Sa ngayon, kabilang ang CFDs (Contract for Difference) sa ilan sa pinakasikat na derivatives na ginagamit ng traders, dahil nagbibigay-daan ito para kumita mula sa galaw ng presyo ng pinagbabatayang asset nang hindi nangmamay-ari nito. Para sa mga trader na gustong kumita sa pangmatagalan, pinapasok nila ang mga market nang may epektibong estratehiya sa pag-trade ng CFDs, na binuo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng technical analysis sa isang partikular na asset, o fundamental analysis, o parehas.
Layunin ng mga estratehiya na kumita ng kapital sa pamamagitan ng pagtatakda ng patakaran sa pagsasagawa ng desisyon sa pag-trade, habang patuloy na nakikibalita para malaman ang pinakabagong kondisyon at pangyayari sa market. Pwedeng gawin ang mga estratehiya sa pag-trade ng CFDs sa magkakaibang klase ng assets, kabilang ang mga currency pair, commodity, index, stocks, at marami pang iba, at nagbabago ito depende sa kanya-kanyang layunin at kakayaning risk ng bawat indibidwal na trader.
Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin ang mga sumusunod:
Mga estratehiya sa pag-hedge ng CFDs
Mga panandaliang estratehiya sa CFDs
Mga pangmatagalang estratehiya sa CFDs
Bago natin busisiin ang bawat isa dito, mas mabuting balikan mo ulit ang nalalaman mo tungkol sa CFDs sa aming artikulo tungkol sa pag-trade ng CFDs. Pero kung nagawa mo na ito, magpatuloy tayo sa pagpapaliwanag ng mekanismo tungkol sa mga estratehiyang ito, at kung paano ito ginagamit para sa epektibong pag-trade ng CFDs.
Pag-hedge ng CFDs
Ang hedging ay isang estratehiya sa pamamahala ng risk na naglalayong babaan ang risk exposure kapag nag-i-invest o nagti-trade ng financial assets. Ang pag-hedge ng CFDs ay nagtataglay ng pagpapababa ng potensyal na pagkalugi ng trade sa pamamagitan ng pag-open ng isang transaksyon sa CFD sa kaparehong asset, o sa kaugnay na asset.
Sa madaling salita, kung bumaliktad laban sa trade mo ang market, pwedeng mabawi ang pagkalugi sa pamamagitan ng kikitain sa isa pang CFD position. Ang pamamaraang ito ay kahalintulad ng insurance na pwede mong pasukin sa panahon ng hindi magandang kondisyon sa market.
Para mas maunawaang mabuti ang paraang ito at kung paano ito tumatakbo, ipagpalagay natin ang isang eksena kung saan gagamitin ang estratehiyang ito sa forex market. Halimbawa, nag-open ang isang trader ng buy order para sa 1 lot ng EURUSD, pero pagkatapos nito bumaba ang presyo ng currency pair, kaya naapektuhan ang equity ng trader.
Para kontrahin ang pagkalugi ng kanilang buy na trade, pwedeng i-hedge ng trader ang buy position sa CFD sa pamamagitan ng pag-open ng isa pang position na 1 lot na EURUSD, pero sa pagkakataong ito, isa naman itong sell order. Kung patuloy na nawalan ng halaga ang currency pair, babalansehin ang pagkaluging ito mula sa kita na nakuha mula sa sell order.
Paano I-hedge ang Portfolio gamit ang CFDs
Ngayong naiintindihan na natin kung paano tumatakbo ang hedging, pwede nating gamitin ang pamamaraang ito para mabawi ang risk sa ating pag-trade o portfolio sa investment.
Halimbawa, ipagpalagay natin na ang portfolio mo ay binubuo ng 100 Apple (AAPL) shares, 50 Nvidia (NDVA) shares, 20 Amazon (AMZN) shares, at 50 Microsoft (MSFT) shares. Bagamat maganda ang takbo ng unang dalawang stocks, nawawalan ng halaga ang Amazon at Microsoft dahil sa mahinang resulta ng ulat sa kanilang kita.
Para balansehin ang pagkalugi sa iyong AMZN at MSFT stocks, pwede kang mag-open ng CFD sell order tulad ng sumusunod:
AMZN: CFD sell order na may volume na 20 shares
MSFT: CFD sell order na may volume na 50 shares
Kung patuloy na bumagsak ang dalawang kumpanya, ang investment mo dito ay mahe-hedge ng CFD sell orders na nilagay mo. Ang pagkalugi ng stocks mo ay babawiin ng kita sa CFDs, kaya epektibo nitong mababalanse ang kabuuang takbo ng iyong portfolio.
Panandaliang Estratehiya sa Pag-trade ng CFDs
Ang mga panandaliang trades ay tumatagal ng ilang segundo hanggang isang araw, at tumututok ito sa pananamantala ng kaunting galaw sa presyo. Para mapakinabangan ang pagtaas-baba ng presyo, binabago ng traders ang mga estratehiya nila alinsunod sa umiiral na kondisyon ng market at ekonomiya. Ilan sa mga pinakasikat na pamamaraan ay ang sumusunod:
Scalping: Isang estratehiya na naglalayong kumita mula sa napakaliit na paggalaw ng presyo, kung saan naka-open ang CFD positions mula ilang segundo hanggang ilang minuto. Kadalasang lumalabas-pasok agad ang traders sa market, habang nagtatangkang gumawa ng magkakasunod na maliliit na kita.
