisyon sa mga ilalabas na datos, kaya nabibigyang-diin ang di kasiguraduhan tungkol sa pananaw sa ekonomiya. Kasabay nitong mga rate cut, binabaan din ng ECB ang tantya nitong paglago, na sumasalamin sa mas mahinang pagkonsumo ng mga tahanan at naghihikahos na sektor ng manufacturing. Habang humihina ang pwersa ng inflation mula sa pagtaas ng sahod, patuloy ang pag-aalala tungkol sa presyo ng mga serbisyo. Dahil inaabangan ang higit pang rate cuts sa 2025, inaasahan ng mga analyst na babaguhin pa ‘to ng ECB habang tinatahak ang sensitibong landas tungo sa muling pagbangon.
Nagbawas Ulit ng Rates ang ECB Habang Humihina ang Inflation at Nadadagdagan ang Pag-aalala sa Ekonomiya
Binawasan ng European Central Bank (ECB) ang interest rates nito sa ikalawang sunod na pagkakataon ngayong 2024, kung saan binabaan nito ng 25 basis points patungong 3.5% ang rates ng deposito habang lumalapit ang inflation sa target na 2%. Sa kabila nito, binigyang-diin ng pangulo ng ECB na si Christine Lagarde na aasa sa datos ang magiging desisyon sa rates, at wala pa itong malinaw na plano sa higit pang pagbabawas. Binago rin pababa ng ECB ang forecast sa paglago, kung saan inaasahan nito ang mas mabagal na paglaki ng ekonomiya hanggang 2026 dahil sa mahinang pagkonsumo ng mga tahanan at naghihikahos na sektor ng manufacturing. Habang nababawasan ang pwersa ng inflation mula sa pagtaas ng sahod, binabantayan pa rin ang pagtaas ng presyo sa sektor ng mga serbisyo. Inaasahan ng mga analyst na magkakaroon ng higit pang rate cuts sa 2025, kung saan may ilan na umaasa na pwedeng umabot sa 2% ang rates ng deposito sa kalagitnaan ng 2025.
Bumagsak sa 3.65% ang Refinancing sa Gitna ng Paghina ng Inflation
Noong Setyembre 12, 2024, binawasan ng European Central Bank (ECB) ang deposit facility rate nito ng 25 basis points patungong 3.5%, bilang parte ng patuloy na pagsisikap na bawasan ang mahigpit nitong pamamalakad. Binawasan rin patungong 3.65% ang interest rate sa refinancing, habang bumaba sa 3.90% ang marginal lending facility rate. Ipatutupad ang mga pagbabagong ito simula Setyembre 18, 2024.
Ang desisyon ng ECB ay inimpluwensyahan ng bago nitong tantya sa inflation, na nananatiling tugma sa mga nakaraang forecast. Inaasahan na mag-a-average sa 2.5% ang inflation ngayong 2024, 2.2% sa 2025, at 1.9% sa 2026, kung saan bahagyang binago pataas ang core inflation para sa taong 2024 at 2025 dahil sa tuloy-tuloy na inflation sa mga serbisyo.
Bagamat nananatiling mataas ang lokal na inflation dahil sa lumalaking sahod, bumabagal naman ang pwersa ng bayad sa labor. Bahayga ring binago pababa ng ECB ang pananaw nito sa paglago ng ekonomiya, kung saan inaasahan nito ang GDP growth na 0.8% ngayong 2024, 1.3% sa 2025, at 1.5% sa 2026. Pagdating sa pagdedesisyon sa rates, pananatilihin ng bangko sentral ang pagtutok sa datos upang masigurado na babalik ang inflation sa 2% na target sa loob ng katamtamang panahon.
Bukod dito, kinumpirma ng ECB ang pagbabago sa Asset Purchase Program (APP) nito, kabilang ang pagbabawas ng reinvestments sa ilalim ng Pandemic Emergency Purchase Program (PEPP) sa katapusan ng 2024. Nananatiling handa ang Governing Council na baguhin ang pamamalakad nito para masigurado ang katatagan ng presyo at maayos na pagpapatupad ng pamamalakad sa buong eurozone.
Mahinang Paglago na may Landas Tungo sa Pagbangon: Mahalaga ang mga Reporma at Pag-export para Lumakas ang Ekonomiya
Nitong ikalawang quarter, lumago ng 0.2% ang ekonomiya, na mas mababa mula sa 0.3% noong unang quarter, at mas mahina kumpara sa inaasahang numero. Ang naturang paglago ay dulot ng netong pag-export at gastusin ng gobyerno, habang humina naman ang pribadong lokal na demand dahil sa mas mababang pagkonsumo ng mga tahanan at pamumuhunan sa negosyo. Positibong nakatulong ang mga serbisyo, pero humina ang sektor ng industriya at konstruksyon. Sa kabila ng mga hamon, inaasahang magiging malakas ang pagbangon habang lumalaki ang tunay na sahod at dumadami ang pag-export dahil sa pandaigdigang demand.
Nananatiling matatag ang labor market, kung saan naitala sa 6.4% ang unemployment rate, bagamat bumagal sa 0.2% ang paglago ng mga trabaho. Ayon sa survey, humihina pa lalo ang demand sa labor, at bumabalik ang lebel ng mga bakanteng trabaho sa numero nito bago mag-pandemya.
Mga Technical na Target na Presyo
Pagkatapos maabot ang high na 1.12000, nagpakita ang EURUSD chart ng senyales ng paghina dahil nahihirapan ang bulls na panatilihin ang pataas na momentum. Nabuo ang isang bearish reversal pattern na kilala bilang Bearish Tower, na sinundan ng isang failure swing kung saan nabigo ang peak na 1.11539 na lagpasan ang nakaraang high. Pagkatapos nito, bumagsak ang presyo sa ilalim ng trough na 1.10251, na nagpapahiwatig ng higit pang bearish na sentimyento. Sinusuportahan ito ng mga technical indicator, kabilang ang 20-period Exponential Moving Average (EMA), Momentum oscillator, at Relative Strength Index (RSI), kung saan bumabagsak ang presyo sa mahahalagang lebel. Gamit ang Fibonacci retracement, natantya ang potensyal na support levels sa 1.09470, 1.08167, at 1.06083.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, ang desisyon ng European Central Bank na bawasan ang interest rates sa ikalawang pagkakataon ngayong 2024 ay sumasalamin sa pagsisikap nito na labanan ang humihinang inflation at mga hamon sa ekonomiya. Dahil dedepende sa mga ilalabas na datos ang magiging rate cuts sa hinaharap, nananatiling maingat ang ECB sa pananaw nito sa ekonomiya, lalo na’t dahil sa mas mahinang paglago at tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo sa sektor ng mga serbisyo. Habang tinatahak ng bangko sentral ang mga naturang isyu, inaasahan ang higit pang pagbabago ng rates sa 2025, kung saan layunin nitong bawasan ang inflation at suportahan ang pagbawi sa ekonomiya ng buong eurozone.