Intraday trading: Isang estratehiya na nagtataglay ng pagpapanatili ng mga naka-open position sa loob ng hanggang isang araw. Sinasamantala ng traders ang galaw ng presyo sa mas maikling timeframe sa chart, tulad ng H1 (1 oras) o H4 (4 na oras). Gayundin, umaalis sila sa position bago magsara ang market para hindi sila singilin ng overnight na bayarin.
News trading: Depende sa inaakalang epekto sa ekonomiya, may kakayahan ang balita na pataasin ang presyo ng isa o higit pang asset sa sandaling ilabas ito. Inaabangan ng traders ang mga naturang paggalaw sa pamamagitan ng buy o sell limit orders sa CFD, na kalimitang nilalagay bago ilabas ang balita.
Sa tulong ng panandaliang estratehiya sa pag-trade ng CFDs tulad ng scalping, intraday trading, at news trading, mabilis na nakakalabas-pasok ng position ang traders, habang sinasamantala ang panandaliang pagtaas-baba ng presyo nang hindi hinahawakan overnight ang mga position. Nangangailangan ang mga naturang estratehiya ng mabilis na pagdedesisyon at malalim na pag-unawa sa takbo ng market.
Pangmatagalang Estratehiya sa Pag-trade ng CFDs
Kumpara sa panandaliang pag-trade, nagtataglay ang paraang ito ng paghawak ng naka-open na position sa mahigit isang araw, na pwedeng tumagal ng ilang linggo, buwan, o ilang taon. Dahil tumututok ito sa pangmatagalang paglago ng asset, mas mahal ito kaysa sa mga panandaliang estratehiya, dahil kapag nag-iwan ka ng CFD position sa mahigit isang araw, may kaakibat itong overnight na singil.
Swing trading: Sa ganitong estratehiya sa pag-trade ng CFD, tinutukoy ng traders ang posibleng reversal ng trend at papasok sila sa market kapag may nakumpirmang bagong trend ang price action. Naka-open ang mga position sa mahigit isang at hanggang ilang linggo, habang sinasamantala ang galaw ng presyo sa mas mahabang timeframe./li>
Break-out trading: Ang ganitong estratehiya sa CFD ay nagtataglay ng pagtukoy sa support at resistance level ng isang asset, at pag-open ng trades kapag nag-breakout ang presyo sa itaas o ibaba ng mga partikular na lebel. Pagkatapos ng breakout, makakaasa ang traders ng pagsipa ng presyo ng asset, at pananatilihin nilang naka-open ang kanilang position sa mas mahabang panahon para masakop ang mas malaking bahagi ng galaw ng presyo.
Position trading: Isang estratehiya kung saan naka-open ang mga trading position sa loob ng ilang buwan o taon. Katulad ng pag-iinvest, ang estratehiyang ito sa pag-trade ng CFDs ay tumututok sa pangmatagalang galaw ng presyo ng asset at sinusuportahan ito ng mabusising fundamental at technical analysis.
Sa tulong nitong mga pangmatagalang estratehiya sa pag-trade ng CFDs, nagkakaroon ng potensyal ang mga trader na samantalahin ang matitinding galaw ng presyo sa mas mahabang panahon. Bagamat pwede itong magtaglay ng mas mataas na bayarin dahil sa mga overnight na singil, binibigyang-daan nito ang traders na makinabang sa pangmatagalang paglago ng asset. Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa trends sa market, support at resistance level, at fundamental na datos, magkakagawa ng mainam na desisyon ang traders at pwede nilang maabot ang malaking kita.
Pangkalahatan
Sa kabuuan, ang mga estratehiya sa pag-trade ng CFDs ay nangangailangan ng matinding pagpaplano, pamamahala ng risk, at mabuting pag-unawa sa takbo ng market. Ang pagbuo ng isang malinaw na estratehiya ay nagtataglay ng pagsusuri sa trend sa market, pagkakaroon ng malinaw na entry at exit point sa trades, at masusing pagsubaybay sa kakalabasan ng mga position mo. Bukod dito, mahalagang gawin ang mga estratehiyang ito kasama ng isang kilalang broker para mapabuti ang pagiging epektibo nito.
Sa FXGT.com, makakahanap ka ng napakahusay na kondisyon sa pag-trade na magbibigay-daan para mapakinabangan mo ang potensyal ng iyong mga estratehiya sa CFDs. Bukod dito, masasamantala mo ang napakalawak na resources na makakatulong para makabuo ka at mabago mo ang iyong estratehiya sa CFDs batay sa pinakabagong pangyayari sa market. Kaya naman, ano pang hinihintay mo? Gumawa na ng FXGT.com account at gamitin ang mga estratehiya mo sa pag-trade ng CFDs, katuwang ng broker na nababagay sa iyong mga pangangailangan.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.